Chapter 18 - Friendly Date

85.7K 2.5K 1K
                                    


Long update since I haven't updated this story for a few days now. Busy with my thesis, sorry! 

Btw, I'm His Tutor book is now officially back here on wattpad. But I will really appreciate it if you guys still grab your own copy of the published book. Thanks ya'll love much xoxo

--------------------------------------


Chapter 18 - Friendly Date


Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagtawa ni Ally. Tingin ko may pinaguusapan sila ni Mama at mukhang nakalimutan yata nilang tulog pa ko kaya todo sila kung makapagingay.

Sinubukan ko pang matulog ulit ngunit alam ko sa sarili kong ilang segundo na lang ay gigising na ako.


I groaned and threw a pillow directly on allyson's face.

Nanlaki ang mata niya sa gulat.


"What was that for?!"


"Leche ang ingay mo"

Tumawa siya at ibinato pabalik ang unan ko.


"Sorry. Nagmamadali kasi kami ni mama maghanap ng barya. May nagbebenta ng taho sa labas hahaha"


Bumaba na siya.


Matic na kinapa ko yung gilid ko upang kunin yung phone ko.

TEKA ASAN NA YUN!


Umupo agad ako at hinagis yung mga unan paalis pati na rin yung kumot ko.


*blag*


"There you are!" Sigaw ko.


Nalaglag ko sa kama yung phone ko. Buti na lang naka-carpet dito kaya di nasira. Tumama nga lang sa table ng kaunti kaya tumunog.


Ibinalik ko sa kama yung mga unan at kumot ko bago ako umupo ulit at hininaan yung aircon.


Chineck ko agad yung mga messages ko.


From: Eli

8:15 am

Sakit pa rin ng katawan ko sa byahe.

Kayo ba?


Ah. Nag-GM ang loka.

Di na lang ako nagreply dahil tinatamad ako.


Humiga ako at isa-isa binasa yung mga text nila Ika at Gigi.


"OHMYGOSH" Agad na pagpapanic ko ng makita ang pangalan ni Jiro.

NAGTEXT SIYA!


From: Jiro

7:41 am

Good morning :)

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now