Chapter 21 - Brave Heart

72.5K 2.5K 1.7K
                                    

Chapter 21 - Brave Heart


I tried to breathe but I can't.


*gulp*


"Finish your food" Utos na lang niya ng hindi ako nagsalita. 

Pumintig ang panga niya bago siya uminom ng juice.


I looked down.

Hindi ko na alam kung saan siya nagagalit. Sa pagseselos niya samin ni Jarren o sa hindi ko pagsagot sa sinabi niya.


Kumain na lang din ako kahit na halos iluwa ko lahat ng nginunguya ko.

May sapak yata yung lalamunan ko ngayon. Ayaw tumanggap ng pagkain.


"Kenzie, picture tayo!" Sigaw ni Ika na tumakbo pa upang lumapit sa amin.


Umupo siya sa gitna namin ni Jiro at nagbilang na si Zach ng one to three.

Ngumiti ako ng pilit at tinawanan ang kakulitan ni Maika.


"May inuman daw mamaya. Wag muna kayo umuwi ha" Tumayo na siya at inasikaso na ang ilan pang mga bisita niya.

Si Enzo nakasunod lang sa kanya at masayang nakikipagkwentuhan kung kani-kanino.


Tinignan ko si Jiro ng palihim at pansin kong nakatulala lang siya.


*flash*


Napatingin ako kay Zach. Sira ulong yon! Ini-stolen ako!

For sure, kitang-kita ang pagtitig ko kay Kuya Biceps.

T^T


Kinuha ko yung plastic cup ko na may juice tapos uminom muna ako bago ako tumingin ulit kay Jiro.


"You don't have to be jealous. He's just my friend and so is Nixon"


Kung saang lupalop ko nakuha yung lakas ng loob ko? Aba malay ko.

Basta pakiramdam ko, dapat kong i-assure si Jiro na walang iba.


I don't understand kung sa pagsabi niyang nagseselos siya ay katumbas na rin ng pagamin niyang gusto niya rin ako.


This is all new to me. I've never had a relationship before so I wouldn't know.


"Kahit na" He murmured.


I bit my lower lip. Bakit ayaw niya kong tignan? Kanina pa siya nagiiwas ng tingin sa akin.


"Uhmmm...ilagay ko lang 'tong paper plate dun ha" Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Nagmamadali akong umalis papunta sa kitchen nila Enzo.


Buti na lang walang katao-tao dito kaya nakahinga ako ng maayos. Diretso basurahan yung platong hawak ko.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα