The One In Jessie's House

10.2K 324 15
                                    

CHAPTER 17

Matagal akong natulala. Alam ko iyun dahil lumapit si mama sa akin at nagtanong kung okay lang ako. Doon lang ako nahimasmasan. Kaya lang, doon ko naramdaman ang sikip ng paligid, para akong iniipit, sinasakal. Hindi ako makahinga. Lahat ng bagay sa kwartong ito, nahawakan ni Jessie. At wala akong magagawa kundi mapalibutan ng mga bagay nap ag-aari niya. Pag-aari ng lalaking pinaka... pinakakinatatakutan ko. Sabihin ko mang galit ako sa kanya, o kung anomang emosyon, pero hindi ko maitatago sa sarili ko ang katotohanan. Natatakot ako sa kanya.

"Tito Raul, excuse po muna," gusto kong lumabas.

Akala niya siguro ay naghahanap ako ng banyo. Tinuro niya ang CR sa kwarto.

Hindi pwede. Mas masikip iyun. Naalala ko ang pagharang sa akin ni Jessie sa CR sa school, ang pagsandal niya sa akin sa pader sa locker area sa swimming pool. Hindi pa nga ang sakit ang natatandaan ko, kundi ang kaba ko sa pagtitig ng kanyang mga mata. Ang mga nanlilisik niyang mga matang hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit.

"Sige po, sa labas na lang muna ako," paalam ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Mama.

"May naiwan naalala ako, may bilin si Kuya," palusot ko. "Sige po."

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Ngunit ang bawat daanan ko, ang bawat paghakbang ko sa hagdan, maging ang malaking salas hanggang sa malaking pinto palabas ng bakuran ay parang lumiliit sa aking bawat tapak. Bawat lingon ko ay lumaapit sa akin ang mga pader at nararamdaman ko ang bigat ni Jessie, ang higpit ng kanyang mga kapit sa akin. Nahihirapan akong huminga.

Hanggang sa makarating ako sa bakuran, papalabas sa kanilang gate, hanggang sa kalsada. Doon ako napayuko, napahawak sa aking tuhod at nakaisang napakalalim na paghinga. Dahan dahan kong nilingon ang bahay.

Bakit dito pa?

Nag-ring ang telepono ko. Mula sa bulsa, kinuha ko at binasa. Si Gabriel. Bumilis ang paghinga ko sa tuwa. Alisin mo ako Gabriel sa lugar na ito, balikan mo ako dito sa Maynila.

"Hello," mabilis kong sagot.

Wala akong narinig na salita. Narinig ko lang ang mga pagsinghot niya at ilang mga paglabas ng hangin sa kanyang bibig.

"Hello, Gab, okay ka lang?" tanong ko ulit.

Umiiyak si Gabriel.

"Alex, wala na si Lola," sabi ni Gabriel. "Wala na talaga siya."

Hindi ko talaga marinig ang mga sinasabi niya, pero naiintindihan ko. Siguro dahil nasasagabalan ng pag-iyak niya ang kanyang pagsasalita. O dahil nasasagabalan ng aking pagdinig ng sarili kong iniisip.

Ilang araw na niyang alam na wala na ang lola niya. Pero parang ngayon lang nag-sink in sa kanya. Umiyak lang siya nang umiyak at nagkwento tungkol sa lola niya. Kung gaano sila ka-close. Kung paanong sa Baguio, habang busy ang parents niya sa pahta-trabaho, e laging nandun ang lola niya para kanya.

SIguro, kaya hindi niya magawang umuwi sa Baguio dahil umaasa siyang nandoon pa talaga ang lola niya, buhay. Kaya pa niya talaga sabihing okay siya kahapon Pero ngayon, nakita na niya ang lola niyang nakahiga sa ilalim ng salamin, walang buhay, wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Wala na si lola niya.

Naging paikut-ikot na lang doon ang mga sinasabi niya. Kailangan niya ito. Kailangan niyang maikwento ang lungkot na nararamdaman niya para mawala sa kanyang sistema. Nakakagaan iyun ng loob.

Ako naman, nagsimula nang makinig na walang naiinintidihan. Sarili ko na ang naisip ko. Paano na ang dinadala ko? Paano ko ito mailalabas kay Gab? Napaka-selfish ko kung makikipagsabayan ako sa problema niya sa pamilya.

Oh Boy! I Love You!Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα