The One With the Sleep Over

11.7K 320 17
                                    

CHAPTER 14

Ting. Ground floor. Door closing.

Kaming dalawa lang ni Gabriel ang sumakay. Magkatabi kami sa isang sulok ng elevator na kasya naman ang mga labinlimang tao. Sa peripheral ko, sinilip ko si Gabriel. Nakikita ko siyang nakangiti. May ibig sabihin. 

Naramdaman ko rin ang mga daliri niyang dumidikit sa aking kamay. Napangiti na din ako. Binuka ko ang mga daliri ko, at inilagay ni Gabriel ang mga daliri niya sa pagitan ng mga akin. Nagsayaw ang aming magkatalikod na mga  kamay.

Ting. 3rd floor. Door Opening.

May pumasok na batang lalaki na nakita ang laro ng aming mga daliri. Napangiti ang bata. Nakita rin ng nanay nito ang ginagawa ng kamay namin. Hindi natuwa ang nanay. Kinuha ang anak niya at inilagay sa harap niya, malayo sa amin.

Nakaramdam ako ng hiya. Inalis ko ang kamay ko mula kay Gabriel at humalukipkip muna ako.

Hindi nagustuhan ni Gabriel ang ginawa ko. Alam ko. Naramdaman ko. May panlalaban siya sa pagkuha ko ng kamay ko.

Ting. 4th floor. Door Opening.

Bumaba ang mag-ina.

Ibinaba ko rin ang aking kamay. Pero magkakuyom ang mga kamay ni Gabriel sa kanyang harapan.

Tinapik ko ang gilid niya. Tumingin lang siya. Tinapik ko ulit. At iyun, ibinaba na niya ang kamay niya. Nagdikit ulit ang aming mga daliri. Magkatalikod pa rin. Hanggang sa biglang inalis ni Gabriel ang kamay niya. Inikot sa kamay ko, at hinawakan.

Kaming dalawa lang sa elevator. HHSE. Holding Hands Sa Elevator.

Ting. 5th  floor. Door Opening.

Bago pa tuluyang bumukas ang elevator ay inalis ko ang kamay ko sa kamay ni Gabriel. Gusto ko pa syang hawakan, pero parang instinct ang pagbitaw ko. Hindi na naman naghabol so Gabriel
Hinayaan lang niya ako.

"It's okay," sabi niya.

Ngumiti lang ako. Hindi ko pa kaya ang mga mata ng makakakita.

Bumukas ang elevator totally at tinahak na namin ni Gabriel ang pasilyo papunta sa unit ni Kuya. 5S. Kumatok si Gabriel at si Kuya ang nagbukas. Ayos na si Kuya Albert. Naka-Boxer shorts at sando na.

Pagpasok ng pinto, sa kanan ay ang banyo. Sa kaliwa naman ay kusina. Katapat ng kusina ang dining area at sa tabi nito ay ang salas. May isang three seater sofa na nakaharap sa TV, at isang ottoman. May center table din sa pagitan ng sofa at ng flatscreen TV. Sa likod ng TV ay may pinto papunta sa kwarto. Bakante ang kwartong iyun, studio ni kuya para sa kanyang mga paintings, readings, at kung anumang trip niya. Sa katabing kwarto noon ang kwarto ni Kuya.

Maayos na ang kwarto ni Kuya Albert nang dumating kami. Sa kama ay may dalawang unan at isang kumot. Sa sahig naman ay may nakalatag na kutson. May comforter na nakabalot. May kumot na nakatupi sa tabi at apat na unan.

"Mga gamit ni Gabriel yan," sabi ni Kuya. "Mahilig kasi siya sa unan kaya siya na ang nagdala ng sarili niya."

Bihis na si kuya para matulog. Samantalang kami naman ni Gabriel ay suot pa rin ang mga pinampasok namin sa school. Parehas kaming naka t-shirt. Ako, naka walking shorts, siya naka pants. Nagpaiwan muna si Kuya para ayusin ang aircon. Paglabas namin ng kwarto ay nagtanong ako kay Gabriel.

"Madalas ka ba matulog dito kina kuya?"

"Yuh," sagot ni Gabriel. "When we were too drunk to go home, dito na ako natutulog."

Dumeretso kami sa salas at naupo. Magkatabi. Hindi ako umiimik. Pag nalalasing sila, dito sila natutulog. Hindi naman siguro...

At parang nabasa ni Gabriel ang iniisip ko.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now