Chapter 10 - Confused

72.8K 2.2K 704
                                    

Fast and Long update yayyy!

-----------------------------------


Chapter 10 - Confused


Days passed by quickly. Sadly to say, walang masyadong nangyari sa crushlife ko bukod sa pagdadamoves ni Jiro sa akin tuwing lunch.


Nagkaroon na kasi ng mahabang upuan doon sa canteen. Ang alam ko nirequest talaga yun ni Jax sa father niya. Nauuna kami palagi nila Gigi makarating sa canteen dahil mas maaga ng 15 minutes yung tapos ng morning classes namin compared to them, kaya pagdating nila doon ay nakaupo na kaming mga girls.


Tapos si Jiro ang gagawin niya, sisiksikin niya ko para makaupo rin yung mga kasamahan niya.

I don't know if he's just playing around or he really wants to do skinship with me. I'm thinking of the latter hehe.


"Download mo ha tapos pa-copy ako" Nakangiting sabi ni Jiro sa akin habang nakain kami.


We were both talking about ShadowHunters tv series. Bago lang iyon at madaming nagsasabing mas maganda ang movie but I think it's still cool. Bet ko yung color ng hair ni Clary doon.


"Sige, basta magdala ka na lang ng usb"


Magsasalita pa sana si Jiro ng napatingin siya kay Jackson. Nasundan ko agad sila ng tingin kaya agad na itinuon ni Jax ang atensyon niya kay Gigi.

Kahit na napapansin ko ang madalas na pagtingin ni Jax kay Jiro tuwing magkakasama kami ay hindi naging dahilan yun upang layuan ako ni Kuya Biceps. I guess binibigyan ko nga lang talaga ng kakaibang meaning ang mga silent looks nila. Maybe ganun lang talaga tumingin si Jackson...


"Guys, akyat na kami. We're gonna be late for class" Nagsitayuan na kami at pinadaan naman kami ng mga kaklase namin.


"Oo nga pala, last day na ni Kenzie sa bahay mamaya. Gusto niyong mag-overnight dun?" Gigi asked.


"Sure----" Sasagot na si Jiro ng nagsalita si Jackson.

"May project kaming gagawin mamaya eh. Kailangan na naming tapusin yun kaya nagmamadali na kami. Sorry ha, next time siguro" Jax told her.


Nalungkot ang mukha ni Georgina pero ngumiti pa rin siya. "Okay. Bye na guys"


Kumapit na sa braso ko ang bestfriend ko at hinila na ko palayo. Paglabas namin ng canteen ay nilingon ko pa sila Jiro.


He looked like he's in a deep argument with Jax. Nagulat ako ng tumayo siya bigla at padabog na hinagis ang kutsara niya sa table.


Jiro's pissed. I could see that.


"Nagaway ba kayo ni Jax?" Nagaalalang tanong ko kay gigi.


"No. Nakaka-frustrate nga eh. He's so sweet then all of a sudden, ayaw niyang pumunta sa bahay? Boys! I hate how they easily get in my nerves!"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now