Chapter 34 - Christmas

75.4K 2.3K 974
                                    


Tagal kong di nakapag-update. Really sorry mistakers! Dami ko kasing priorities but anyway, here's a long update bilang pambawi. Love lots xoxo.


------------------------------


Chapter 34 - Christmas 


Pagkatapos naming magsimba ay umuwi agad kami upang hindi kami maabutan ng mismong twelve o' clock sa daan.


Ang ingay ingay naming lahat nila Allyson. Tawanan dito, asaran doon.

Ilang minuto na lang, pasko na!!! (^_^)


"Ay wait lang po" Tumakbo agad ako sa taas upang buksan ang laptop ko. Inihahanda pa naman nila Mama ang pagkain sa lamesa kaya may oras pa ako makipagusap kay Papa.


Papa: Nak!

Me: Merry Christmas Papa!!!

Papa: Merry Christmas din! Ang ganda ng ngiti mo ah!

Me: Masaya lang po kasi wala na kong problema ngayon. Tanggap na po ni Mama si Jiro at back to normal na kami ni Allyson.

Papa: Bakit? Nagaway ba kayo ni Ally?


Hala. Oo nga pala hindi ko naikwento sa kanya ang mga nangyari...


(>_<)

Sa sobrang pagkadala ko sa kasiyahan ko ay nakalimutan ko nang may mga bagay nga palang dapat inililihim.


Me: Hindi naman po sa nagaway. Parang nagkatampuhan lang po. Syempre, alam niyo na. We're girls.


I even rolled my eyes to prove to him that it wasn't a big deal.

Ghad, nagiging sinungaling na talaga ako....Nakaka-guilty.


Tumawa siya at nagpasalamat na sa akin dahil naikwento na pala agad sa kanya ni Leah ang mga nangyari kaninang tanghali. Nabuksan na nga rin daw ni Leah ang regalo ko. She's so happy, dad said.


Me: Ay pa, nabasa niyo po ba yung message ko sa inyo kanina?


Napakamot siya ng ulo.


Papa: Ha? Oo nak. Kaso...pasensya ka na ha. Hindi pa kita mabibilhan ng cellphone ngayon. Nagaway kasi kami ng mommy ni Leah kahapon. Ang liit daw ng pinapadala ko sa kanya, tingin niya tuloy may babae ako. Para wala ng gulo, napagkasunduan naming siya na ang hahawak ng pera namin ngayon. Ipapadala ko lahat ng sweldo ko sa kanya at siya na lang ang magbibigay ng allowance mo. Sorry talaga nak.


Me: H-hindi, okay lang po.


Medyo natigilan ako sa mga sinabi niya.

Ibig sabihin nun, madalas na kaming magkikita ngayon ni Tita dahil siya ang magaabot sa akin ng allowance ko?

Di bale, mabait naman na siya sa akin.


Papa: Hayaan mo, babawi ako. Magoovertime ako para yung extra na kikitain ko---

Me: Wag na po. Papagurin niyo lang ang sarili niyo. Basta ang mahalaga, masaya po kayo at okay kayo nila Tita.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now