The One with the Plan

7.9K 245 64
                                    

CHAPTER 40

Ito ba talaga ang binalikan ko?

Naalala ko ang lahat. Sa aking pagpapaubaya, sa aking pagpikit, bumalik ang ilang mahahalagang sandali sa falls. Ang mga naisip ko bago ako magpumiglas kay Jessie noong gabing 'yun.

Paano naging ganito kalambot ang labi ng isang matigas na nilalang na tulad ni Jessie.

At sa pagbalik ko sa nagaganap, pagdilat ko ng aking mga mata, nakita ko ang mukha ng lalaking nakapatong sa akin. Nakapikit, dinadama ang bawat dampi ng labi niya sa akin. Para ring may kinabisado ng galaw ang kanyang dilang malaya kong pinapapasok sa aking bibig.

Gusto ko ang ginagawa ni Jessie sa akin. Gusto ko ang ginagawa namin. Ang pagbitaw niya sa braso kong kanina lang ay ginagapos ng kanyang bigat hanggang sa paggapang ng kanyang kamay sa aking katawan.

Iniangat niya ang aking damit. Itinaas ko ang aking kamay para matanggal niya ang t-shirt ko. Hinayaan na lang niya ako nang makita niyang kusa na akong naghuhubad. Pumunta naman siya sa aking pantalon. Nang shorts ko na lang ang suot ko, muli siyang pumatong sa akin.

Muli kaming nagpalitan ng halik. Nagsimula na rin ang paglalakbay ng kamay ko sa katawan ni Jessie. Malaman, matigas, mapintog, malaki. Nagustuhan niya ang ginawa ko dahil napahalinghing siya kasabay ng kanyang halik.

Mula sa bibig, tumungo siya sa aking leeg.

"Matagal ko na itong gustong gawin, Alex," sabi ni Jessie.

Alam ko. Doon pa lamang sa falls, naisip ko na. Pero hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.

Marahas ang kanyang mga pagsipsip sa aking balat. At ang haplos niya sa akin ay humihigpit, iniipit ako ng kanyang yakap. Damang dama ko ang gigil ni Jessie.

"Gusto mo ba 'to?" tanong ni Jessie.

At dito bumalik ang aking katinuan. Hindi ko gusto ito. Panandalian akong na-guilty. Bumigay na naman ang aking katawan. Pero wala akong panahon makonsensya. Magagamit ko ang pagkakataong ito. Para ito kay Gabriel. Para ito sa akin at kay Gabriel. At sana, hindi napansin ni Jessie na nasakop na ng puso ko ang tawag ng aking katawan.

Nakatitig si Jessie sa akin. Puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata. Tama ako. Gusto ako ni Jessie.

Ito ang binalikan ko. Ito ang kasagutan. At hindi ko alam kung saan galing ang kakayanan kong mag-isip nang ganitong mga bagay, pero gusto ko ang naiisip ko.

"Marami ka nang nagawa sa akin na hindi ko gusto, Jessie," sagot ko.

Napatigil si Jessie. Tumayo siya. Hindi ko pinakita pero napangiti ako. Tumayo na rin ako.

"Bakit ka natigilan?" tanong ko. "Binibigyan mo na ba ako ng karapatang pigilan ka?"

Hindi nagsalita si Jessie.

Tumayo na rin ako. Kinuha ko ang mga gamit kong hinubad. At sa pagtayo ko, nakita ko si Tito Raul, nakapantulog pa, papalapit sa amin, hindi ko maipaliwanag ang kanyang mukha.

Nakita niya kaya kami?

Kinabahan ako.

Nawala ito nang marinig ko ang splash mula sa pool. Nag dive si Jessie.

"Wanna join us, Dad?" sigaw ni Jessie sa kanyang ama.

Ibinaba ko ang mga damit ko sa upuan sa gilid ng pool. Sumakay ako sa naiisip ni Jessie.

"Good morning, Tito," bati ko.

Tumalon din ako sa pool.

Napangiti si Tito Raul.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now