The One Where

7.8K 240 45
                                    

CHAPTER 36

"Saan?"

Iyun ang unang salita ni Gabriel. Mahaba-habang oras at byahe rin ang hinintay ko bago lumabas ang salitang yun sa kanyang bibig.

Pero may mga narinig naman ako sa bawat niyang kilos. Mula sa paghawak pa rin niya sa kamay ko habang pababa ang elevator. Sa pagbukas niya ng pinto ng kotse at pagpisil sa aking hita habang umaandar kami. Hinawakan muli niya ang kamay ko habang pabalik sa bahay niya. At ngayong nakaupo na kami, magkatabi, magkahawak pa rin ang mga kamay, binigay na niya ang aking hinihintay.

Pero hindi 'saan' ang pinaghandaan kong tanong. 'Bakit' dapat ang itatanong niya. Dahil iyun ang tanong na alam ko ang sagot.

Kaya nanatili akong tahimik. Nag-iisip.

"Saan ka na uuwi?" tanong ulit ni Gabriel. Humigpit nang bahagya ang hawak niya sa kamay ko.

"Hindi ko alam, Gab," sagot ko. "Pero hindi muna sana dito."

"Did I do anything?"

"Wala."

"Babe, please don't use the "it's not you, it's me" excuse. That's unacceptable."

Hindi ako nakasagot. Dahil wala naman talagang problema sa kanya. Nasa akin ang mali. Ako ang may pag-iinarte sa katawan na hindi ko makayanan. Kailangan ko munang mailabas ang pag-iinarteng ito.

Pero parang hindi na kinaya ni Gabriel ang kawalan ko ng reaksyon.

"Don't you like my friends?

"Do I drink too, much? Don't you want me drinking?

"Did you hear anything, because whatever that is that you heard, just tell me, para malaman mo kung may katotohanan iyun."

Tuluy-tuloy ang mga tanong niya. Pero bakit ayaw niya na lang itanong kung bakit gusto ko munang umalis sa tabi niya. Kung anu-ano ang tinatanong niya tungkol sa kanya, eh wala naman akong masabi, pero hindi pwedeng hindi ko sagutin.

"Wala akong narinig. Gusto ko ang mga kaibigan mo. At bilib ako sa iyo na nakakainom ka na hindi nalalasing. Gabriel, walang problema sa'yo. Ako ang may problema."

"Then sabihin mo. Let's talk about it. Let's fix it. Huwag naman yung magdedesisyon kang iiwan mo ako."

"Hindi kita iiwan. Uuwi lang ako sa amin."

"But you said before, ako na ang iyong inuuwian."

Patay. Nasabi ko nga iyun. Pero hindi ko na kayang makatabi si Gabriel.

"Huwag kang tumahimik please. Sabihin mo na lang sa akin ang nasa isip mo."

"Pero hindi ko na kayang makatabi ka," patay na talaga, deretso ang nasa isip ko sa bibig ko.

Napatahimik si Gabriel. Marahil may mga script na rin siya sa utak niya, kaya nagugulat sa mga biglaang maririnig. Tapos, nagsalita na siya.

"Hindi mo na ba gusto ang ginagawa natin. We can stop that. We can change what we do. We can do whatever. Sabihin mo lang maiintindihan ko naman."

"Naiintindihan mo kasing lahat. Kahit hindi na dapat," at iyun talaga ang nararamdaman ko. Naiintindihan niya ako kahit sa mga pagkakataong ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Because I love you," mahina niyang sinabi. Hindi pa rin siya humaharap sa akin. Pero nakikita ko ang kaamuan ng mukha niya sa reflection sa at TV.

"Mahal din kita," sagot ko.

"But you wanna leave me."

"Dahil napakamaunawain mo."

"When has being a maunawain become a reason for leaving someone?"

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now