The One With the Love

12.2K 391 62
                                    

CHAPTER 10

"Hindi ko rin alam ang baffled anak, pero ito nga siguro yun."

Matagal tagal ding nakayakap sa akin si Mama. Tapos mas humigpit pa ang yakap niya, tapos humalik sa noo ko bago niya ako bitawan.

Kaya kong ikwento kay Mama ang nangyari sa amin ni Gabriel. Oo, alam ko, pinoproblema ko ito. At mula pa nang iwan ako ni Gabriel sa bahay para mag-isip e wala akong nagawa kundi sundin siya. Ang totoo, kahit hindi niya sabihin, mag-iisip talaga ako. Saan ba papunta ang mga pangyayaring ito? Ginulo niya ako. Pero hindi tulad nang panggugulo ni Jessie. 

Nararamdaman ko na isa itong magandang problema. Gusto ko ang nagaganap na pag-iisip na ito, at kaya ko itong ihingi ng tulong kay Mama, dahil matapos ako, siya ang pinakamaaapektuhan ng magiging desisyon ko. Well, pagkatapos pa pala ni Gabriel. So ang effect ng desisyon ko ay una ako, tapos si gabriel, tapos si Mama na. Kailangan niyang malaman ito.

Hindi ko lang inaasahan ang reaksyon ni Mama.

"Sabi ko na nga ba, eh! Sabi ko na," paulit-ulit na sabi ni mama. "Dapat talaga, pagkabalik ng alindog ko, naghanap na dapat ako ng bago mong tatay."

Umupo na ako pagkabitaw ni Mama. Tapos nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.

"Ma, hindi ka naman nagkulang, okay ka naman," sagot ko.

"Syempre naman! Alam ko 'yun! Pero tingnan mo ngayon ang problema mo. Hindi naman siguro ikaw matutuluyan kung may tatay kang laging gumagabay sa iyo. 'Yung sasapak sa iyo 'pag lumalambot ka. Pero nandyan na 'yan. Ano pa bang magagawa natin?"

"Talaga, Ma," tanong ko. "Papayagan mo akong saktan ng iba?"

"Alex, kung ikabubuti mo, bakit hindi," depensa ni Mama. "Ano ba naman yang masapak ka ng isang beses, kung kapalit naman e hindi kita makikita nasasaktan ng mga tambay dyan habang tinutuksong bakla, bakla, bakla?! Aba, sabi nung baklang officemate ko, mas okay na daw yung binugbog na lang siya kesa araw-araw naman, sa bahay, sa eskwelahan, at ngayon, kahit sa opisina nahuhusgahan siya dahil bakla siya. Mas masakit daw yun."

"Hindi mo naman ako sasaktan ng ganun dito sa bahay di'ba?" nalungkot kong tanong kay Mama.

"Hindi ko pa sure," sagot ni Mama.

"Ma?"

"Joke lang, ito parang tanga," lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Syempre, nag-iisa kitang anak. Kung baga sa mga calls ko, scripted na ako na mahalin ka at tanggapin ka kung ano ka pa man. Kung hindi ko susundin yun, baka matanggal ako sa trabaho. Baka itakwil mo ako bilang nanay mo."

"Ibig sabihin, sinusunod mo lang ang dikta ng society, na mahalin ako para masabing magaling kang ina?"

"Oo, anak! Sige, isipin mo ang gusto mong isipin," nagtaray ng kaunti si Mama.

"Ma?"

"Joke lang, syempre mahal kita, may society o wala," sabi ni mama. "Nguynguy-nguynguy ka pa diyan."

Nagyakap lang kami ni mama.

Tapos nagsalita ulit ako.

"Ma, kung hindi ba ako nag-iisang anak, ganyan ka pa rin?"

"Hindi, mas mahal ko yung kapatid mo, kasi ayoko sa bakla, galit ako sa bakla, malas sa pamilya, salot sa lipunan, peste sa pananim."

"Ma?"

"E ikaw, e okay na, love na love ka na, puro ka pa pa-confirm."

Nagtawanan muna kami, bago ako sumingit.

"Pero ma, hindi pa ako ano, ah," paalala ko.

Hindi ko lang alam kung sinasabi ko ito kay mama o sa sarili ko. Parang paalala ko na rin sa sarili ko.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now