Chapter 2 - Stalker

99.7K 3.4K 1.4K
                                    


PLEASE TAKE TIME TO READ THIS.

I don't usually say stuff like these pero sana naman po walang bastusan. I know some of you are not aware na nakakasakit kayo ng damdamin ng isang author sa ginagawa niyong pagme-mention niyo ng ibang story sa comment box.

Hindi na ako nagbabasa dito sa wattpad kaya kung may kapangalan man yung isa sa mga characters ko, then please. Wag niyo na po sana sabihin pa. Respeto na lang po. Hindi ko naman po ginaya yun, coincidence lang talaga.

I'm not angry and I don't have any problem with the other authors. I just wish hindi na po ito maulit. One of my co-authors in Viva Psicom also experienced this. Nakakalungkot lang po.


Anw Thank you for the warm welcome to the KENRO/ZIERO couple. Ugh, can you guys help me out? Ano ba mas magandang tawag sa loveteam nila? I can't decide hahaha.


-----------------------------


Chapter Two - Stalker


"Oh foul daw yung number 01" Sigaw ng host sa microphone.


Ingay ingay talaga nun, parang palengkero.

Sabagay, ang boring naman ng basketball game kung puro hiyawan lang mga studyante.


"Ano ba yan. Kanina pa sila nagtutulakan, baka mamaya niyan may suntukan pang maganap!" Pagrereklamo ni Eli.


"Sows, palibhasa ang nasaktan ay yung crush mo kaya affected na affected ka" Asar naman ni Gigi.


Nagtawanan lang kami at natuon na ulit ang atensyon sa gym ng itinuloy na ang laro.

Close fight yung laban ng HRM-Tourism at CPE ngayon.

Magagaling din kasi yung mga players ng CPE. Matatangkad pa.


"GO ENZO!" Sigaw ni Maika.


"Yieeeee!" Di mapigilang sigaw naman namin dahil namula pa si Ika ng tumingin sa kanya ang boyfriend niya.

"Daming langgam oh" Dagdag ko.


"I-cheer mo na rin kasi yang si Jiro ng mapansin ka" Bulong ni Ika.


Kinwento ko sa kanila yung nangyari kanina at nabanggit niya sa akin yung name ng bagong crush ko.


Jiro Knight Romero.

Pangalan pa lang, yummy na.

HAHAHAHA.


Tropa pala yung boyfriend niya at yang si Jiro.


Sabi ko nga, buti hindi siya nagkaka-crush dun.

Ang sabi naman ni Ika, hindi naman niya nakakausap yung si Jiro dahil minsan lang maghangout yung mga boys na kasama siya.





"Ayoko nga! Baka ma-issue pa ko noh! Pakilala mo na lang ako later pag nasolo natin siya hihihi" Kinikilig na sabi ko.


"Owsure. Sabihan ko si enzo para hindi naman ako magmukhang feeling close sa kaibigan niya haha"


"SHOOT! 3 POINTS FOR NUMBER 04!"


Napalingon ako ng marinig ko ang jersey number ni Jiro.

I wonder why 4.


"WAHHHHH!"

"Ang galing mo jiro!"

"Nice one!"

"Idol talaga kita!"


My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now