The One Who Must Have A Name

22.6K 553 27
                                    

CHAPTER 1

Sixteen lang ako. Lalaki ako. Maling mali itong nakadikit ang mga labi ko sa labi ng lalaking ito. Hindi ko nga alam ang pangalan nito. Pero ang lambot ng mga labing ito. At ang ritmo ng galaw ay sumasabay sa tibok ng puso ko. 

Galing malamang sa mga pari ang idea na mali ang ganitong gawain, kasi kung mararanasan nila ito, marahil ay idodoktrina na nila itong gawin ng lahat. At susunod na ang world peace. Siguradong sigurado ako dito. Tulad ng mga nagbabarilan, kung maisip nilang maghalikan na lang nang ganito, ay, mas masarap sa pakiramdam.

Hanggang sa makarinig ako ng barilan. Napadilat ako. Hindi pala barilan ang naririnig ko kundi ang mga katok sa pinto ng kwarto ko. Narinig ko ang boses ni Kuya Albert. Ang kuya kong sa dami-dami ng araw, e bakit ngayon pa naisipang pumunta sa bahay at magsisigaw.

"Alex! Yung alarm mo! Gising na!"

"Gising na ako." Sabi ko habang dini-dismiss ang phone kong nasa baso na mukhang kanina pa nga nag-a-alarm.

Kinuha ko ang journal sa side table ko. Nagkaputukan. Naghalikan kami, ang lambot. Priest should make this their doctrine. Napaisip ako, hindi kami naghalikan. Hay.

Kung ang ibang mga tao nagsusulat sa diary bago matulog, ako pagkagising. Kailangang maisulat ko ang napanaginipan ko, dahil doon ko na lang naisasabuhay ang nangyari sa akin noong entrance exam.  Wala akong planong makalimot, maging sa kanyang hamon. Dahil habang inaalala ko yun, nagiging maayos ang tulog ko, nawawala ang bangungot na gawa ni Jessie.

Pero masasagot ko na ang misteryo ng lalaking tumulong sa akin laban kay Jessie. Natupad ko ang challenge niya. Nakapasa ako. Makukuha ko ang pangalan niya. Apat na taon din akong mag-aaral sa unibersidad niya, malamang, magkakabangga at magkakabangga kami.

"Makakatulog ka lang ulit, kapag hindi ka pa bumangon diyan! Open this door now!" patuloy pa rin ang katok ni Kuya.

Tama naman ang imagination ni Kuya. Nakahiga pa rin ako, pero sana hindi niya nai-imagine ang kahubdan ko. Binalot ko na lang sa bewang ko ang kumot para matakpan ang katawan kong bacon na brief lang ang suot. Mabigat ang mga paa kong papunta sa pinto para pagbuksan ko si kuya.

Yakap ang isinalubong niya sa akin. "College ka na 'tol! Congrats! Excited na?" Nakasando lang si kuya, shorts at rubber shoes. Iniyayabang na naman ang mapipintog niyang mga braso at binti.

"College lang naman to, kuya," tanggi ko na napapahikab pa. "Alas sais pa lang, alas nueve pa pasok ko."

"E nag-aalarm na yung phone mo! 'Tol! Schoolmates na tayo, mababantayan na kita lagi." Nang bumitiw si kuya ay bumitiw din ang pagkakaipit ng kumot ko sa bewang ko.

Nakahubad ako sa harap ng aking nakattandang kapatid. Naapansin ko ng kakaiba niyang ngiti habang nakatitig sa akin.

Hanggang sa hindi siya makatiis, hinawakan niya ang braso ko. Sinuri. Marahan din niyang sinuntok ang dibdib ko. At huli, pinalo niya ang pwet ko at pinisil. Unti-unti, naging tawa ang ngiti niya.

"Palaki ka pa. Hindi pwede sa college na patpatin tulad niyan." Lumabas si kuya ng kwarto at bumaba. "Ligo ka na at papasok na tayo!"

Tumuluy tuloy si kuya sa pagbaba ng hagdan na tumatawa.

Kailangan bang magpalaki kasi college na? Pinagmasdan ko ang katawan ko sa salamin. Anubang nakakatawa dito? Okay na naman ang katawan ko. Wala pa akong abs, parang growing up abs lang ito, yung basic na flat na tiyan sa mga nagbibinatang hindi mataba. Mas okay na ito kesa sa poverty abs, yung abs ng mga tambay na bumabakat na sa gutom.

Pwede na rin itong mga brasong pinalaki ng kapu-push up sa CAT, hindi nga lang sinlaki ng kay kuya, pero pwede na ito. At itong dibdib ko, parang kelangan pang patambukin, parang itong pwet ko. Hindi na rin ako dapat nagsusuot ng nogar na brief. At napansin ko ang nasa loob ng nogar na brief. Tinigasan ako. At naalala ko ang panandaliang paghawak ni Kuya sa pwet ko.

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon