The One With Four Days

8.2K 222 56
                                    

CHAPTER57 

Ano na naman kaya ang nakita ni Gabriel?

Last time na hindi siya nagparamdam, nakita niya kaming kumakain ng burger ni Jessie. Ngayon, wala naman akong ginagawa. O baka naman masyadong stressful ang thesis niya. Siguro, kailangan ko muna talaga siyang hindi guluhin para maka-focus sa acads niya. Pero isang text lang naman.

Iyan ang mga iniisip ko kagabi, na-text ko na lahat kay Gabriel, wala namang reply. Kaya ito, pagkagising ko, minumuni-muni ko pa rin. Wala pa rin kasing paramdam. Ano bang problema niya?

Magte-text pa sana ako ng isa pa, nang maamoy ko ang niluluto. Nasa bahay pa si Mama, sigurado ako. Siya lang may kakayanang gumawa nang ganung kabangong lutuin. At amoy iyun ng paborito ko.

Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Hilamos, toothbrush, hindi na ako nagpalit ng sando. Hindi na rin ako nag-contact lense. Salamin na lang muna. Bumaba ako at pumunta sa kusina.

Pero wala si Mama.

Sa dining area ko nakita ang pinanggagalingan ng masarap na amoy. At ang naghahain, si Jessie.

"Tatawagin sana kita pag-prepared na ang lunch," sabi ni Jessie.

Tumingin ako sa phone ko. Alas-onse na nga. Tanghalian na.

"Si Mama?" hanap ko.

"With Papa," sabi ni Jessie. "May pinaayos lang."

Pagkalapag ni Jessie ng ulam. Ngumiti siya at tumingin siya sa akin.

"Favorite mo ito di'ba?" sabi ni Jessie. "Pickles. Recipe ninyo sa Marikina."

"Oo," sagot ko.

Tinutuloy talaga niya ang one week. Impress naman ako. Pinagluto nya ako ng paborito ko.

"Good morning di'ba?" sabi ni Jessie sa akin. Napansin niya siguro ang ngiti ko. Hindi ito nawala nang tumingin ako sa mga mata niya.

Napangiti din si Jessie.

Lumapit ako. Kumuha ng kutsara sa table. Hindi na ako nag-serving spoon. NIluto naman ito para sa akin. Pwede kong tikman.

Napatingin sa akin si Jessie at nakita niya kung paano ako nasarapan sa ulam. Nadagdagan pa ang ngiti niya. Ibang ngiti pa sa ngiti niya noong nagkatitigan kami. May iba-iba palang level ang ngiti at nakikita ko ito ngayon kay Jessie. May ingingiti pa pala ang ngiting yon. At nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Hindi ko sinadya, parang nag-ibang level din ang ngiti ko.

"Masarap ha," sabi ko.

Natawa na si Jessie.

"Hindi ako nagluto, nito," sabi ni Jessie.

At lumakas pa ang tawa niya nang makitang wala na ang ngiti ko talaga. Basag trip naman ito. Ang sweet na sana ng moment.

"Pero siya ang nag-suggest na iyan ang iluto ko."

Dumating si Mama na naka-abrisiete sa braso ni Tito Raul. Parang tama ang desisyon kong pagbigyan si Mama na bumalik sa mansion. Masaya talaga siya sa piling ni Tito.

"At tinulungan niya ako," tuloy ni Mama. "Sabi ko nga, pang pickles, mas malaki sa menudo, mas maliit sa adobo, ayun, marunong naman siyang maghiwa. Check ka dyan Je-Ar."

"Thanks, Ma," sabi ni Jessie.

"Upo na," sabi ni Tito. "Mas masarap 'yan habang mainit."

Naupo na kami at kumain. Si Tito Raul sa kabisera, sa kanan si Mama, sa kaliwa si Jessie. At ako, napaupo na sa tabi ni Jessie. Hindi na ako nakaikot papunta kay Mama dahil may kalakihan ang mesa.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now