The One With the Confussion

9.6K 315 45
                                    

CHAPTER 21

Kaya kong gumising araw-araw sa ganitong kama, katabi ng lalaking pinakaperpekto sa mundo ko. Parang sumang-ayon din sa akin ang langit dahil sa kapirasong siwang ng kurtina ng bintana sumisilip ang liwanag ng umaga at tumatawa sa mukha niya. Ang aking anghel, si Gabriel.

Nakatagilid siya at nakayakap ang kanang braso sa akin. Bahagyang nakabuka ang kanyang bibig at doon lumalabas ang kanyang paghinga. Amoy ko ang hanging nanggagaling sa kanya at kasama iyun sa hanging pumapasok sa akin.

"Good morning,"  nakapikit pa rin siya pero nagsalita niya. Parang alam na pinagmamasdan ko siyang matulog.

"Good morning," bati ko.

Parang hinintay niya ang pagsasalita ko para mahanap ang aking bibig. Dahil walang sabi-sabi, kahit hindi dumidilat ay lumapit ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Diniin niya iyun na may kasabay na malalim na paghinga.

Ang kanyang braso, hinila ako para maglapit ang aming mga katawan.

"Do you now that hindi ko kayang mainis sa iyo, Alex?" bulong niya sa akin.

Bumitaw ako sa pagkakayakap namin.

"Ha?" gulat ko. "Bakit ka maiinis sa akin?"

Ngumiti lang siya. Inalis ang kumot namin at bumangon na. Inayos ang boxer shorts niyang parang nagulo sa pagkakahiga.

"I'll prepare our breakfast," sabi niya.

"Bakit ka naiinis?" Naupo na ako sa kama. 

Nakatapis pa sa akin ang kumot namin. Para akong naluging prosti, hindi naman sa alam ko ang itsura nun.

Bumalik si Gabriel sa akin. Muling humalik sa pisngi ko.

"Hays, I'll just be making lambing," sabi niya.

Tumalikod si Gab at lumabas ng kwarto.

"Gab?"

Yung natirang pasta kagabi ang naging breakfast namin. Ininit lang ni Gabriel sa oven toaster, hindi ko alam kung ano pa ang mga binudbod niya, pero iba na ang lasa. Masarap pa rin.

Para naman hindi ako pabigat, nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa. Matapos noon sabay kami kumain, siya, nakaboxer shorts pa rin, ako naman, higit sa boxer shorts na pinantulog ko, nagsuot na rin ako ng sando.

"It's 7am," paalala ni Gabriel. "Ready for your exam?"

"Oo," sagot kong kailangan ding ipasok sa oven toaster dahil kasinlamig na ito ng mga tanong niya.

"What time ka matatapos?"

"12. Tapos may exam ulit ako ng 1pm."

"Let's just have lunch together."

"Ikaw bahala."

"Is there anything wrong?"

"Is there anything wrong?" ulit ko sa tanong niya.

"The truth is, there is," sagot niya. "You are forgetting something."

"Ano?"

"It's for you to remember and not for me to tell. It will spoil everything if I tell you. Okay?"

"Ano nga yun?" pilit ko. "Sabihin mo na lang."

"Nope."

Tinuloy niya ang pagkain. Nakataas ang isang kilay at nakangiti ang mga labi. Siguro ang mga ngiti niyang iyun kahit sinasabi niyang naiinis na siya ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang gusto niyang maalala ko.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now