Chapter 45 - Muddle

47.2K 1.9K 1.4K
                                    


Chapter 45 – Muddle


Nag-overtime ako para gawing busy ang sarili ko. 

Ayoko pang umuwi dahil ayoko pang magpanggap na masaya sa harapan ni Mama.


*sigh*


"Di ka pa ba uuwi?" Tanong ni Jasmine sa akin.

Tumango lang ako at binasa yung mga papel na iniabot sa akin ng secretary ni Ma'am Lou.


"7 pm na, Kenzie. Hindi ba't hanggang 5 pm ka lang dapat ngayon?"

"Wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay kaya dito muna ako"

"Oh. Okay...sige mauna na ako ha"

"Sige, ingat ka"


Nagbeso-beso kami bago ako pumasok sa office ko.


Napansin ko yung bracelet na bigay ni Jiro sa sahig.

Kinuha ko yun at isinuot ulit sa wrist ko.


"Knock knockkk"

Umikot ako upang tignan kung sino yung nagsalita.


"Uy Jarren, andito ka pa pala. Anong kailangan mo?"


"Pauwi na kasi ako. Nakita kong bukas pa yung ilaw dito kaya chineck ko kung bakit...teka akala ko nakauwi ka na?"


"Well obviously, I'm not" Natatawang sabi ko.

"Asan si Jiro? Andito daw siya kanina ah"


Nawala agad ang ngiti sa labi ko. "Kanina pa umalis"

"Iniwan ka?"

"I still have work to do"


Tumalikod na ako at umupo doon sa chair ko. Tinitigan ko yung computer ko kahit wala naman akong dapat gawin doon.


"LQ?"


Nagtugma agad ang mga mata namin.

Paano niya napansin?


Ngumiti siya ng hindi ako sumagot.


"Halata sa mga mata mo..." He murmured.

Sumandal siya sa gilid, not even bothering to enter my office.


"What about my eyes?"

"Kahit natawa ka kanina ay kitang malungkot ka"


I exhaled.

"May pinagtalunan kasi kami ni Jiro kanina. Parehas kaming hindi magkaintindihan"


Jarren nodded.


Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko magkwento sa kanya.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now