Chapter 39 - Lover's Quarrel

52K 2K 992
                                    

SPG: Language


-----------------------------


Chapter 39 – Lover's Quarrel


"Huh? Hindi...ang ibig kong sabihin...akala ko wala ka dito ngayon. Parang nabanggit kasi ni Kenzie sakin na aabsent ka dapat"


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko upang tignan si Jiro.

Naguguluhan ako sa mga sinabi niya.


"Ah ganon ba? Bakit naman ako aabsent Kenzie?" Tatawa-tawang tanong ni Jarren.


Hindi ako umimik. Nakadikit lamang ang mga mata ko kay Jiro.

Kaya siguro siya nagsinungaling ay para hindi siya mapahiya.

It would be a shame to everyone that his own girlfriend lied to him.


"Uhmmm siguro dapat umalis na tayo? Gutom na rin kasi kami" Pagsingit ni Gigi.


Sumangayon ang lahat at narinig kong isa-isa silang nagsisakayan na sa mga kotse.

I kept staring at Jiro. Binitawan niya na ang kamay ko kaya natakot na ako.


"Mabuti pa nga" Sagot ni Jiro bago niya ko tinignan. Malamig ang pakitungo niya sa akin. Galit na galit siya sa ginawa ko.


Tumalikod na siya at sumakay na sa loob ng kotse ni Enzo. Sumunod agad ako.


"Ah sige doon na lang" I looked at Gigi. Magkausap sila ngayon ni Jarren.

Siguro ay sinasabi ni Jarren ang lugar kung saan kami kakain.


"Tara na kenzie" Pagyayaya ni Ika. Pinasasakay niya na ko upang makaalis na kami dito.


Tumabi ako kay Jiro since nandoon na sa kabilang dulo si Zach.

Nasa kotse ni Jax sila Gigi, Eli at Ian.


"Kamusta finals zach?" Tanong ni Enzo. Alam kong gusto niya lang may magsalita sa aming lahat dahil sobrang tahimik. They know that me and Jiro are not in good terms right now.


"Ayon, sisiw. Sabi ko nga sa loob loob ko, bakit ba nagpapaexam pa yung prof eh parang nagsasayang lang naman siya ng papel"


Tumawa silang tatlo pero wala kami ni Jiro sa wisyo upang maging masaya.


Nakakuyom ang palad niya at diretso ang tingin niya sa kalsada.

I'm really scared. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.


Gusto kong magexplain pero kasama pa namin sila Eli.

Siguro mamaya na lang kapag nakakuha ako ng tsempo.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now