The One Thing Uncertain

17.4K 520 29
                                    

CHAPTER 2

"Yung dadaanan natin, hindi ito yung usual way, ngayon lang ito kasi susunduin pa natin si Gabriel, mamaya ituturo ko yung mga sakayan," paliwanag ni Kuya habang sinususi ko ang bahay. Hindi ko talaga naintindihan dahil huminto na ang utak ko sa linyang "...susunduin pa natin si Gabriel."

Nakangiti lang ako nang kunin ni kuya ang pansin ko.

"Huy, sigurado ka na ba sa suot mo?" tanong ni Kuya sa akin. 

White shirt at maong pants na nasisira na sa kalumaan lang kasi ang suot ko.

Tumango lang ako. Hindi nagbago ng tingin si Kuya.

"Suot ko ito nung entrance exam, mukhang swerte."

Parang kailangan ko lang magpaliwanag kaya nagdahilan ako. Ang totoo, kung si Gabriel nga ang boses na iyun, at ang boses na iyun ang lalaki sa panaginip ko, na naghatid sa akin sa subdivision, dapat makilala niya akong muli, kaya't kahit nasira na ang pants, ito na ang isinuot ko.

Papalabas na kami ng bahay nang may taxi na huminto sa tapat. Si Mama, bumaba. Narinig ko pa siyang kausap ang driver.

"Manong, hintay lang, may kukunin lang ako..." Humarap sa amin si Mama bago pumaling ang tingin sa pulang kotseng nakapark sa tapat ng bahay. Nagbayad sa taxi driver. "Ay hindi manong, ito na, sige na, alis na. Babu!"

Naglakad si Mama patungo sa amin ni Kuya. Bumeso kay Kuya. "Alex, first day, ano ba yang suot mo? Magpalit ka nga! Samahan mo yang kapatid mo, Alabet!"

"Okay lang po yan sa school!"

"Sigurado ka? Baka sabihin ng tatay mo, hindi ko binibili ng damit yang kapatid mo, naku," nguynguy ni Mama.

"Ako na pong bahala kay Daddy," sabi ni Kuya. Buti na lang, naipagtanggol ako ni Kuya. Hindi talaga papayag si Mama na mukha akong napabayaan.

"Okay, sige. Tama. Basta ijaw na bahala ha. Maganda 'yan. At ang mas maganda, hintayin na rin ninyo ako, at naiwan ko lang ang birth certificate nitong si Alex. Kailangan for benefits..."

Pa-fade out na sa pandinig ko ang mga sinasabi ni Mama, at ilang sandal lang ay pu-fade in na ulit.

"...Kumusta naman ang mommy't daddy mo? Ha Alabet?"

"Okay naman po" sagot ni Kuya habang nagte-text.

At tuloy pa rin ang usap nila hanggang sa kotse. Sa harap na ako sumakay. Habang sa likod si mama. Nagsuot na ako ng headphone. Ang headphone na regalo ni Mama sa akin nung graduation. Ang headphone na music on, world off. Pero tinitingnan ko ang mga dinadaanan ni Kuya.

Nang bumaba na si Mama ay hinila ni Kuya ang headphone ko. Kanina pa pala siya nagsasalita at hindi ko naririnig. "Ang sabi ko, anong masasabi mo dun sa Raul? Okay naman ba? Simpogi ba ni Daddy?"

"Sinong Raul?"

"Ah okay, na-shut off mo talaga ang mundo sa headphone mo, ah."

"Sinong Raul?"

"Wala, tanong mo na lang sa mama mo. Sya nga pala, dederetso ako sa Rep, sa likod lang naman yun ng theatre, yung mga blockmates mo, malamang nasa harapan, lakad ka na lang, kung hindi naman nakakahiya sa'yo."

"Hindi na tayo dadaan kay Gabriel?"

"HIndi na. Pinauna ko na. Out of the way. Eh, nakakahiya naman sa mama mo, minsan lang mag-request yun. Atsaka malapit lang dito si Gabriel. Baka nga nandyan na yun, pa-spoil lang sa akin."

Nakarating kami sa campus, nag-park. Medyo mahaba ang lakad at mga sinasabi ni kuya pero ang nasa utak ko lang, "Mama, isa kang malaking abala!"

Hanggang sa makita namin ang mga orgmates niya sa Rep. Nagre-rehearse na nga sila para sa presentation sa orientation. Sino kaya dito ang Gabriel? Nandito na kaya siya? Walang pamilyar na mukha. Hay, baka naman ibang Gabriel itong bestfriend ni kuya sa bestfriend ko sa panaginip ko. Move on na.

Oh Boy! I Love You!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें