Oh Boy! I Love You!

Galing kay AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... Higit pa

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With the Punch

8.9K 237 65
Galing kay AlbertLang

CHAPTER 41

"Noong una, kamao ni Jessie ang madalas na naghe-hello sa mukha ko, pero ngayon, parang yung mga lips na niya ang gustong tumambay sa mga lips ko," kwento ko kay Sir Cabalfin.

Consulation na lang naman kami para sa final plate. Nagpahuli talaga ako para makaextra kwentuhan pa. Wala naman akong ibang masabihan. Alam na marahil ni Mama, ni Kuya ang pagkatao ko, pero hindi ko pa kayang ipagsigawan ang dinanas ko.

"Alam mo, hindi pa huli ang lahat, pwede pang ma-expel si Jessie sa pambu-bully niya sa'yo," sagot niya.

Kay Sir Cabalfin ko lang kayang sabihin lahat. Mula sapak hanggang halik. Mula sa unang sigaw na gago ka, pak u. Hanggang sa sabay niyang pagbigkas kay Gabriel ng I love you, too.

Kay Sir Cabalfin ko lang inamin ang mga bangungot ko. Kung paanong ang mga suspense thriller na panaginip ko na si Jessie ang kontrabida, ay pinawi ni Gabriel at pinalitan nang magagandang gising. At nang bumalik si Jessie, naging mahirap na muli sa akin ang matulog. Kailangan kong maintindihan si Jessie. Hindi sapat ang pagdating ni Gabriel.

"Sir wag na po, andaming magugulo," sagot ko.

"Hindi pwede. Witititit keri. Dapat may makaalam pa niyan. Dapat malaman yan ng nanay mo," sabi ni Sir. "Nakikisali pa ang Tatay. Nakakaloka."

"Kaya ko naman po," sagot ko. "Masaya na si Mama kay Tito Raul. Matagal siyang nagtiis para sa akin. Ngayon lang siya naging ganyan kasaya. Ayoko nang alisin sa kanya yun. Kahit ako naman ang magtiis."

"Cherry Pie, ikaw ba yan? Ulirang ina awardee?"

"Sir naman, eh," sagot ko. "Umookay na naman, hindi na naman niya ako sinasaktan."

"Oo, pinagnanasaan na lang," sabi ni Sir.

Hindi ako nakaimik.

"Ay, bet mo?" pansin ni Sir.

"Hindi naman sa bet, Sir," sabi ko. "Pero, gusto ko po ang nangyayari ngayon?"

Tumaas ang kilay ni Sir.

"Masama po ba ako?" tuloy ko. "Gusto ko po kasing gamitin yung mga ginagawa niya sa akin ngayon against him."

"Uy, uma-against him ka na ha," sagot ni Sir Cabalfin. "Expound, anung evil plan ba ang naiisip ng isang newly annointed scheming bitch?"

"Di'ba nga po, nag I love you too sya. Yun na yung hinihintay ko Sir, eh. Alam ko na, may gusto siya sa akin. Nung hinalikan niya ako, pwede kasing trip lang niya yun, tapos nung hinalikan niya ko ulit..."

"Trip na trip?" untag ni Sir.

"Hindi po," sabi ko. "Sinabi niya nga diba, matagal na niya yung gustong gawin. So iyun na yung clue ko, trip niya, naging gusto tapos love na. Sir, mahal ako ni Jessie."

"Ay, akala ko, dito University mo. Assumptionista ka pala."

"Sir, hindi ako naga-assume. Alam ko. Feel ko."

"O sige, granted, mahal ka niya. Anu yang nabubuo mo evil scheme?"

"Ipaparamdam ko sa kanya na gusto ko rin siya. At aalamin ko kung bakit niya ginawa sa akin lahat ng ginawa niya. At pag alam ko na iyun, gaganti ako, ilalaglag ko siya..."

"At tatapakan. At dudurugin. At duduraan. At iihian. At... At... At..."

"Sir naman eh."

"Akala ko kasi Cherry Pie ka. Cherie Gil pala."

"Pero Sir tama na biro, sa tingin ninyo? Ano? Okay lang ba?"

"Ang tingin ko, andami mong time. Andali-daling isumbong sa Nanay mo ang issues ng mag-amang yan para mapag-usapan na ninyo. Explain mo sa nanay mo na napatawad mo naman ang mag-ama, hindi niya kailangang hiwalayan ang Tito Raul mo, and if their love is strong enough, jusko, maaayos yan in jutay. I mean due time. Tapos niyan magkakapatawaran kayo. Then charan... Peace of mind. Hindi kailangan yang ganti ng naapi hanash."

Hindi ako sumagot. Naisip ko, tama si Sir. Peace of mind. Pagpapatawad ang daan para makuha yun. Pero pwede ring pagganti.

"Pero since bakla ka na. You're into those theatrics, teleserye pasabog ng bus, amnesia, kidnapan plot lines and mga paandar. Go ahead. Andami mong time, gawin mo lahat ng gusto mo."

Tuluy-tuloy na si Sir. Medyo naiinis siya. Naramdaman ko.

"Huwag ko na lang pong ituloy?" sabi ko. "Sige po. Kaya ko na to."

"Yang nguynguy na yan, jusko, bahala ka," sabi ni Sir. "Nababasa ko sa mata mo na gagawin mo pa rin ang gusto mo. Well, just learn from that mistake."

"Mistake agad? Hindi ko pa nga nasisimulan."

"Believe me," nakataas na ang kilay ni Sir habang nagsasalita. "Mistake yan."

"Kakayanin ko Sir. Ito na lang po ang ibibigay ko sa sarili ko. Ang mga kasagutan ko sa katauhan ni Jessie, kailangan ko siyang maunawaan para mapatawad ko siya. At dun lang po siguro ako matatahimik."

"Alex, ang arti-arti mo. Ang subject natin, Architecture, hindi Arte-tecture. Tama na yan. Sundin mo ang boyfriend mo, bago mo pa siya masaktan. Move on, just forget. Dedma sa forgive, Basta forget na. May nagmamahal na naman sa'yo. Sayang si Gabriel. Jowa na, naging bato pa."

Napapikit ako. Napabuntong hininga.

"Ay sige. Gawin ang gustong gawin, malaki ka na, bakla pa, Wala kang hindi kayang kayanin. Final na ba talaga yan?" tanong ni Sir.

"Final na," sagot ko.

"O siya, gudlak na lang sayo. Sinabay mo pa talaga ngayon. Finals na."

Matapos magconsult kay Sir Cabalfin tungkol sa aking final plate at final decision, nanatili pa rin ako sa lobby para mag draft ng mga floor plans.

Kasama ko ang mga blockmates kong sina Jobi at Arvin. May iba rin kaming classmates pero sa dalawang ito ako pumagitna.

"Arvin, magtatapos na ang sem, may bagong classmate pa tayong pumapasok?" sabi ni Jobi.

"Ay ang sama," reaksyon ko.

"Arvin," pang aasar pa ni Arvin. "Si Jobi naman yun. Ikaw, tsong?"

"Sige pa. Asar pa," sabi ko. "Kayo, ngayon na nga lang ako gumawa dito, pagtitripan pa ako."

Matagal na panahon din kasing sa bahay ni Gabriel ako deretso lagi. May drafting area ako sa kwarto dun, at ang pagbabasa ni Gabriel ang kasabay ng pagguhit ko.

"Baka naman may issue lang sa lablayp," sabi ni Jobi.

"Oo nga, ganun naman diba, pag walang loblayp, balik sa friendship."

"Hala," pangiti kong sinabi. At least nasa linya pa rin ako ng friendship nila. "Hindi naman."

Nagkakatuwaan pa kaming tatlo nang tumawag si Gabriel.

"Alex, babe, I'm almost done with our meeting. I'll pick you up in about twenty?"

"Wag na, okay lang ako,mga tatlong plates pa ang tatapusin ko ngayon," sagot ko.

"I can wait for you?"

"Huwag na, kasama ko rin kasi sina Jobi at Arvin. May mga catching up kaming dapat gawin."

"Catching up naman pala" bulong bi Arvin kay Jobi.

Nagtawanan ang dalawa.

"Okay. Daan ka na lang sa house after that. I'll cook dinner."

"Sige," sagot ko.

"Cool. So I'll just wait for you. I'll send you a message pag tapo na ako. Bye, I love you."

"Sige. I love you, too."

"Catching up pala ah," sabi ni Jobi. "Baka naman may iba ka lang talagang gustong macatch sa floor ngayon?"

Kung makahirit si Jobi parang may alam. Pero hindi ko na lang pinatilan. Tumawa na lang ako. Ayoko nang palakihin.

Tuloy lang ang catch up sessions naming tatlo nang dumating ang mga upperclassmen. May scaled model ng isang builsing silang dala. Naupo sila sa likod ng area namin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kanilang pagdating. Isa sa kanila si Jessie. Alam ko. Naririnig ko ang mababa niyang boses. Tumatawa, nagkukwento.

Ilang sandali pa ay tumahimik. Sa narinig kong usapan, hindi si Jessie ang mag-uuwi ng project dahil motor ang dala niya. Matapos ang desisyon, tumahimik. Noon lang ako nagkalakas ng loob lumingon.

At muling napahinto ang tibok ng puso ko. Nakaupo sa drafting table si Jessie. Nakatingin sa akin. Walang ngiti, pero hindi rin nananakot. Gumalaw ang kilay niya nang magtama ang aming mga mata.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ngumiti ako nang hindi lumalabas ang ngipin. Tumalikod mula kay Jessie at itinuloy ang pagdo-drawing.

Ramdam ko ang presensya ni Jessie. Hindi siya umaalis. Pinapanood lang niya ako.

Naunang matapos si Arvin. Sumunod si Jobi. Sabay silang nagpaalam. Hindi na rin ako nagpahintay. Baka gusto nilang magsolo, ayokong maging third wheel. Nakatapos ako ng tatlong plates na mga apat na lang kami sa floor. Nang makapag ayos ako, umalis naman sa pagkakaupo sa drafting table niya si Jessie.

Sumunod siya nang maglakad ako. Sinabayan niya ang pagbaba ko ng hagdan. Hindi siya nagsasalita. Sumasabay lang. Hindi ko pinansin ang presensya niya. Hanggang sa hawakan na niya ako sa balikat. Napahinto ako at kinabahan. Ang totoo, hindi ko pa rin mabasa ang mga kilos ni Jessie.

Pagkahinto ko, kinuha ni Jessie ang mga nakasukbit sa balikat ko. Dinala niya. Hindi ko alam kung bakit, pero nauna siyang maglakad. Sumunod naman ako. Hindi ko alam kung dahil dala niya ang gamit ko, O dahil guato ko.ring mapunta kung saan man siya pupunta. Kailangan bang isa lang ang dahilan. Pwede namang parehas. Sumunod ako kay Jessie.

"Hindi pa ako uuwi sa atin," sabi ko. "May dadaanan pa ako."

"Sabi sa'yo kailangan mo pa 'yang telepono," sabi ni Jessie na parang walang paki sa opening statement ko. "Text mo na ang shota mo. Hindi ka na dadaan."

"Huy, hindi pwede yun."

Hindi nagpatinag nang paglalakad si Jessie. Patungo na kami sa parking area.

"Sige," sabi ko. "Itetext ko si Gabriel. Sa isang kondisyon."

Hindi magtatanong si Jessie kung Ano ang kondisyon. Wala siyang pakialam sa akin. Kaya kasabay ng aking pagbabakasakaling mag work ito, Sinabi ko na agad ang proposisyon ko.

"Sasagot ka ng isang tanong ko."

Mukhang nagustuhan ni Jessie ang game. Napatigil siya at napaharap sa akin.

"Text mo na."

Nagulat ako sa reaksyon ni Jessie. Binuksan ko ang telepono kong bigay niya. Pinuntahan ang conversation namin ni Gabriel. Si Gabriel pa ang huling nagmessage.

I'm home. I'll start cooking in a while.

Hindi pala ako nakareply. At ngayon magmemessage ako, magpapaalam pa. Hala, paano kung nakaluto na siya?

Bahala na. Mas kailangan ko ang mga sagot ni Jessie.

Uwi na ako, Gab. I'm sorry. Kailangan ko nang madaliin ang mga plates. I love you po.

Sent.

Tumingin ako kay Jessie.

"Go, shoot," sabi ni Jessie.

Nakahanda nang aumagot si Jessie. Pero hindi ko inasahang aabot ako sa puntong ito. Anung itatanong ko?

Mahal mo ba ako?

Bakit mo ako hinalikan?

Bakit hindi mo na ako binubugbog?

"5-4-3-2..." binilangan ako ni Jessie.

"Anong binulong sayo ni Tito Raul nung nasa Pangasinan tayo? Anung pinagawa niya sayo?"

"Sumunod ka," utos ni Jessie.

Napakadominante talaga ni Jessie. Nakakainis. Wala naman akong magawa kundi sumunod.

Medyo mahabang lakarin ito na walang usapan. Susukuan ko na sana ang kagustuhan kong sundan lang siya, pero hostage niya ang mga final plates ko.

Pumasok kami sa pool. Hapon na, tapos na ang huling swimming class. Kami na lang ni Jessie ang nandoon.

"Ang hilig mo sa tubig?" sabi ko. "Gustung gusto mong nababasa ."

Walang imik si Jessie. Naghubad mula siya hanggang sa boxers na lang ang suot.

"Hubad," utos niya. Walang galit, walang pwersa, pero utos.

Hindi ako sumunod. Baka ito na ang sinasabi ni Sir Cabalfin na pagnanasa.

Binuksan ni Jessie ang canister kung saan nakalagay ang mga plates ko. Itinapat niya sa pool.

Wala akong nagawa. Naghubad ako.

"Talon na," utos niya.

Tumalon na ako. Sa malalim na part. Doon ang tinuro ni Jessie. Nagsimula akong mag threadin fb oara hindi lumubog.

Inilapag ni Jessie ang canister at t-square. Tapos Ay Tumalon din siya.

Lumapit siya sa akin.

Naghintay ako. Nakatingin ako sa kanyang mga mata. May pag-aalinlangan. Hahalikan na naman ba ako ni Jessie. Napabasa ako ng labi sa paghihintay.

Pero ang totoo, hindi ko iyon sinadya. Kung maaari nga lang Ay irerewind ko, at hindi na gagawin ulit. Baka isipin ni Jessie na hinihingi ko ang kanyang halik. Ayokong maging inviting. Sana Ay hindi niya maisip iyun.

Pumatong ang mga kamay niya sa aking mga balikat. Nawala ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Jessie. Napunta iyun sa aking mga mata. Nagsimula akong matakot. Nanlisik ang tingin ni Jessie. Hanggang sa magsimula siyang itulak ako pababa sa tubig.

Hindi ako handa.

Ibinabad niya ang ulo ko. Nagsimula akong pumalag, pero malakas si Jessie. Iniangat niya ako.

"Gagong kabaklaan yan, aalisin natin yan sa katawan mo!"

Hindi pa ako nakakabawi ng hininga nang muli niya akong ilublob. Nagsimula akong makainom.ng tubig sa pool.

Napapaubo ako sa paghahabol ng hnagin tuwing iaangat niya ako. Wala akong maintindihang buong pangungusap.

"Bakla..."

"Lulunurin natin..."

"Masama..."

Hindi ko maintindihan.

"Walang bakla sa lahi natin!"

"Lalaki ka ba?"

"Lalaki ka na ba?"

Sa bawat tanong, nilulunod ako ni Jessie.

Hanggang sa hindi ko na kaya.

"Tama na!" sigaw ko nang paulit-ulit.

Hanggang sa huling sigaw ko, napakapit ako nang mahigpit kay Jessie. Yumakap ako. Tumigil siya. Niyakap din ako. Mahigpit. At sa hindi ko maunawaang dahilan, naintindihan ko si Jessie.

Pagkaahon ko Ay nahiga muna ako sa gilid ng pool. Pagud na pagod ako. Umahon si Jessie. Nakatayo. Iniabot ang kamay sa akin. Kinuha ko amg kamay niya para makatayo ako.

Iniaangat ako Jessie nang bigla na lang may kamaong nakita kong dumeretao sa mukha niya. Napatumba si Jessie at nahila niya ako pabagsak.

Pareho kaming nasa sahig ni Jessie. Tinitingala namin ang lalaking bagong dating, pagod, humahangos, nagmamadali at galit na galit. Si Gabriel.



-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.6K 226 45
UNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking ca...
360K 5.1K 46
THE WIFE'S GRIEF SERIES #1 Rosegail is a wife of a well known ruthless billionaire their love story started well but because of a tragedy everything...
9.9K 690 37
"Don't forget me, please. I will always love you and support you. Remember me. I love you." *** Gabbie, a 3rd year Tourism student from UP Diliman ha...
340K 12.1K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...