The One Where His Hope Starts

12.9K 403 54
                                    

CHAPTER 12

Nakuha ko ang last slot. Swimming na ang PE ko.

"Coach, ito na po ang trunks," sabi ko sa kanya na humahangos pa.

Matapos ko kasing halikan si Gabriel, agad akong tumakbo papunta sa pool area. Ang totoo, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyun. Mabilis na halik lang. Idinampi ko lang ang labi ko sa labi niya. Tapos nanlaki ang mga mata niya. Nanlaki rin ang mga mata ko. Tapos, binawi ko na ang pagkakalapit ng mga mukha namin.

Para hindi na ako magpaliwanag, agad akong tumalikod at tumakbo.

Nagpaalam naman ako. "Sige na, papasok na ako, punta ka na ulit sa class mo," at kung anu ano pa pero di ko siya nilingon. Nahiya ako sa ginawa ko.

Nakatingin lang sa akin si coach habang ipinapakita ko sa kanya ang trunks na hawak ko.

"Sir ito na po yung trunks," ulit ko.

"Anong gagawin natin diyan sa trunks?" tanong niya.

"Sorry po," tumalikod ako at naglakad papunta sa shower area.

Oo nga pala, uniform pala ang trunks, bakit ko naman winagayway sa mukha ni coach.

Habang naglalakad, naalala ko, nandun pa kaya si Gabriel? Anung mukha ang ihaharap ko sa kanya. Hinalikan ko si siya. Nakakahiya.

Malalim ang paghinga ko habang pabalik sa shower area. Sana wala na si Gabriel. Hanggang sa makarating ako sa loob. Wala akong nakitang ni anino. Yes! Ligtas. Lumuwag ang paghinga ko.

Naghubad ako ng damit, tinanggal ko na rin ang brief ko dahil wala akong isusuot pabalik. Ayoko namang umuwing walang underwear. Pero naku, wala akong twalya.

"I left the towel in the car," si Gabriel sabay hagis sa akin ng twalya.

Tumalikod ako at sinalo ang twalya. Gaano katagal na siya sa likod ko? Nakita niya ba akong naghuhubad?

"Salamat," sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

Lumapit si Gabriel. Nakangiti. Ngumiti rina ko. Alam kong may mali sa mga ngiti ko. Alam kong nababasa niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko.

"You don't have to explain anything," sabi niya. "Yet."

"Sorry," sabi ko.

Pinanood na lang ako ni Gabriel na maglakad pabalik sa pool.

Hinintay ako ni Gabriel buong swimming class. Nakita ko siya sa bleachers na pinapanood kung paanong mula sa parang aso, natuto agad ako ng proper freestyle. Hindi naman perfect, pero pwede ko na raw praktisin, sabi ni coach.

Mula langoy aso, nagmukha akong basang pusa na hiyang hiya sa naghihintay na si Gabriel.

"Hintayin mo ba ako," sabi ko kay Gabriel with the hopes na hindi.

"Of course," sabi ni Gabriel.

Kaya naman habang nagbabanlaw at nagbibihis, naisip ko na kung gaano ka-awkward ang magiging byahe namin.

Mga sampung minuto na rin siyang nagmamaneho at pareho kaming walang imik sa loob ng kotse. Nangingiti-ngiti siya. Alam kong alam niya na nahihiya ako sa kanya.

Napatigil kami sa isang intersection.

"Look at the stoplight," sabi ni Gabriel.

"Okay. Bakit?" tanong ko.

"Mas mapula ka pa dun," at tumawa si Gabriel.

Nag-init ang pisngi ko na mukhang lalong namula. Nakatingin pa rin sa akin si Gabriel. Napapikit na lang ako. Pwede na lang ba akong matunaw. Bakit ko pa ba kasi tinanggap na sumabay ako sa kanya pauwi?

Oh Boy! I Love You!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang