Chapter 27 - Disclosure

63.2K 2.3K 480
                                    


Chapter 27 - Disclosure 


Tahimik lang ako habang nagdadrive si Nixon.

Nakikinig ako ng music na pinapatugtog niya.


"Gusto mong kumain muna tayo? Baka gutom ka na..." Tanong niya.

"Hindi na"


Magaan ang loob ko sa kanya ngayong araw.

Maybe because he didn't forced me to tell him what my problems are.

Or narealize niya sigurong wala akong planong ikwento sa kanya.


Yung bestfriend ko ngang si Gigi di ko tinetext, siya pa kaya na kaibigan ko lang, pagsasabihan ko ng sama ng loob ko?


May ugali akong malihim. Oo, makulit ako, jolly, at madaldal.

Pero minsan may mga bagay na gusto kong akin lang.


"Ah, Nixon. Dito na lang ako sa gilid"


Itinigil niya na yung kotse sa sakayan ng mga tricycle at jeep.

Nagpumilit siyang ihatid ako dito kaya pumayag na ako.


I didn't accept his offer dahil alam kong mali.

Kahit magpaalam ako kay Jiro, magseselos at magseselos siya.


At ang panget lang tignan na may boyfriend ako pero sa ibang lalake ako sasama.

Magmumukha akong malandi.


"Salamat sa ride"


Bumaba na ko at nagulat ng may lumapit agad sa aking lalakeng matanda.

"Miss, yung bayad mo kanina! Grabe ka, tinakbuhan mo ko"


Tinitigan ko yung mukha niya at naalala kong siya nga yung sinakyan ko palabas ng subdivision!

ARGH! Nakalimutan ko palang bayaran si Manong!


"Hala! Nawala po sa isip ko"

"Dire-diretso ka. Pagbaba mo ng tricycle ko sumakay ka agad ng jeep. Di na kita nahabol"


Kinapa ko yung bulsa ng shorts ko.

>__<


Wala nga pala akong dalang pera!


"May problema po ba dito?"

Nanlaki yung mga mata ko ng lumabas pa si Nixon ng sasakyan niya.


"Hindi, wala---"

"Ayang girlfriend mo, di pa nagbabayad ng pamasahe. Pati yung jeep na sinakyan niya, napadaan dito. Nagtatanong yung driver kung nakita ba daw siya dahil di rin nagbayad doon"


"Ganun po ba?" Napatingin sa akin si Nixon.

NAKAKAHIYA!

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora