Chapter 1 - First Meet

156K 3.2K 1K
                                    


I won't be using different POVs anymore since this is Kenzie's story. Siya po yung nagsasalita palagi dito haha.


--------------------------------


Chapter 1 – First Meet 


"Can you please stop pulling my shirt? Ano ka Ika, bata?" Natatawang tanong ko kay Ika.


Maika Faye Martinez or mostly known as 'ika'.

Ang pinakamaarte sa aming magkakabarkada.

Also, she's kind of...immature. Iyakin pa siya at galawgaw but we still love her lalo na't she's fun to be with.


Mahaba ang buhok niya na abot hanggang bewang kaya nga palagi siyang nakapusod or kung hindi man ay naka-messy bun. 

Medyo maliit din siya ng kaunti sa akin, 5'4 ang height ko while 5'3 naman siya.


"Mauubusan na kasi tayo ng seats! Why are you so slow, anyway? May prosisyon ba?"

"Oo nga naman Kenzie, bilisan na kasi natin" Dagdag pa ni Eli.


Adeline Levy Herrera.

Ang bago sa aming magkakaibigan.

Kaka-transfer niya lang ngayong second sem dito sa Ruizo University pero naging close agad kami dahil naging ka-group namin siya sa subject na Housekeeping.

Ever since then, palagi na namin kasama si Eli.


Athletic nga pala siya. 

Kasali siya ngayon sa volleyball team ng course namin at may balak pang sumali sa swim team. 

Aim niya kasi ang maging suma cumlaude pag grumaduate na kami kaya madaming sinasalihang extra-curricular activities. 


She's really sexy dahil naggi-gym talaga siya para magka-abs yung tummy niya.

Short haired si Eli na medyo kulot.


"Bakit ba kasi tayo makikigulo pa diyan sa mga estudyanteng yan?" Pagangal ko habang tinutulak nila ako papunta doon sa bleachers.


Opening ng intrams today at first basketball game ng HRM-Tourism ngayon.

Pinagsama na ni Dean yung dalawang course for this whole week event since hospitality industry naman daw iyon. 

HRM students kami pero ang sabi ng mga classmates namin ay puros tourism naman daw ang kasali sa team ngayon.


"Andito nga kasi yung crush ko di'ba?" Bulong ng bestfriend kong si Gigi.


Georgina Marie Aster.

Half fashionista, half gastador.


Fashionista talaga siya at kahit pananamit namin ay pinapakielamanan niya na minsan.

Ayaw niyang may baduy sa aming apat. Kaya nga yung middle-length hair niya, talagang pinasadya niya pa ang style sa isang mamahaling salon.


My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now