The One With The First Kiss

12.5K 405 38
                                    

CHAPTER 11

Natapos ba ang lahat sa pagtatapat ni Gabriel?

Dumaan ang weekend, hindi nagtext, nag PM, o kahit nag poke man lang sa FB si Gabriel. Iyun na ba yun? Hanggang sa dumating ang araw ng klase.  Wala pang alas-singko ay gising na ako. Naghihintay sa busina ng kotse ni Gabriel.

Antagal na, wala. baka wala na talaga. Hayaan mo na. Gusto ko mang mauna sa pagkontak sa kanya, e baka sabihing, ako na ang naghahabol. Hayaan mo na lang siya.

Nang magring ang phone ko.

Agad kong kinuha ang telepono ko sa baso na sa pagmamadali ay nalaglag, mabuti at hindi nabasag.

"Hello," sabi ko na gising na gising.

"Did i wake you up?"

Si Gabriel. Napataas ang dalawa kong paa at napapadyak na naman sa ere. Pero kaialngang magpanggap na hindi ako masaya.

"Uhm, oo," nagpanggap akong bagong gising. "Bakit."

"I don't wanna wake your neighbors up," sabi ni Gabriel. "Kaya tinawagan na lang kita. I'm outside. Prepare ka na, pasok na tayo."

Hala, sinundo pa rin niya ako. 

So katulad nang dati naming ritwal, pinapasok ko siya, tapos nag-ayos ako ng sarili. Tapos sabay kaming kumain ng ininit kong breakfast na niluto ni Mama bago siya matulog pagkauwi niya mula sa opisina kanina. 

Medyo walang masyadong usapan habang kumakain. Hindi niya na-bring up ang nangyaring pagtatapat. at ang ilang araw na walang paramdaman. 

"Ma, alis na ako," sigaw ko. "I love you!"

Tapos tinuktok ni Mama ang sahig. Go na yun.

Pagkalabas, pinagbuksan ako ni Gabriel ng kotse. At muli, hindi ko napigilan. Napasinghot ako nang mapadaan ako sa kanya. Ang bango ng buhok ni Gabriel. 

Patay. In love na nga siguro ako. Pero baka hindi naman tama ang theory na ito ni Mama.

Inamoy ko lang ang buhok, in love na agad? Paano pa kung sinabi ko kay mama na ambango ng hininga ni Gabriel. Na okay na sa akin kahit yung oxygen-turned-into-carbon-dioxide niya ang hingahin ko tuwing kausap ko siya. Ano pa ang itatawag dun?

Bahala na. padala na lang ulit sa agos. Hindi naman kailangang may magbago. Tuloy lang ito. Ayoko rin naman kasing matapos. Balik kami sa dating ritwal. Araw-araw na ulit kaming nagkikita at gabi-gabing nagkukwentuhan.

"Nasa gym na tayo, nakatulala ka pa diyan?" at naamoy ko ulit ang parang laging bagong sipilyong hininga ni Gabriel, at naisip ko, medyo nakakadiri itong iniisip ko. 

Not cool, Alex, not cool.

"Male-late ka na Alex," paalala ni Gabriel.

"Sorry," at nagising ako sa mga kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. 

Kaya pala ako nakashorts at Shirt na may nakalagay na PE, e para mag-PE at hindi magmuni-muni. 

"Sorry Gab. Oo nga pala. Thanks!" sabi ko.

Agad akong nag unbuckle ng seatbelt at lumabas. Binaba ni Gabriel ang bintana at pinanood akong pumunta sa gym. Nakalingon ako sa kanya. 

"Salamat ulit! Ingat ka papunta sa class," sigaw ko.

Nagmamadali na ako kaya't hindi ko na nalingon ang pag-alis ng sasakyan. Alam ko lang sa tunog nang pag-arangkada ng kanyang kotse na umalis na siya.

Pagdating sa loob ng gym, wala na ang mga classmates ko. May nakasulat lang sa board.

"PE 1 class, dissolved, go to your new respective PE class."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now