The One A Spaghetti Can't Deny

13.9K 425 64
                                    

CHAPTER 9

Only dead fish go with the flow. 

Yan ang sabi ng isang post na nakita ko sa IG. Pero hindi ako naniwala. Nagpaanod na lang kasi ako sa mga ginagawa ni Gabriel. Hindi ko na kinuwestyon. Hindi na ako nagtanong. Sumabay na lang ako. At masaya naman ako. Buhay na buhay ang pakiramdam. Quote lang naman yun, bakit ko ba pinapatulan. Hindi naman ako isda. Hindi ako malansa. Enjoy lang.

Nasasanay na kasi ako sa paghahatid-hatid sa akin ni Gabriel. Nasasanay na rin si Mama sa kanya.

"Anak, yung totoo," sabi ni Mama. "Anong meron diyan sa Gabriel na 'yan?"

"Hindi ko alam Ma," sagot ko. "Pero okay naman, may service ako papasok at pauwi. Hindi mo kailangang mag-alala."

"Sabagay," sabi ni Mama. "Pero ask mo rin sa kanya kung anung pakay niya, ha. Baka serial killer yan."

"Wala naman sa itsura niya ang papatay," sabi ko. "May kilala akong mas malala ang itsura."

"Ay, you can never can tell," sabi ni Mama. "Mayroon ngang bata, mukhang 10 years old, pero matanda na pala, pinapatay yung mga umaampon sa kanya."

"Ma, si Esther yun, pelikula lang yun," sabi ko.

"I know," sabi ni Mama. "Pero syempre, may scientific basis yun. Pero proud naman ako sa iyo anak at nakakahanap ka na ng friend."

Niyakap ako ni Mama. Natuwa din ako. Mayroon akong friend na hindi natatapos sa oras ng klase. First time ko. Kaya na rin siguro hindi ko na tinatanong kung normal ba ang ginagawa ni Gabriel. Wala akong pagkukuparahan. Aprubado na rin naman kay Mama. Okay na. 

Minsan nga, umuwi ako, may note si Mama sa Ref. Alam na niya na may kasama ako.

At ang kasama ko pa ang unang nakakita. Kinuha ni Gabriel ang note sa ref at binasa.

Papasukin mo muna si Gab, pakainin mo, may food pa sa ref, I oven toaster mo na lang, masama daw kasi pag microwave lagi ang ginagamit...

"Ay akin na 'yan!" agad kong binawi ang note na kinuha ni Gabriel. 

"Tita is so sweet," sabi ni Gabriel, habang kinukuha ang spaghetti sa loob ng ref. "No wonder, your dad fell for her."

"Ang mga sweet na tao, hindi niloloko," sabi ko.

Matter of fact-ly lang. Nakasanayan ko nang hirit. Pero parang hindi usual ito sa pandinig ni Gabriel.

"Sorry."

Napansin kong napahiya talaga si Gabriel. Nanatili siyang nakaharap sa oven kahit napihit na niya ito at pwede nang iwanan. Nakita ko rin ang reflection niya na nakakagat ng labi at lukot ang mukha. Sising-sisi sa kanyang nasabi.

"Okay lang," sabi ko. "Hindi ko na yun issue."

Hindi pa rin lumilingon si Gabriel. Parang gusto na niyang matunaw.

"Sixteen years na yang fact," pagsisiguro ko sa kanya. "Nung mag-twelve ako, tanggap ko na. Tanggap na nga ni mama, ako pa ba?"

Nakumbinsi ko naman siya. Humarap siya sa akin.

"Sorry, that was insensitive," sabi ni Gabriel. "Now everything is awkward. I should have studied my compliment list."

"Mukhang marami ka nang nasabihan niya."

Natawa siya. 

No, i usually get that," sabi ni gabriel. "Sinubukan ko lang. And then, see, i found out that it isn't applicable to everyone. Sorry."

Mahina kong tinapik ang braso niya. 

"Okay nga lang," sabi ko. "Applicable naman. Na-touch naman ako."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now