The One With the Gorilla

10.9K 312 47
                                    

CHAPTER 23

Nahiga ako sa kama ni Jessie. Sa malambot niyang kama, sa yakap ang malambot niyang unan, balot ng malambot niyang kumot. Malamig ang aircon, pero masarap sa katawan kapag ganitong nakahubad at balot ng kumot. Panandaliang nakalimutan kong kwarto ng kaaway ang tutulugan ko. Hanggang sa magsalita si Jessie. Hindi magsalita, magtanong. Bakit ako sumakay sa motor niya?

Bakit nga ba ako sumakay sa motor niya? Bakit ko nga tinakbuhan si Gab? Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Sasagot ka ba?" tanong ulit ni Jessie.

Hindi ako nagsalita. Ang maganda sa ikalawa niyang tanong, nagbibigay siya ng options. PWede akong umoo, pwede akong humindi. Hindi ako nagsalita.

"Tatanungin ulit kita pagkagising. Ihanda mo ang sagot mo."

Paano niya ako nagagawang pagbantaan habang nagawa rin niyang pahigain ako sa kama niya? Ang totoo, wala siyang karapatang tanungin ako kung bakit ko piniling sumama sa kanya at iwanan si Gabriel. Pero hindi para kay Jessie ang sagot. Hindi rin para kay Gabriel. Para sa akin.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako sumakay sa likod ni Jessie. Kailangan ko bang isipin...

Nagising ako sa tunog ng lagaslas ng tubig. Bukas ang ilaw sa banyo na sumisilip sa bukas din nitong pinto. Tumigil ang bagsak ng tubig. Tumahimik. Tuluyang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Jessie. Nakasuot na ang boxers niya habang kinukusot ng twalya ang buhok.

Kumilos siya at nag-ayos habang ako ay nagpanggap na natutulog. Pinanood ko siyang magbihis.

Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin. Hindi ko magalaw ang mga mata kong bahagyang bukas para makita siya. Alam kaya nitong lalaking ito na gising ako, o sasakay siya at naniniwala rin siyang hindi lahat ng tao, saradong-sarado ang mga mata kapag tulog.

Braso lang ni Jessie ang nakikita ng isang mata kong kaunti na lang ay tuluyang nakapikit na. Kaunti niya lang ang nakikita ko, pero nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi siya gumagalaw. Naririnig ko ang kanyang paghinga. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, kung may plano na naman ba siya, kung papatayin na niya ako ngayon kaya pinatulog na niya ako sa kama niya.

Hanggang sa humakbang siya. Mas malapit siya sa akin. Lumapit ang braso niya at, nilapat ang kamay sa kama. Naupo siya.

Ang kaninang naririnig ko lang niyang paghinga ay naramdaman kong lumalapit sa pisngi ko.

Kumabog na naman ang dibdib ko.

"Je-Ar! Bilis na," sigaw mula sa baba. 

Si Tito Raul.

Mabilis na tumayo si Jessie. Iniwan ako. Marahan siyang naglakad palabras at tahimik na isinara ang pinto.

Anu yun? Anung nangyari? Anung...

Hindi ko alam kung bakit antok na antok ako at nakakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising ako na medyo mataas na ang sikat ng araw. 

Sabado naman, walang pasok. Tapos na ang finals. Magsisimula na ang bakasyon.

Gusto kong isiping ang mga nangyari kagabi ay panaginip lang, pero nandito ako sa malambot na kama. Ayokong tumayo sa mahabang panahon mula dito. Ito ang pinakamagandang bahagi ng panaginip.

 At ang paglapit ni Jessie sa akin habang nasa kama niya ako. Oo nga, anu na nga ulit ang nangyari?

"Alex," sigaw ni Mama.

"Ma, walang pasok, natutulog pa ako" sigaw ko pabalik.

"Huwag mo akong lokohin," sigaw ni Mama. "Wala kang powers na magsalita nang tulog. Bumaba ka na dito, may bisita ka."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now