Chapter 16 - Patch Up

83.2K 2.7K 1.7K
                                    

Chapter 16 - Patch Up


Habang nililipat-lipat ko ang channel ng television ay nagkukwento ako kila Gigi tungkol sa mga nangyari kahapon. Well not everything, just the part kung saan nasabi sa akin ni Jiro na wala na sila ng girlfriend niya.


"Ohmygosh! I told you he likes you! Kaya nga siya nakipaghiwalay na sa bruhilda niyang girlfriend ay para hindi mo na siya layuan!" Kinikilig na sigaw ni Eli na agad namang sinaway ni Gigi.


"Nako Adeline, pag si Kenken umasa na naman, pupuruhan talaga kita! Kita mo yang remote na hawak niya? Papalamon ko sayo yan"


"What is wrong with hoping na may something sa kanila ni Jiro? Oh come on girl! You heard Kenzie! Nagseselos si Jiro sa kanila ni Nixon! Yieee!"


"Malay mo nagalala lang kasi nga ayaw niyang mapahamak si Kenken. Eh kahit naman siguro sino kakabahan sa naisip ni Nixon noh! Buti talaga di natuloy!"


I nodded at her.

Si Maika nasa loob pa ng bathroom, naliligo. Siya kasi ang pinakahuling nagising sa amin. Sabagay, maaga pa naman. 7 am pa lang. Hanggang 9 am naman daw ang buffet breakfast sa baba.


"Ah basta! I really think Jiro likes you" Pagpupumilit ni Eli.


"Kahit naman sabihin nating kunwari may gusto sakin si Jiro, tingin mo ba talaga kokonsintihin ko yun? He's still off limits" I told her.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"


Nilingon ko siya upang makapagpaliwanag ng mas maayos.

"Kakabreak lang nila Jiro at Stacy two weeks ago. Kaya bawal pa. Alam niyo naman siguro yung 3 months breakup rule? Kailangan sa loob ng tatlong buwan, wala muna silang lalapitan o liligawang iba"


"Exactly my point" Gigi agreed.

"Sus. Sa panahon ngayon, di na uso yan. Tsaka DUH! CRUSH LANG NAMAN! WALANG MASAMA SA CRUSH!" Natatawang sabi ni Eli.


Sabagay...Tama nga si Adeline.


What's wrong with having a crush on Jiro?

Single na naman siya! HAHAHA.


Nagtalo pa sila ni Gigi kaya naman tumayo na lang ako at nagpaalam na bababa na.

Pinigilan pa nila ako pero sabi ko, maglalakad-lakad lang ako at dun na lang kami magkita-kita sa function room. Itetext na lang daw nila ako pag nandun na sila.


Naka-jeans na shorts ako at black na three quarter sleeves. Tapos white na converse.

Basa pa ang buhok ko kaya sinuklay ko iyon gamit ng kamay ko. Magisa lang ako sa elevator ngayon, siguro ay tulog pa ang mga kabatchmates ko.


Pagbaba ko, iilan pa lang ang mga nakita kong estudyante.


"Uy kenzie" Bati ni Zach na nakaupo sa may lobby. Ang gulo pa ng buhok niya, mukhang di pa naliligo ang isang ito.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy na sa paglilibot. Hindi gaanong kalamig ngayong umaga, medyo humahangin pero hindi kasing lamig kahapon.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now