Chapter 32 - Bewildered

71.1K 2.2K 1.1K
                                    


Chapter 32 - Bewildered



Malapit na kong magising. Ramdam ko.

Naririnig ko na nga ang boses nila Mama at Tita Kriza na naguusap.


"Eh di wag na tayo tumuloy?"

"Pwede namang kayo na lang nila Ally tapos maiwan ako para may kasama si Kenzie"


Kahit gusto ko pang ituloy ang pagtulog ko ay nadistract na rin ako sa kung sino man ang may hawak-hawak ng kamay ko.


I slowly opened my eyes.


"Hey" Malambing na bati ni Jiro. 


He's smiling but something in his eyes made me frown.

Bakit parang alalang-alala siya?


"She's awake, tita" He told my mom.


Nagsilapitan silang lahat sa akin.

Even Allyson na halatang worried na worried sa akin.


Si Tito lumabas ng room. Narinig ko yung sabi niyang tatawagin niya daw yung doctor.


"Anong meron?" Tanong ko. 


I cleared my throat after that.

Jusko, para akong lalake sa boses ko.


"You don't remember?" Tanong ni Mama.


Umupo ako at inalalayan ako ni Jiro.

Unti-unti kong naalala kung bakit ako nandito sa hospital.


"Oh. I fainted"


Lahat sila napabuntong-hininga.


"Akala ko may amnesia ka na rin eh" Biro ni Jiro.

Tumawa ako ng kaunti.


"Pwede na bang umuwi?" I asked them.


Napangiti si Mama.


"Depende kung anong nararamdaman mo. Nahihirapan ka pa rin ba huminga?"

"I'm okay, Mom"

"Ayan kasi. Masyado kayong nagpagod. Nakakalimutan mo palaging may hika ka"

"Sorry po"


I looked at Jiro.


Sana hindi siya pinagalitan ni Mama.

Ayokong masisi siya sa kapabayaan ko.


My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon