Chapter 22 - Confession

68K 2.4K 1K
                                    


Chapter 22 – Confession


Ang sakit sakit ng ulo ko pag-gising ko.

Ito na siguro yung sinasabi nilang 'hangover'.


"Gising na! May pasok pa kayo!" Pagkalampag ni Tita Gerna sa pintuan ng kwarto ni Gigi.

I groaned quietly. Dahan-dahan akong umupo bago tignan ang bestfriend ko.


"Gi, mauna na kong maligo ah. Bumangon ka na rin"


Tumango siya pero nagtakip din naman ng unan sa mukha pagkatapos.


Medyo nakatulong sa akin yung pagligo ko ng malamig na tubig. Nagising yung diwa ko kahit papaano.


Hinampas ko ng unan si Gigi nung nakabihis na ko ng uniform. Ayaw niya talagang bumangon.


"Huy! Gi! Magagalit sayo si Tita pag di ka pumasok! Baka di na tayo payagan nun next time!"

"Tinatamad ako! Matutulog na lang akooo" Pang-angal niya.

"Tsk! Bahala ka nga diyan!"


Bumaba na ako. Amoy na amoy ko yung niluluto ni Tita na itlog.


"Oh, si georgina?"

"Di po yata papasok tita"


Hinawakan ko yung ulo ko ng bigla iyong sumakit.


"Hay nako! Ang titigas kasi ng ulo niyo! Oh ito, inumin mo pagkatapos mong kumain" Sabay abot niya sa akin ng gamot.

"Thank you po"


"Papagalitan ko talaga yang si Gigi pag-gising niya. Gabing-gabi na nga kayo umuwi, sumobra pa siya sa paginom niya. Alam mo kenken, mabait akong nanay. Pinaparamdam ko sa kanya yung mga hindi ko nagawa nung kabataan ko dahil sa pagiging strict ng parents ko. Pero nagte-take advantage naman na siya"


Hindi ako nagsalita. Kumain na lang ako habang nakikinig.


"Ay kenzie, ikaw ba yung uminom ng baso dito kagabi?"


Napatingin ako kay Tita.


Naalala ko yung paguusap namin ni Jiro doon sa kitchen.

>///////////<


Oh my gosh KENZIE!!

Ang daldal mo pag lasing ka!


"Bakit po?"

"Nabasag pero hindi nilinis"


I frowned.


Wala naman akong naaalalang nabasag ko yung basong inabot ni Jiro sa akin.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon