Chapter 9 - Treat

73K 2.3K 711
                                    

Thank you so much sa mga nakausap at nakasama ko nung sabado sa PSY Thanksgiving Tour. It was fun haha


----------------------------


Chapter 9 – Treat


"Huy ate, gising!"


I opened my eyes and frowned at Allyson.

Nakatulog pala ako?


"Si Jiro?" Tanong ko agad nung mapansing walang ibang tao dito sa loob ng kwarto bukod sa aming dalawa.


"Huh? Why would Kuya Jiro be here?"


Dahan-dahan akong umupo at halos batukan ko ang sarili ko ng marealize kong panaginip lang pala iyon.

Hindi siya pumunta dito at hindi rin siya nagselos.


Ibang klase ka talaga kenzie!

Palibhasa siya laman ng utak mo magdamag kaya hanggang sa pagtulog mo'y isinama mo pa siya.


"Ate, I'm so hungry na so I ordered some food. Can you pay for it, please? The delivery boy's waiting downstairs"


Bago pa magdugo ang ilong ko sa kaka-english niya ay kumuha na ko ng pera sa wallet ko at iniabot iyon sa kanya. Tinignan ko yung orasan, 12:30 pm na pala.


Bumaba na rin ako at sumunod kay Ally sa kusina. Amoy na amoy ko ang inorder niyang chao fan at may kasama pang dalawang halo-halo.

Umupo ako at nagpusod habang ipinapatong niya sa harap ko ang pagkain ko.


"Bakit mo hinahanap si Kuya Jiro kanina, ate?"

"Wala..."

"Sows. Is he on your dreams?"


I looked down and started eating. "No"

"Haha Why do you keep on lying? It's not like I'll tease you or tell your mom...."


"Hindi ko naman talaga siya napanaginipan. Nagulat nga rin ako sa sarili ko bat nabanggit ko name niya. Si Mama talaga yung hinahanap ko" Pagpapalusot ko.

"Oh. Okay"


Kumain na siya at nagkwento sa mga plans niya this week. 

I'll be busy with my studies kaya maiiwan siya ng madalas dito sa bahay. Hapon pa ko makakauwi.


"I'm thinking of visiting Grandma Maricell" Ayun ang lola namin sa mother's side.

"Sa Cebu? Ang layo nun ah"


"I talked to my mom kanina. Grandma wants to see me daw. Mom's gonna buy me airplane tickets naman at may susundo sakin pagdating ko dun. Gusto nga rin ni Grandma makita ka but she knows you can't come with me"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now