Chapter 42 - Friendship

69.8K 2.3K 1.5K
                                    


Warning: SPG ituuu. Words and scenes.


--------------------------------


Chapter 42 - Friendship



"ANO? Saglit, magbibihis lang ako"

Hinagis ko agad ang kumot palayo sa katawan ko.


"Kenz, anong ibig mong sabihin?" Hinarangan ako ni Jiro pagkatayong-pagkatayo ko.

"Gusto mo bang malamigan ako? Tabi nga! Magpapalit lang ako ng damit---"

"And where do you think are you going?" Hinawakan niya ang wrist ko kaya natigil ako.


"I'm going to slap Gigi ng magising na siya sa kahibangan niya. Hindi siya pwedeng makipagtanan kay Jax! That's a huge mess, Jiro!" 


Tinabig ko ang kamay niya at kumuha na ko ng pantalon at t-shirt. 

Again, hinarangan ako ni Jiro papasok sa CR.


"At sa tingin mo, mapipigilan mo siya? By now, baka wala na nga si Gigi sa bahay nila. Kenzie, wag ka ngang makulit. Hindi ka aalis. Gabi na at baka hikain ka pa kapag napagod ka"


"You can't expect me to just stay here! Bestfriend ako ni Georgina, she will listen to me! Alis nga!"


"Takte, itatali talaga kita Kenzie Rose Vasquez!" Sigaw na niya.

"Jiro, mahal kita pero pag pinigilan mo ko, mapipilitan akong makipagbugbugan sayo. I am serious. Gigi needs me"


Nagkatitigan kaming dalawa. I know he's mad at me pero alam ko ring nangingibabaw ang malasakit niya kila Jackson ngayon.


"Fine. Pero sa oras na hingalin ka, wala pang isang minuto, iuuwi na kita dito. I'll go get my dad's car keys. Bilisan mo"


Lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay wala pang isang minuto nagpalit ng damit. Kinuha ko ang wallet at phone ko tapos nagslippers na lang ako.


Sinilip ko yung labas ng pintuan bago ako tumakbo ng tahimik pababa.

Nasa kitchen sila Tita Maribeth, I can hear her laugh at Tito's jokes.


"Ate kenzie?"


O____O

Napalingon ako kay Japeth na kakalabas lang galing ng dining room. Nakain siya ng apple.


"It's late. Why are you dressed up?"


Malakas pa ang boses niya kaya naman one hundred percent sure akong narinig iyon nila Tita Maribeth.


"Wrong timing ka naman eh!" Bulong ko bago ako kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora