Chapter 19 - Getting Along

76.7K 2.4K 1.1K
                                    


Chapter 19 – Getting Along


Two weeks after that night, hindi pa rin talaga mawala sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Jiro.


Nababaliw siya sakin as in inlove na siya?

Ay bongga ah. Ako crush lang, siya love agad hahaha.


Wala akong lakas ng loob tanungin siya kung ano ba ang ibig sabihin niya doon which is why until now, I'm still confused.


"Hindi. Dapat 54 sagot diyan" Malumanay na pagsita ni Jiro sa ginagawa ko.


Andito kami ngayon sa canteen at kasabay ng pagkain ng lunch ay ang paggawa ko ng assignment. Nakalimutan ko kasing gumawa kahapon at ayaw naman akong pakopyahin ni Gigi kaya ito ako ngayon, multi-tasking.

Oo, medyo may pagka-madamot siya. Nasanay na lang ako kaya di na kami nagaaway.


"Pano naging 54? Eh dapat 67 yan. Di'ba ia-add ito tsaka ito"

Naiirita na talaga ako sa costing na ito. Lagi na lang ako nalilito.


"Ayan nga formula oh. Amin na"

Kinuha niya yung pad paper ko at inexplain sa akin maiigi yung computation.


Nilingon ko saglit sila Gigi. Nagkakasayahan sila nila Zach sa snapchat at di nila kami pinapansin.

Sanay na kasi sila sa amin ni Jiro.


After being so cold to me dahil siguro sa date namin ni Nixon, basta ewan ko ba kung anong kinagalit niya noon, he apologized. Sabi niya bad mood lang siya nun kaya pati ako di niya daw pinansin.

Of course, I didn't believed him. Bakit ako lang di niya kinausap pero sila Ika, okay sa kanya.

I let go of the issue na lang para wala ng problema.


Tapos ayun, ewan ko ba kung anong ihip ng hangin ang nangyari at naging close pa kami lalo ni Kuya Biceps.


I KNOW! KILIG RIGHT?

(^////////^)


Lagi siyang nagtetext at nagchachat sakin. 

Kung ano ano lang ang mga pinaguusapan namin. 

Nakakapagtaka nga dahil di kami nauubusan ng mga pagkukwentuhan.


"Gets?" Tanong niya.


"Bakit mo alam yan at ako hindi? HRM students dapat marunong diyan eh" Natatawang tanong ko.


He laughed as well. "May subject din kasi kaming luto diba. Di ka kasi nakikinig sa prof mo. Yan tuloy"


Ginulo niya pa ang buhok ko kaya palaro ko siyang sinapak sa braso.


Pano po kaya ako makakapag-concentrate sa mga lecture kung text ka ng text?


Sumubo muna ako ng kanin at ulam bago ko sinagutan yung next question. Sakto bago mag-ring yung bell, natapos na ako.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon