Chapter 13 - Hoping

66.1K 2.3K 442
                                    

Chapter 13 - Hoping


"So nag-kiss kayo?" Magkahawak pa ang kamay nila Eli at Ika sa paghihintay ng sagot ko.


Nandito silang tatlo nila Gigi ngayon sa kwarto ko.

After our class, they went straight here para daw makapagbonding kaming girls.

Hindi kasi kami nakapagusap kanina sa school dahil busy ang lahat sa studies.


"No" Mapula na ang pisngi ko ngunit hindi ko mapagkailang kinikilig talaga ako.


Pangalawa nang beses na muntik-muntikan na niya kong mahalikan.

Nung una ay nung lasing siya at nakulong kami sa closet.

Sumunod yung kahapon na aaminin kong nagpapagulo na talaga sa isipan ko.


"This is so wrong" Nakabusangot na sabi ni Gigi habang nakain ng pancit canton.


Ally's downstairs watching Teen Wolf. Ayaw niyang makihalubilo sa amin dahil nagma-marathon daw siya. She's trying to catch up to the latest episode. Isang season na rin daw kasi ang hindi niya pa napapanuod.


"You're so KJ, Georgina. Kung ikaw nasa lugar ni Kenzie, I bet you'll talk about it all the time"

"Can we please not forget the fact that Jiro's taken? Okay sana kung single siya noh!"


I nodded at her.

Tama siya.

Dapat hindi ako nagpapaapekto sa mga ginagawa ni Jiro.


"Malay mo naman hindi na sila okay ni Stacy kaya naa-attract na si Jiro sa iba. Let's face it. Hindi imposibleng magkagusto siya ay Kenzie lalo na at magkasama sila palagi dahil sa atin"


"Kaya nga dapat lumayo ka na, Kenken. Back to normal parang nung first sem. Tayo na lang ang lumipat sa kabilang canteen tuwing lunch"


"I'm okay with that. Kung yun ang makakabuti para kay Kenzie..." Ika said.


Tumahimik si Eli kaya nagkatinginan kami ni gigi.


"Ayaw mo? Akala ko ba gusto mong iwasan si Ian" I asked her.


"Fine. Magkukwento na ko. Di ko lang shine-share dahil ayokong asarin niyo ko sa harapan ni Ian"


Napaayos kaming tatlo ng upo at tinitigan maiigi si Adeline.


"Spill" Gigi ordered.


"Everyone here knows that I'm done with that guy. Ayokong naghahabol kaya naghanap ako ng bagong crush. But ever since the party, napapansin ko yung unti-unti niyang pagpaparamdam. Yes, he's still snob and masungit pero lagi na niya kong kinakausap ngayon. Nagcha-chat siya para lang mangasar and I swear nakakainis talaga pero deep inside, kinikilig na ko. Tuwing tinitignan niya pa ko, naalala ko yung nangyari sa party"

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now