The One With The Safeguard

7.6K 230 66
                                    

    CHAPTER53_

Maganda ang restaurant na pinagdalhan sa amin ni Daddy.

Maraming kainan sa street na ito, pero parang mga naka-graduate na at may trabaho ang nakakapunta dito. May mga anak mayaman akong schoolmates na umiingles ang nakikita ko, pero yung mga katulad ko, siguro, isang linggong walang lunch para makadinner lang sa lugar na ito.

Isa na lang iyun sa mga iniisip ko para magtagal pa kasama ni Daddy. May free treat, check sa bucket list.

Bukod pa iyun sa wala akong magagawa, kasama ko si Mama, at gusto ni Mama na kumain kaming tatlo. Magpanggap kaming isang buong pamilya. Sumakay na lang ako. For the first time, kakain kaming sabay-sabay. Parang normal na pamilya.

Carbonara ang order ko, si Mama naman, salad lang. Kasama ang diet sa #BalikAlindogProgram niya. Si Daddy, steak.

Parang magandang bahay lang ang restaurant. Maganda ang tiles sa sahig. Walang patterns pero ang kukulay. Kabaliktaran naman ito ng puting walls na may mga guhit lang in black and white. Dahil siguro walang pasok, mga pamilya ang kasama naming kumakain.

Ako si Mama at si Daddy, katulad ng mga kumakain sa ibang mesa. Pamilya rin kami ngayon. Itong munting restaurant na ito ang aming bahay.

Nang matapos ang pagkain namin, kinuha ni Daddy ang phone niya. Nagtext bago nagkaroon ng mga payo sa akin. Medyo may kahabaan din. Nakabayad na kami ng bill, pero nakaupo pa rin kami, nakikinig sa kanya. Gusto ko naman ang mga sinasabi ni Daddy.

Nakayanan kong hindi umiyak. Pero tinanggap ko ang lahat ng sinabi niya.

"Yung nangyari sa amin ng Mama mo, sa'min iyun hindi ka damay," sabi ni Daddy. "Kung may nabago man sa relasyon natin, sa ating dalawa, wala. Mananatili kang anak ko, at mahal na mahal kita."

Tumango lang ako at ngumiti kay Daddy.

Ito ang tunay na dahilan kung bakit ako sumama. Hindi mawala sa isip ko ang pagsapak ni Daddy kay Mang Raul. Ang laki ni Mang Raul, eh si Daddy, mukha lang matangkad dahil lean ang katawan niya, pero kaunti lang ang taas niya sa akin. Kahit pala binabastos ko si Daddy sa mahabang panahon, pagtatanggol pa rin niya ako.

Kahit alam niyang bakla na ako.

Mas mapalad ako, na kahit anak ako sa ibang babae ni Daddy, tanggap niya ako.

Mas mapalad ako kay Jessie.

Natapos ang mga muni-muni ko nang tumunog ang telepono ni Daddy. Nagyaya na siyang umalis. Tumayo kaming sabay-sabay.

May kotseng huminto sa amin. Si Kuya Albert ang nagmamaneho. Lumabas sa unahan ng kotse ang nanay niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Ngayon ko lang ulit sya nakita. Maganda siya at maayos manamit. Kung si Mama ay naka skinny jeans at simpleng blouse, ang tunay na asawa ni Daddy ay naka-dress. Ngumiti siya sa amin.

Siniko ako ni Mama at bumulong.

"Naku, nandyan pala si Regina," sabi ni Mama. "Magmano ka."

Nagmano naman ako.

Ngumiti naman si Tita Regina.

"Ito na ba si Miguel mo?" sabi ng nanay ni Kuya Albert. "Ang umagaw ng pangalan ng asawa ko para sa anak ko."

"Ewan ko sa'yo, Regi," sabi ni Mama. "Kung gusto mo talaga yang pangalan ni Miguel sa anak mo, sana, pinangalan mo kay Albert."

Napatingin ako kay Daddy. Nakangiti. Natutuwa ba siya na pinag-aawayan siya ng dalawang babae?

Lumapit si Tita Regina kay Mama.

Bumeso.

"Mukhang takot ka na talagang maipagpalit nitong si Miguel, no," sabi ni Mama. "Paganda ka nang paganda. Hindi ka tumatanda, anung sikreto mo?"

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now