The One in Parañaque

9.2K 290 17
                                    

CHAPTER 27

Madali kung sasabihin ko kay Gabriel ang mga panaginip ko kay Jessie. Pero nahihiya ako. Paano ko sasabihin sa kanyang sinuway ko ang kaisa-isa niyang hiling sa akin, ang huwag titingin sa mata ni Jessie? Kaya heto ako ngayon, natatakot sa nakita ko, sa hindi ko naiintindihan.

Ginawa ko na. Pananagutan ko na. Problema ko lang naman talaga si Jessie. Oo, siguro natakasan ko siya sa tulong ni Gabriel pero tulad lahat ng takas, naiiwan ang kaba na makakatagpo ulit ang pinagtataguan. Hindi ko na hihintayin ito. Naging matapang na ako sa tulong Gabriel. Ngayon masusubok na kung gaano ako katapang.

"Are you sure you're okay?" narinig ko si Gabriel. "Babe. Babe!"

"Anu yun?" reaksyon ko.

"Are you sure you're okay?" tanong ulit niya. "Medyo dalawang kanta na ang hindi mo nasasabayan. Kung computer ka, napindot ko na ang ctrl + alt + del."

"Sorry, naghang," sabi ko at panandalian, hindi ko alam kung nasaan kami.

"Don't worry, i think it is healthy na isama natin si Mama mo sa mga events in our relationship," sabi ni Gabriel.

"Alam ko naman," sabi ko. "Pero bakit kasi kailangan pang sa Paranaque tayo pumunta. Pwede naman siya sa bahay."

"Wel,, it's your call," sabi ni Gabriel. Tell him about Jessie, and I'm pretty sure na hindi magdadalawang isip si Tita na umalis sa mansion."

"Alam ko," sabi ko. "Lilipas naman ang araw. Atsaka lagi kitang tatawagan."

"Lagi kitang tatawagan, Babe" pagsisiguro ni Gabriel.

Nasa kotse na pala kami. Papunta kaming Paranaque. Doon ako magsa-Sabado at Linggo. Napangiti na ulit ako. Una dahil tinawag niya ulit akong babe. Pangalawa, dahil hindi niya naisip ang nasa isip ko.

"But if you are really bothered by spending a night in that house, I can pick you up at nine," sabi ni Gabriel.

Akala ko nakalusot na. Tama siya. Napapaisip ako sa mangyayari sa bahay. Makikita ko si Jessie. Hindi, hindi makikita. Makakasama. Kaya susubukan ko na ang tapang ko.

"Kaya ko na to," sabi ko. "Big boy na ang boyfriend mo."

"I know."

"Huh?"

Tumawa si Gabriel. Nagjoke siya na hindi ko nagets.

"Nakakainis ka," sabi ko na napangiti na rin.

"Of you dont wanna tell me that thing you're thinking, it's okay," sabi ni Gabriel. "Just think of happy thoughts. Think of me. Babe."

Humarap sa akin si Gabriel. Hinawakan ang binti ko. At habang nakahinto ang kotse, nagtanggal ng seatbelt, lumapit sa akin at nagnakaw ng halik.

Magkahawak ang kamay namin ni Gabriel nang pumasok sa bahay. Nahiya lang ako nang mapatingin ang kasambahay na nagbukas sa amin, sa aming mga kamay. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko kay Gabriel, pero mas hinigpitan ni Gab ang pagkakahawak nila sa atin. Naalala ko ang sinabi niya. They can't accept the things we ourselves cannot be proud of.

Sumalubong si Mama. Malaki ang ngiti at mataas ang kilay sa pagkakakita sa magkasugpong na kamay namin ni Gabriel. Lumapit si mama at yumakap sa akin nang mahigpit. Hinalikan niya ako sa noo bago ako bitawan.

"Nakakainis ka Alex, ha," sabi ni mama. "Dapat sinabi mo para nakapagluto din ako. Big deal yang mga monthsary na yan."

Tumalikod ako para umupo. Nasa dining area kami, at nakahain na ang spaghetti na pasalubong namin ni Gabriel.

Oh Boy! I Love You!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant