Chapter 46 - Doubts

67K 1.9K 1.2K
                                    


Chapter 46 - Doubts


"Kenzie?"


Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Tito Henry sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Tumakbo agad ako doon at tahimik na ini-lock iyon.


"Iha?"


Tumunog yung door knob, meaning itina-try niyang buksan iyon.


I'll pretend I'm still asleep.

9 am pa lang naman eh. Usually pag wala akong work ay tulog pa ako ng ganitong oras.


"Nak! Gising na!"


Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko na ang boses ni Mama.

Binuksan ko na ang pinto ngunit napakunot naman ang noo ko ng makita ko si Tito na nasa tabi niya.


"Bakit hindi mo pinagbubuksan ng pinto ang daddy mo? Kanina pa siya kumakatok"

*gulp*


"Ah eh...hindi ko po narinig. Nakaearphones po kasi ako"

"Tsk tsk. Bakit ba kasi laging may nakasalpak diyan sa tenga mo?!" Pagalit na tanong ni Mama.


"Krista, hayaan mo na ang bata" Malambing na sabi ni Tito.

Tinignan ko siya ng masama ngunit ngumiti naman siya sa akin.


"Hindi ba't ngayon ka pupunta sa school mo para mag-enroll?" Tanong ni Tito Henry.


I just stared at him.

Pakielam mo ba kung anong plano ko ngayong araw.


"Kenzie, tinatanong ka ng daddy mo!"


I looked away from them.


DADDY? SAAN BANDA?

Ni isang patak ng dugo niya ay hindi naman dumadaloy sa katawan ko.


"Opo tito"

"Call him daddy henry" Mainit ang ulo na sabi ni Mama.


"Krista, hindi pa siguro sanay si Kenzie. Respetuhin na lang muna natin ang desisyon niya"

Wow. Ang bait mo naman po. Pwe!!!


"Oh ito. Sweldo ko yan kahapon. Mag full payment ka na sa tuition mo"

Napatitig ako sa envelope na hawak niya.


"Hindi na po tito. Pera niyo po 'yan. May trabaho naman po ako kaya magda-down payment na lang po ako"


Excuse me lang ha. Ayokong magkaroon ng utang na loob sayo, you perv!


My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now