Yoongi's Music [SUGA]

By pRincessGold24

130K 8K 5.8K

BULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [SUGA]. "Sa tuwing naririnig ko ang salitang Music, dalawang bagay lang ang nara... More

WE ARE BULLETPROOF
WARNING
TRAILER
Intro
Music #1
Music #2
Music #3
Music #4
Music #5
Music #6
Music #7
Music #8
Music #9
Music #10
Music #11
Music #12
Music #13
Music #14
Music #15
Music #17
Music #18
Music #19
Music #20
Music #21
Music #22
Music #23
Music #24
Park Yuseon by Yukiyeon
Music #25
Music #26
Music #27
Music #28
Music #29
Music #30
Music #31
Music #32
Music #33
Music #34
Music #35
Music #36
Music #37
Music #38
Music #39
Music #40
Music #41
Music #42
Music #43
Music #44
Music #45
Music #46
Music #47
announcement
Music #48
Music #49
Music #50
Music #51
Music #52
Music #53
Music #54
Music #55
Music #56
Music #57
Music #58
Music #59
Music #60
Music #61
Music #62
Music #63
Music #64
Announcement!
Music #65
Music #66
Music #67
Music #68
Music #69
Outro
Final Writer's Note
Cute Savagery by YouVampiresS
One Last Step [Jimin/Chesmin]

Music #16

2K 119 106
By pRincessGold24

Yoongi's Music

Music #16




Present time...


Suga's POV:



"TAEHYUNG!!!! SUMMER!!!" ang galit na galit na sigaw ko saka ako lumabas ng kwarto ko papunta ng may sala. "KAYO NA NAMAN BANG DALAWA ANG NAG-DRAWING NG SPONGEBOB SA MUSIC SHEETS KO HA?! AISH! THIS KIDS REALLY! AISSSSHH...!"

At doon ko narinig ang hagikgikan na iyon sa likuran ng sofa.

"Hihihihihi...! Oppa! Baka makita tayo ni Suga oppa dito! Hihihihi!" ang narinig kong hagikgik ni Summer.

Oo, nag-effort pa silang magtago eh rinig na rinig ko naman silang dalawa mula dito sa kinatatayuan ko. -___-

"Hihihihi! Wag kang mag-alala Summer, sigurado ako na hindi nya malalaman na nandito tayo" si Taehyung naman at tinawag pa ako. "Diba Suga hyung?! Diba wala kang ide-ideya na nagtatago kami ngayon ni Summer sa likuran ng sofa?! Hihihihi!"

"Oo nga Suga oppa!" si Summer naman. "Wala kami dito sa likuran ng sofa! Kanina pa kami nakalabas ni Taehyung oppa sa apartment at kumakain kami ngayon ng ice cream sa labas! Hihihihihi!"

Tang-ina.

Nakakagago talaga kapag itong dalawang alien na naman na ito ang nagsama sa apartment.

Idagdag pa na...

"Sugarcoatedcakeicecreamsweetvanillapie bebe ko! Mag-date naman tayo ngayon sa labas! Mamaya mo na kunan ng pictures si Jin hyung!" ang sigaw ni Jimin na paparating galing kusina kasama ang girlfriend na si Cheska.

Pero hindi sya nilingon ng girlfriend at nanatili lang itong nakatingin sa Polaroid camera na bitbit nito.

"Manahimik ka" si Cheska gamit ang usual na walang emosyon na boses nya. "Mabenta ang pictures ni Jin oppa kaya kailangan kong makakuha ng marami ngayon"

"Teka! Cheska sugarcoatedcakeicecreamsweetvanillapie bebe ko! Bakit tinatawag mo syang oppa ha pero ako hindi mo ako tinatawag ng ganun?! Yah! Sino ba ang boyfriend mo sa aming dalawa ha?!" si Jimin na nakabuntot parin.

At mukhang hindi na nila ako napansin at sabay na silang pumasok sa kwarto ni Jin.

Pero narinig ko pa ang isinagot ni Cheska.

"Dahil mas gwapo si Jin oppa kesa sayo"

"Aissh! This girl really! Aish! Mas gwapo nga ako sa baklang hyung na yun eh! Mas macho pa ako!" ang iyak naman ni Jimin at doon na nila isinara ang pinto.

Tang-ina.

Nakakasakit na ng ulo ang apartment na 'to.

At akala ko ay matatapos na ang kalbaryo ko sa mga nakakadiring mga eksenang ito ay...

"So anong gustong kainin ng sarang ko ngayon ha? Gusto mo bang lutuan ka ni oppa ng masarap na pagkain ngayon ha?" ang narinig kong tanong ni Jungkook sa girlfriend nyang si Snow sa may kusina.

Bwiset.

Sa kanilang tatlo ay ang pares na ito ang hindi ko kinakaya sa sobrang ka-sweetan.

"Ah eh...kahit ano..." ang narinig ko namang tipid na sagot ni Snow.

"Ayeeee...! Ang sarang ko...! Ang cute-cute mo talaga kapag namumula ka...! Ayeee...!"

Ayun na.

Ayun na ang nakakasukang version ng maknae namin. Ang kinikilig na side nya ng dahil lang sa konting sinabi ng girlfriend nya. Kahit siguro sabihin ng girlfriend nyang magpakamatay na sya ay kikiligin parin sya. Nakakagago. Bwisit.

"Oy hyung, anong ginagawa mo at nakatayo ka dyan?" ang sulpot ng boses na iyon mula sa likuran ko.

Si J-hope.

Mukhang kakalabas nya lang mula sa loob ng kwarto nya.

Pero hindi ko sya nilingon.

"Nag-iisip kung sino sa tatlong pares na ito ang una kong papatayin" ang wala sa mood kong sagot.

"Ayyy...! Wag kang ganyan hyung!" ang masiglang lapit nya sa akin at doon nya ako tinapik sa balikat. "Mga bata pa yan kaya pagbigyan mo na!"

Pero napalingon nalang ako kina Taehyung at Summer na ngayon ay nakaupo na sa sofa na pinagtataguan nila kanina at nagkikilitian na doon na para bang wala kaming dalawa ni J-hope doon.

"Pagsabihan mo nga yang dalawang batang iyan na tigilan na ang pangingialam sa computer at sa music sheets ko" ang sabi ko sa walang emosyon na boses. "Konting-konti nalang talaga at makakatikim na talaga sa akin ang dalawang batang iyan eh"

"Aisssh...relax lang hyung" ang natatawang sabi naman nya saka nya ini-massage ang likuran ko at nilingon sina Taehyung at Summer. "Yah! Taehyung at Summer! Ayyy...! Wag kayong ganyan kay Suga hyung! Dapat nakikinig kayo sa mas nakakatanda sa inyo! Arasseo?!"

Napatingin naman sa kanya ang dalawa saka nagkatinginan. Pero sabay naman silang lumingon sa amin at humahagikgik pa na nagsalita.

"Neh!" ang sabay nilang sigaw saka nagtinginan uli gamit ang evil grin na iyon.

And yes.

Alam ko na ang ibig sabihin ng evil grin na iyon.

I give up.

Hindi na talaga ako titigilan ng mga batang ito.

"Oh? Mga hyung? Nakahanda na ba kayo para sa TV show na pupuntahan natin mamaya?" ang biglang sulpot naman ni Rapmon mula sa pinto ng kwarto nya.

Sabay naman kaming napalingon sa kanya ni J-hope at doon na itinigil ni J-hope ang pagmasahe sa likuran ko.

"Oh!" ang biglang bulalas ni J-hope. "Aigoo! Nakalimutan ko! Hahahahahahaha!"

Saka sya napakamot sa ulo nya.

Lumapit naman sa amin si Rapmon at isinandig pa nya ang siko nya sa balikat ko at napalingon sa paligid.

"Pero teka, nasaan ang iba?" ang tanong nya saka nagpalinga-linga.

"Ayun" I said with a bitter expression in my face. "Ayun at naglalampungan"

"Ayyy...! Wag kang ganyan hyung! Wag kang bitter! Hahahahahaha!" si J-hope habang tinatapik-tapik ang balikat ko.

I glared at him.

"At sinong bitter ha?!" I yelled at him. "Nabubwisit lang ako dahil ang ingay-ingay na ng apartment na ito at hindi na ako nakakatulog ng mabuti!"

"But come to think of it..." si Rapmon. "Ngayon ko lang napansin..."

Napatingin naman kami sa kanya ni J-hope.

"Ang ano?" ang sabay pa naming tanong.

Napakamot naman sya ng baba bago nagsalita.

"Aish, bakit ang maknae line lang ang may girlfriend ha?!" ang sigaw nya at doon na kumunot ang mukha nya. "BAKIT WALA TAYONG GIRLFRIEND NA MGA NASA HYUNG LINE?! MAS MATANDA TAYO SA MGA BATANG IYAN PERO BAKIT NAUNA PA SILANG NAGKA-GIRLFRIEND KESA SA ATIN HA?! KAHIT SI MAKNAE NA 3 YEARS ANG TANDA KO AY MAY GIRLFRIEND NARIN PERO TAYO WALA PARIN! NASAAN ANG HUSTISYA?!"

Hindi ako makapagsalita.

At doon ko na naman naramdaman ang unti-unting paghapdi ng dibdib ko nang maalala ang bagay na iyon.

Girlfriend.

Tama...

Iisang babae lang naman ang naging girlfriend ko...

Sa buong buhay ko ay iisang babae lang ang binansagang girlfriend ni Min Yoongi...

Pero...

Pero...

"Ayyy...! Kayo lang ang walang girlfriend!" ang masiglang bulalas naman ni J-hope. "Malapit ng bumalik yung akin kaya maghintay kayo!"

Sabay pa kaming napakurap ni Rapmon at mabilis na napalingon sa kanya.

"Ano?! May girlfriend ka na?!" ang hindi namin makapaniwalang sigaw ni Rapmon.

Pero isang matamis at kinikilig na ngiti ang ibinigay nya sa amin. Saka nya ginawa ang nakakadiri na aegyo na iyon na pinakahuli kong gustong makita sa buong buhay ko.

"Utang na loob" ang nasambit ko. "Wag mong ipapakita sa akin ang aegyo na yan kung ayaw mong mahampas ng tsinelas sa mukha"

Doon naman nya natigil yun at natatawa pang tumingin sa akin.

"Ayyyy! Ikaw talaga hyung! Ba't ba ang bitter mo ha?! Ang cute kaya ng aegyo ko noh! Ito nga ang pinaka-gustong nakikita ng girlfriend ko mula sa akin eh!" ang masayang bulalas nya.

"Pero teka, teka, sino ba yang girlfriend mo ha at bakit parang ngayon lang namin narinig yan sayo?" ang singit na ni Rapmon sa amin.

At katulad kanina, nang mabanggit ang girlfriend nya ay ngumiti na naman sya ng napakatamis.

Tang-ina.

Nakakagago tignan ang ganung itsura ng mukha nya. Ang sarap nyang hampasin ng keyboard ngayon sa mukha. Bwiset.

"Aiiiisshhh..." ang kinikilig parin nyang sabi saka napatingin sa itaas. "Balak ko syang ipakilala sa inyo kapag nakauwi na sya. Nasa America kasi sya ngayon nagti-training eh. At malapit na syang bumalik dito para sa debut nila"

Agad kaming napanganga ni Rapmon ng dahil sa narinig namin.

"ANO?! ISANG TRAINEE ANG GIRLFRIEND MO?!" ang sabay pa naming sigaw.

Napakamot naman sya ng ulo nya at kinikilig na nagsalita.

"Aigoo...this is embarrassing...aigoo..." ang nahihiya pa nyang sabi saka tumingin sa amin at kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata nya. "Nahihiya lang akong amininin sa inyo...magulo kasi ang status ng relasyon namin eh..."

Nagkatinginan nalang kami ni Rapmon dahil sa totoo nyan ay hanggang ngayon ay hindi parin namin ma-absorb na may itinatago palang girlfriend sa amin si J-hope.

"Wag kayong mag-alala..." ang nakangiting sabi pa nya sa aming dalawa then he smiled. "Malapit nyo na syang makilala..."





KPOP SHOW...



"Let's welcome! BTS!" ang anunsyo ng host ng TV show na inattenan nila.

At sumunod doon ang nakakabinging tilian ng mga fans nila na nasa loob ng studio para suportahan sila sa show na yun.

Samantalang sabay-sabay naman silang kumuway at ngumiti sa mga fans pati narin sa camera.

"Hello! Hello!" ang masiglang kaway ni Taehyung mula sa kinauupuan nya.

"How have you been?" ang nakangiting tanong ni Rapmon.

Isang tilian ang isinagot ng mga fans.

Samantalang napilitang ngumiti nalang sa lahat ang kanina pang bagot na bagot at inaantok na si Suga. Hindi nya ring maiwasang mainis sa manager nila na ginising sya kanina mula sa mahimbing na tulog nya para lang sa show na 'to.

"Hopie~! Hopie~!" ang masiglang sigaw naman ni J-hope habang nag-a-act na lumilipad.

"Hello sa inyo!" ang nakangiting bati ni Jungkook habang kumukuway.

"Hi!" si Jin naman na nakangiti din sa lahat habang kumukuway.

Samantalang kumuway nalang sa lahat si Jimin habang nakaguhit na naman ang matamis na ngiting iyon sa gwapong mukha nya.

At doon na nga natigil ang tilian kaya nagsalita na ang host ng show na yun.

"We are here this morning with the very energetic and passionate Bangtan Sonyeondan and in this episode, we will be tackling about their personal information so I know you guys are so excited about this" ang nakangiting sabi ng host.

Isang tilian ang sumunod saka lumingon ang host sa pitong members at nakangiting nagsalita.

"So ngayon, ang unang itatanong namin sa inyo ay ang tungkol sa mga first love ninyo." he said. "I know everyone is dying of curiosity about this especially all of your fans"

At matapos sabihin ng host yun ay isang masigabong tilian ang pumailanlang mula sa mga fans na mukhang sang-ayon sa sinabi ng host.

Napangiti nalang ang anim mula sa kinauupuan nila at nagkatinginan. At lihim na silang nag-iisip kung ano ba ang isasagot sa tanong na yun.

Samantalang nanatiling nakatingin lang sa sahig habang naka-cross arms si Suga mula sa kinauupuan nya.

First love.

Sa tuwing naririnig nya ang salitang iyon ay iisang babae lang ang unang sumasagi sa isipan nya. At katulad din ng dati, sa tuwing naalala nya ang first love nya ay nararamdaman na naman nya ang pamilyar na paghapdi ng dibdib nya.

Kaya mas pinili nalang nyang wag magsalita.

"Ah...neh" si J-hope ang unang sumagot saka naupo ng maayos mula sa kinauupuan nya. "Aish, so paano ba 'to? Hahahahaha, mianhe. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagki-kwento ng tungkol sa first love ko. So paano ba 'to? Hahahahaha"

Nakangiting nilingon naman sya ng host.

"Magsimula ka sa araw na una mo syang nakita at kung ano ang pinaka-sweet na bagay na nagawa mo para sa kanya" ang nakangiting sagot ng host.

Napatingin naman sa itaas si J-hope at nakangiting nag-isip.

Saka sya napatingin sa mga fans nya at nakangiting inalala ang araw na yun.

"Aish, ang totoo nyan..." ang nakangiting simula nya. "...nakilala ko sya noong mga panahong naghahanda palang ako para sa audition ko sa Big Hit. Noong mga panahon na yun, nasa ibang lugar ako kaya nakikitira lang ako sa kaibigan ko na kasama ko ring nagti-training para sa audition. Isang araw, habang naghihintay ako ng bus ay may biglang tumabi sa akin na umiiyak na babae. Noong una hindi ko sya pinansin dahil naisip ko na normal lang na may pinagdadaanan ang lahat ng tao pero...araw-araw ko lang syang nakikitang umiiyak. Araw-araw ko syang nakikitang ganun hanggang sa nahiwagaan na ako sa kanya. Oo, sa tuwing nakikita ko sya sa bus stop na yun ay umiiyak lang sya at mukhang ang lungkot-lungkot nya."

He paused at napangiti ng payak.

"Kaya simula nung araw na yun, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapangiti ko lang sya" ang nakangiting patuloy nya. "Pero...Hahahahahaha, sa tuwing nakikita ko sya, ang totoo nyan nauutal talaga ako. Hahahahaha! Hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan. Oo! Oo! Yun talaga ang nangyari noon!"

Nagtawanan silang lahat ng dahil sa sinabi nya.

Maski si Suga na kanina pa tahimik ay tahimik na napangiti nalang mula sa kinauupuan nya.

"Ayyeee! Marunong ka rin palang mahiya sa babae hyung?!" ang tumatawa pang tapik ni Jimin sa balikat ni J-hope na noon ay nakaupo sa tabi nya. "Bago yan ah!"

"Aissh...sobrang ganda kasi nya at dahil doon kaya nahihiya akong kausapin sya" ang sagot nya saka lumingon sa mga kasama. "Araw-araw ko syang hinihintay sa bus stop na yun para lang maisagawa lang ang plano kong mapangiti sya. May isang beses na naalala ko na buong araw ko syang hinintay para lang makausap sya pero in the end ay hindi ko parin sya nakausap ng dahil nauuna talaga ang hiya ko. Really, sa tuwing uupo na sya sa tabi ko ay bigla ko nalang nakakalimutan ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Parang nagiging blangko ang lahat at pinagpapawisan na ako ng malamig kaya ang nangyayari ay napapasakay nalang sya ng bus ay hindi ko parin sya nakakausap"

Napa-smirk lang si Rapmon.

"Tsk. Torpe" ang sabi ni Rapmon at sumunod doon ang tawanan sa buong studio.

Nilingon naman sya ni J-hope at akmang papaluin sya ng hawak nitong microphone.

"Aish, ba't ka ganyan? Yah, baka nakakalimutan mong hyung mo ako!" ang nakangiting sabi ni J-hope.

Natatawa namang napalayo ng upuan si Rapmon mula sa kanya at nag-peace sign.

"Yah, joke lang yun. Joke lang!" saka sya napaupo ng maayos.

Nilingon nalang uli ni J-hope ang audience at doon sya nakangiting nagpatuloy sa pagsasalita.

"Aissh...pero in the end ay nakausap ko parin sya" ang nakangiti at mukhang sobrang sayang patuloy nya. "Oo, ang saya-saya ko talaga nung araw na yun na nagawa ko na syang pangitiin. Pakiramdam ko ay nanalo ako ng milyones ng dahil sa sobrang saya. Pakiramdam ko ay yun na ang pinaka-malaking achievement ko sa buhay ko dahil nagawa kong syang pangitiin. At nung nakita ko na ang ngiti nya, naisip ko na yun ang ngiting gugustuhin kong makita araw-araw. Pero nakakalungkot lang na nagawa ko nga syang kausapin pero sa maliit na panahon lang dahil kinailangan ko ding bumalik kaagad ng Seoul."

Saka sya napalingon sa mga kasama nya at sa host bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Nung huling araw na nagkita kami, binilhan ko sya ng malaki at mamahaling chocolate dahil yun ang sinabi ng kaibigan ko na magpapangiti sa kanya. Kaya kahit na wala na akong pera ay binilhan ko parin sya nun. Naalala kong ang natirang pera ko nalang after ko syang bilhan nun ay ang pamasahe ko pabalik ng Seoul, but afterall ay wala akong pinagsisihan na inubos ko ang pera ko sa mamahaling chocolate na yun. Dahil napangiti ko sya for the very last time bago kami naghiwalay. Aish, naalala ko pa na buong araw ko syang hinintay sa bus stop nung araw na yun para lang maibigay ko ang chocolate na binili ko para sa kanya at nakakalungkot lang na hindi ko sya nakita uli bago ako umalis pabalik dito sa Seoul..."

Napa-smirk lang ang kanina pang tahimik na si Suga habang naka-cross arms parin bago nagsalita.

"Psh, ang baduy" he said.

Nilingon naman sya ni J-hope at sya naman ngayon ang papaluin sana ni J-hope ng microphone pero agad syang nakaiwas sa kinauupuan nya.

"Yah, ba't kayo ganyan ha? Wag nyo ngang sirain ang nakakakilig na memory ko sa first love ko." ang nakangiting reklamo ni J-hope.

Ngumiti lang si Suga mula sa kinauupuan nya at mas pinili nalang na wag magsalita lalo pa na't ayaw nya ang topic na 'to.

Kaya napalingon nalang uli sa audience si J-hope saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"Aiissh...ngayong naalala ko ang ngiti ng first love ko...hindi ko maiwasang kiligin."he said at doon sumungaw ang matamis na ngiti sa labi nya at parang kinikilig na napatingin sa itaas. "Sana nga magkita kami uli...I'm really looking forward to see her again. So yun lang. Kamsahamnida"

Isang palakpakan naman noon ang pumailanlang sa buong studio.

"Wow...that was a very sweet memory of your first love" ang masayang sabi naman ng host. "And now, I know that everyone is curious about Suga's first love..."

Saka nilingon ng host ang mukhang natigalgal na si Suga pero hindi parin sya nagpahalata.

"...so Mr. Suga, can you share us your story about your first love?" ang nakangiting lingon ng host sa kanya.

At kahit na ayaw nya pang pag-usapan ang bagay na ito ay napilitan syang napaupo ng maayos mula sa kinauupuan nya at mapalingon sa audience.

For a moment ay parang hindi nya alam kung ano ang sasabihin sa lahat ng taong nanduon na naghihintay ng sasabihin nya.

Isang tipid na ngiti lang ang naibigay nya lalo pa na't nagsimula ng humapdi ang dibdib nya.

"Uh..." ang simula nya saka ngumiti ng payak. "Ang totoo nyan...sa tuwing naririnig ko ang salitang music...naalala ko ang first love ko..."

"And why is that Mr. Suga?" ang takang tanong ng host.

Napalunok muna sya para tanggalin ang pagbabara sa lalamunan na nararamdaman nya ngayon.

"Dahil ang music ang naging dahilan kaya nakilala ko sya...ang music ang nagdala sa kanya papunta sa akin" ang nakangiting sabi nya habang nakatingin sa audience. "Wala akong masyadong maikukwento tungkol sa kanya pero...ang totoo nyan...sya ang laman ng lahat ng musika na nagawa ko...sya ang laman ng bawat lyrics at bawat tono na nailagay ko sa bawat kanta na ginawa ko...pero...hindi naging maganda ang lovestory namin kaya sa tingin ko...hanggang doon nalang ang masasabi ko tungkol sa kanya"

Walang nagsalita after ng sinabi nyang iyon dahil naghihintay ang lahat ng susunod na sasabihin nya kaya nagpatuloy sya.

"...at ngayon..." he continued at pinipigil nalang nya ang sarili sa panginginig ngayong naalala nya ang nakaraan. "...sa tuwing naririnig ko ang salitang music, dalawang bagay lang ang nararamdaman ko: masaya ako at nasasaktan ako"

Nagkatinginan naman ang lahat nang dahil sa sinabi nya but in the end ay nagpalakpakan parin ang lahat nang nanduon.

At after that ay parang naging blangko nalang ang lahat habang nakatingin parin sya sa audience. Nakita nyang si Jungkook na ang tinatanong ng mga host kaya nakalma na sya mula sa kinauupuan nya.

He smiled to the audience para lang maitago ang sobrang paghapdi ng dibdib nya lalo pa na't naalala parin nya ang mukha ng babaing iyon.

He smiled like he usually do.

Pero sa likuran ng masayang mukha na ipinapakita nya sa lahat ng nanduon ay nagtatago ang umiiyak na mukha ni Suga.

At iisang pangalan lang ang tinatawag nya ng mga oras na iyon...

Yuseon...



to be continued...


AN: Yey! Nandito ang Snowkook, TaeMer, at ChesMin! Hihi.

Para sa information ng lahat, nandito ang side stories nila...

VISIBLE: SnowKook

DEAR KIM TAEHYUNG: TaeMer and ChesMin

You can check it on my profile kung gusto nyong basahin. XD

Balak ko ring gawan ng sariling story ang ChesMin pero matatagalan pa dahil ang dami kong ongoings ngayon.Huehue~ Say something neh? Next chapter na ang YoonSeon moments at sorry kung ito lang muna. mwa.


Continue Reading

You'll Also Like

726 133 42
They got stuck in my throat. They clung in my tongue's tip. They kept me awake at night. They are unheard, undiscussed. Do you know what they are? Th...
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
572K 35K 99
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...