The One With His Sweet Smile

9.9K 312 28
                                    

CHAPTER 18

Malayu-layo na ang nalakad ko. Nakarating ako sa gate ng subdivision. Doon nasira ang moment ko. Habang tinatanong ko ang mundo at si god: Bakit kailangang maging ganito kahirap ang buhay ko? Bakit wala naman ako sa isang teleserye, pero may kontrabidang namamayagpag sa bawat araw na ginigisingan ko? Bakit...

"Bakit ka lalabas?" tanong sa akin ng guard.

"Ha?" tanong ko.

"Anung pangalan mo?" sagot ng guard sa tanong kong sagot sa tanong niya.

"Ha?" tanong ko ulit.

Nagtatanungan kami pero walang may gustong sumagot. 

"Sino ka, saan ka galing?" nakukulitan na ang guard sa akin.

Nasa loob nga pala ako ng isang exclusive subdivision. Ang mga aliping namamahay ay kailangan ng permiso ng kanilang amo para makalabas.

"Alex," sagot ko. "Galing ako kina Tito Raul... Reyes."

Nagsimula nang manghusga ang mga mata ng guard. Nakatitig siya nang matagal sa akin bago siya bumalik sa guard house at magdial ng telepono.

Lumilipad pa ang utak ko nang magsalita ang guard.

"Sorry po sir," nag-iba ang tono ng guard. "Safety lang po. Alam naman po ninyo, baka manakawan kayo, kung hindi namin tatanungin..."

"Sige po, walang problema," sagot ko at muli na akong naglakad papalabas ng subdivision.

"Welcome po sa bago ninyong bahay!" pahabol na pagbati ng guard na para sa akin ay isang pagbabanta.

Muling umukilkil sa utak ko ang mga kaganapan. Bakit hindi ko nalaman ito bago pa man ako pumayag na lumipat ng bahay na hindi ko kinikilala ang lilipatan.

Sumabay ang lakad ng paa ko sa pag-iisip at hindi ko namalayan, nakasakay na ako sa jeep. Naglalakad ang paa ko, lumilipad ang isip ko. Kay Kuya, hihingi ako ng tulong kay Kuya. Kailangan ko lang naman nang masasabihan, siguro, gagaan ang loob ko kung may masasabihan ako.

Nagmadali akong bumaba sa jeep na hindi ko alam kung saan papunta dahil alam ko na kung saan ako tutungo. Magsasabi na ako kay Kuya Albert.

Nag-ring ang telepono ko habang naghihintay ng sasakyan. Si Mama.

"Alex," sabi ni Mama. "Nasaan ka na? Nakita ka na pala ng anak ni Tito Raul mo kanina, hindi ka pa sumabay. Umuwi ka nga muna."

"Ma, pupunta lang muna ako kay Kuya," paalam ko.

"Mamaya na si Albert," sabi ni Mama. "Umuwi ka muna ditto, itong bagong kapatid mo muna ang kilalanin mo."

Bagong kapatid. Iyun, wala ng ibang pumasok sa utak ko sa mga sumunod na sinabi ni Mama. Bagong kapatid.

 -------

Nakatitig lang ako sa shadow of the valley of death. Papasok ba ako sa mga gate na ito? Oo. Kasi si mama ang bumulaga sa pinto at nakita akong nakatulala.

"Pumasok ka na nga dito?!" mahinang sigaw ni mama na halatang naiirita.

Dumeretso si Mama sa loob. Sumunod na ako. Isang katulong ang nagsara ng pinto nang nasa loob na ako ng bahay. Sumunod ako kay mama na nawala na sa aking paningin. Itinuro ng katulong ang dining area.

Inabutan ko sina Mama na humahalik kay Tito Raul. Napakasaya ni Mama. Hindi ko alam kung anong magic mayroon si Tito Raul at ngayon ko lang nakita ni Mama na ganito kaligaya. SImpleng kainan lang pero hindi mawala ang ningning ng kanyang mga mata.

Kung anumang magic iyun, iyun din siguro ang magic ni Jessie na kahit tayo pa lang ay napapanginig na ang katawan ko. Iyun mismo ang nararamdaman ko, dahil kasama sa ngitian nina Mama at Tito Raul si Jessie na sumusubo rin ng pagkain.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now