Chapter 38 - Flushed

60.7K 2K 704
                                    

WARNING: Medyo es-pee-gy. Striktong patnubay at gabay ang kailangan. LOL


---------------------------------


Chapter 38 - Flushed


5 pm na. Ibig sabihin, out ko na ngayon. Kaso natatakot akong bumaba at pumunta sa office ko upang kunin ang bag ko. Baka mamaya ay nandun pa sila Stacy...


"Angela..." Tawag ko sa kanya pero tinignan niya lang naman ako. Tahimik akong pumasok sa dressing room niya at tinabihan siya. Tapos na rin naman ang shoot niya at phone niya na lang naman ang inaatupag niya so I think hindi naman ako makakasagabal.


"Out mo na rin ba?" I asked her.

"Yup" Maikling sagot niya.

"Bakit di ka pa nauwi?"


Ipinakita niya sa akin ang phone niya. Nakita ko doon ang wallpaper niya at ng boyfriend niya yata.


"I'm waiting for him"

Ahhhh. Susunduin pala siya...


"Uhmm napansin mo ba kung nakauwi na yung vip models?" Tanong ko.

"Nope"


Tumayo na ako at ngumiti sa kanya. Ang tahimik niya talaga at ang ikli pa ng mga sagot. Nakakatamad kausapin hahaha.


"Sige, bye na"

"Alright"


Lumabas na ko ng room at si Jasmine naman ang sinilip ko. Like Angela, wala na rin siyang ginagawa. Tinatanggal niya na lang ang make-up sa mukha niya.


"Uy Kenzie, ikaw pala yan" Nakangiting sabi niya.

"Jas, nakita mo yung mga vip models kanina?"

"Ah oo. Sila Stacy? Nako umiwas ka sa mga iyon"

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Bakit?"


"Mga spoiled brats yung mga yun. Palibhasa mga anak mayaman. Lalo na si Stacy. Nako salbahe yun. Kanina nga lang, sinisigawan yung photographer dahil hindi daw maganda yung shot sa kanya. DUH! Mukha niya kaya ang may problema"


Natawa ako doon. Gusto ko sana magkumento at sumangayon sa kanya kaso naisip kong wag na pala. Di ko pa masyadong kilala si Jasmine. Baka mamaya ay ikwento niya ang mga sasabihin ko, magkaproblema pa.


"Haha sige tatandaan ko yan. Jas, alam mo ba kung nakauwi na sila?"

Nagisip siya saglit. "Yup. Kanina pa yatang lunch"


"Ganun kabilis ang shoot nila?"

"Saglit lang naman kasi yon. Para lang sa magazine"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now