The One Answered Prayer

8.6K 246 41
                                    

CHAPTER 37

"Lord, bigyan po ninyo ako ng tapang."

Parang mali ang dasal ko.

Si mama ang nagturo sa aking magdasal. Sabihin ko daw kay god ang gusto ko. Laruan, paborito kong ulam, madaling exam. Nabibigay naman sila. Nakukuha ko kinabukasan, o ilang araw lang.

Pero hindi ko pa sigurado kung nakarating na ang sagot sa dasal ko. Isang linggo na akong naghihintay dito sa bahay, hindi pala bahay, mansion pero hindi ko pa rin nagagamit yung tapang na hiningi ko. At tuwing may darating na sasakyan, may bubukas na pinto, parang nawawala yung tapang na binigay sa akin.

Isang linggo na pero wala pa rin si Jessie sa bahay na ito. Ang pinaghandaan kong paghaharap namin, hindi pa rin natutuloy. Pero hindi ibig sabihin na wala akong hinaharap.

Kahit na nagpapakahermetanyo na lang ako sa kwarto, hindi ko maiwasang lumabas kung may kumakatok. At bawat katok ay may kasamang kaba. Nandyan na ba siya? Siya na ba ito? Kaya ko na ba talaga siyang harapin.

Toktoktok. Sabi ng pinto.

Jugjugjug. Sabay ng puso ko.

"Sino yan?," tanong ko.

"Tawag po kayo ng mama mo," si Mabel pala.

Kaya't mga tanong muna ni Mama ang nakabangga ko.

"Nag-away ba kayo? First major LQ?" intriga ang salubong sa akin ni Mama.

Umiling ako. Agahan na kami nagkita ni Mama pagkauwi ko. May trabaho kasi siya. Iba na naman ang shift. Ayus din at wala si Tito Raul nun. Wala nga lang din ang anak niya. Nabalewala ang kaba ko.

"Kailangan lang namin siguro magpahinga," sabi ko. "Masyado yata kaming mabilis."

"Ay chinika ako ng anak ko," sabi ni Mama. "Yung totoo, huwag mo akong bigyan ng eklat na paliwanag."

"Yun na nga ma..."

"O sige, nabilisan. Sinong nabilisan, siya o ikaw? Pinalayas ka ba nya, gaga sya, nagbabayad tayo ng renta sa kanya," singit ni Mama nang tuluy-tuloy na salita.

"Ako ang umalis. Ako ang nabilisan."

"Ang junakis ko, kaka-out lang. Nag iinarte na. Ilang buwan na ba kayo?"

"Tatlo? Roughly."

"Ay, papatotoo na pala kasi yan. Requirement na nga ang major away. So, anung pinag-iinarte mo? Bakit ka nabibilisan, may dahilan ba para nagmabagal?"

"Hindi naman sa ganoon..."

"Anu yung ganoon na tinutukoy mong hindi?" parang elevator ang mga kilay ni mama. May hinihintay ba siyang isasagot ko. May tamang sagot ba?

"Ma, ako ang anak mo. Bakit hindi mo ako maintindihan na lang?" isang generic na sagot. Umiwas na lang ako.

"Ikaw ba, naiintindihan mo ang sarili mo?"

Hala. Wala na yata akong kawala. Hindi ako nakasagot. Hindi na lang ako nagsalita.

"Naiintindihan kita. Syempre may dahilan ka. At valid yan. Gusto ko lang na alam mo kung ano ang dahilan mo. Itago mo sa akin yan, i dont ker. Basta wag mo itago sa sarili mo. Hindi lang si Gabriel ang masasaktan. Pati ikaw. Masakit makasakit."

Si mama na ang nagsalita. Siya na ang umintindi sa akin. Kailangan ko siyang pasalamatan.

"Alam ko naman po. May kailangan akong ayusin sa sarili ko, Ma," paliwanag ko. "May tinatakbuhan ako nung pumasok ako sa relasyon. Ngayon, nabalikan ako nunhg tinatakbuhan ko."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now