The One With the Mask

8.2K 224 64
                                    

CHAPTER55

"Paano na 'to?"

Hindi ko masasabing namiss ko ang kwarto na ito. Isang room sa mansion na pina-renovate para sa akin, pero hindi ko nararamdamang akin. Mas gusto ko pa rin ang kwarto ko sa Marikina. O ang kwarto ko sa bahay ni Kuya. Pero syempre, pinakagusto ko ang kwarto namin ni Gabriel.

Hindi ko na iyun makakalimutan. Ang kwarto ni Gabriel. Pero sa tingin ko naman. Hindi naman dapat makalimutan iyon. Oo, nakipag-break na rin ako sa kanya. Pinalaya ko na kami sa relasyon namin, pero hindi naman kasamang mawawala nun ang mga ala-ala. Amnesia na lang ang katapat nun. At so far, kahit yata sa mga teleserye, hindi na uso ang amnesia.

Kailangan ko na lang tiisin ang mga ala-ala, hanggang sa mawala na ang mga pakiramdam na kasama ng mga ito. Hanggang sa ang mga ala-ala ay maging ala-ala na lang talaga. Tulad ng photosynthesis.

Naaalala ko nung tinuro ito noong Elementary ako. Pero wala itong kasamang sakit. Walang kasamang saya. Fact lang. Photosynthesis. Haysts. Kailan kaya magiging photosynthesis na lang sa akin si Gabriel.

Nakahiga ako sa kama, nagmumuni-muni nang may kumatok. Tumayo ako. Doon ko lang naalala na naglilipat nap ala ako ng mga gamit ko sa aparador. Inayos ko muna ang mga damit sa gilid bago ko buksan ang pinto.

Si Jessie.

"Antagal mo, may ginagawa ka ba?" tanong ni Jessie.

"Hindi yung iniisip mo," sagot ko.

"Okay lang ba?" sabi niya.

Umatras ako at pumasok si Jessie.

"Oo naman," sabi ko. "Kwarto ko lang ito. Bahay ninyo ito."

Dumeretso si Jessie sa kama ko at nagpaka-komportable. Aaminin ko, iyung itsura niya ngayon ang nagbibigay ng kuryente sa pakiramdam ko. Lalo pang wala na si Gabriel. Parang si Jessie ang makakatanggal ng pangungulila ko.

Nakasando naman si Jessie. Isang lumang blue t-shirt na ginupit ang manggas para maging sando. Pro hindi basta sando. Masyadong mababa ang pagkakagupit na kapag humangin ay lumalabas na rin ang dibdib niya, at minsan, pati ang flat niyang tiyan. Luma na rin ang boxer shorts niya. At sa likot ng galaw niya, napansin kong yun na lang talaga ang suot niya.

"Bakit iniisip mo pa yan?" sabi ni Jessie. "Ayos na si Papa ko at Mama mo. Sila na nga ang nagsabi, tama na ang katatawag natin sa kanila ng Tito at Tita. Magiging magkapatid na tayo. Kaya huwag mo na ring analisahin ang suot ko."

"Wow, magsu-suot-suot ka ng ganyan, tapos kapag tiningnan ka, may judgment ka na," sabi ko. "Sana sinubukan mong pumunta dito na naka-coat and tie."

"Ay. Kahit na coat and tie ang suot ko, mai-in-love ka pa rin sa akin," sabi ni Jessie.

"Wag na, sige na, okay na 'yan. Baka mapahiya ka at nag-effort ka pa," sabi ko.

"Or gusto mo lang talagang ito na ang suot ko," sabi ni Jessie na inilabas pa ang ibdib mula sa gilid ng kanyang damit.

"Huwag ka ngang ganyan," sabi ko. "Alam mong malungkot ako ngayon at marupok."

"Huwag mo akong landiin kung hindi mo ako pagbibigyan," sabi ni Jessie na ngumingisi.

"At ako pa daw ang nanlalandi?" sabi ko

Nagtawanan kami.

"Ang yabang mo rin," sabi ko. "Pero sige. Nakaka in love ka naman talaga. Pero wala na, magkapatid na tayo."

"Kung hindi ba tayo magiging magkapatid..." hindi na nakatapos si Jessie dahil nauntag ko na siya.

"Para namang nagpapigil ka doon noong hinalikan mo ako sa falls," sabi ko. "Magkarelasyon na ang mga parents natin nun."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now