The One With The Brief And The Boxers

14K 357 31
                                    


CHAPTER 15

Tulala.

Siguro ito yung epekto sa akin ng beer.

Hindi ako nagsasalita buong byahe namin ni Gabriel. Nakarating na kami sa condo niya, naupo na ako. Nakatulala pa rin ako. Nag-ring ang phone niya, sinagot niya, nag-usap sila, nakatulala pa rin ako.

Pero kakailanganin ko nang magsalita. Papalapit sa akin si Gabriel, inaabot ang phone. Si Kuya pala ang kausap niya.

"Sa tingin ko, pareho tayong nagulat sa sinabi ni Gabriel kanina," paliwanag ni Kuya. "Pero huwag kang mag-alala, mabuting tao yang si Gabriel. Hindi ka mapapahamak dyan. Sinabi na rin niya sa akin na hindi ka pa handa..."

"Sorry, kuya, hindi ko sinabi sa iyo," sabi ko.

Nahihiya ako kay Kuya. Siya ang bestfriend ko, ang kakampi ko, dapat sinabi ko sa kanya ang kalituhan ko.

"Walang problema," sagot niya. "Hindi mo pa naman alam, makakadagdag lang ako sa aalalahanin mo kapag sinabi mo sa akin."

Patuloy pa rin sa pagsasalita si kuya kung paano niya naiintindihan ang pinagdaraanan ko. Ang totoo, higit pa sa pagiging kuya, parang mas nagagampanan niya ang pagiging tatay sa akin. Napakaswerte ko naman. Ang mga taong mahahalaga para sa akin, suportado ako sa pinagdaraanan ko.

Doon ko naisip na siguro, ito na ang gift sa akin ni Lord. Kasi ba naman, punching bag ako ni Jessie. Hanggang ngayon, college na ako, nandyan pa rin siya, hindi na ako nilulubayan, siguro naman, deserve ko ang mga taong mamahalin ako.

Si Dad kaya, mahal niya ako? Mamahalin kaya niya ako kung magiging bading ako? Ano ba namang tanong ito? Ngayon pa nga lang, hindi na niya ako minamahal, paano pa kapag naging salot na ako sa lipunan.

Naalala ko tuloy noong pumunta kami ni mama sa bahay nina Kuya sa Cavite. Kalung-kalong ako ni Mama, nasa gate kami, parang presong nakakapit sa mga bakal na iyun si Mama, nagmamakaawa na mahalin siya ni Daddy. Lumapit si Daddy sa amin. Kinausap si Mama na huwag mag-iskandalo. Pero patuloy si Mama sa pagsigaw at pagmamakaawa. Hindi mapakali si Daddy noon, lalo pa at lumabas ang mag-iina niya. Si Tita Maricel, buhat ang isang sanggol habang si Kuya Albert ay nakayakap sa binti niya. Ano ba naman ang laban ng isang anak ni Mama, ako yun, bilang bala para makuha si Daddy, e may dalawang batang pinapagitnaan ang edad ko. Baby pa ang isa. At syempre pa, kasal si Daddy kay Tita Maricel.

Ano ba naman ito, ganito ba talaga kapag nakakainom ng beer. Kaya pala bigla na lang umiiyak ang mga lasing.

Biglang nag-ring ang telepono sa tenga ko.

"Hello," sagot ko.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Kuya. "Bigla kang nawala. Ano may gusto ka bang sabihin?"

"Ha, Kuya? Wala naman. Salamat."

"Basta tandaan mo, kung ano ang nararamdaman mo, sundin mo. Hindi ibig sabihin na malambot ka, o malamya ka at tinutukso kang bading, e bading ka na. Hindi ibig sabihin na nililigawan ka ni Gabriel, e mamahalin mo na siya. Bata ka pa, bata pa tayo, marami pa tayong mararanasang iba, kaya't huwag nating isasara agad ang mga bagay-bagay sa buhay natin. At kung makapagdesisyon ka man ngayon, at mali ka, siguro pagtatawanan kita, o pagsasabihan, o pagagalitan pa, pero kakampi mo pa rin ako ha."

"Yes, kuya, I love you."

"I love you, too," sabi ni kuya. "Sige na, matulog na kayo ni Gabriel. Uminom ka pala ng Gatorade, lasing ka daw. Mag Gatorade ka para hindi sumakit ulo mo bukas."

"Thanks kuya."

Lumapit na sa akin si Gabriel. Inabot ko sa kanya ang phone. Kinuha niya at tumabi sa akin.

Oh Boy! I Love You!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें