The One with Those Smiles

14.1K 426 70
                                    

CHAPTER 8

Nagising ako na may tumutuktok sa sahig ko. Si mama, "Alex, bangon na, may bumubusina sa labas, hanap ka!"

Muli akong nag-towel at bumaba para paalisin na si Kuya Albert. Anu na naman at sinusundo ako? Ang aga-agang abala.

Pero nawala ang inis ko nang maamoy ang agahan. Mukhang hindi lamig ang kakainin ko. May nagluto, at pagsilip ko sa kusina, may lalaking labas ang abs na nagluluto. 

Pamilyar ang mukha ng lalaki, hanggang sa lumabas si Mama sa banyo at yumakap sa lalaki, na parang gusto niyang siya na lang ang damit nito.

Doon ko naalala, si Raul pala ito. Yung lalaking dinala niya sa bahay nung nakaraan.

"Good morning Alex," bati nung lalaki.

"Good morning po, Mang Raul."

"No Alex, Tito Raul siya," sabi ni mama sabay halik kay 'Tito' Raul. 

Ganito kasi yan, mahalaga kay mama ang pantawag sa mga lalaki niya.

So Tito level na si Tito Raul. Okay. Naglihim si Mama. Huminga na lang ako nang malalim at nagtaas ng kilay.

Ganito kasi yan, mahalaga kay Mama ang pantawag sa mga lalaki niya. Mr at Mang = Malungkot lang si mama. Boyfriend na matatapos in three month time. Pero pag Tito na. Tito - Masaya na si Mama. Na-picture na niya ang sarili niya sa future kasama ang lalaking ito. 

Kaya naman ibig sabihin, tatlong buwan nang may ganap si Mama na hindi ko alam.

"Ibaba mo na ang kilay mo at baka sumama na yan buhok mo," sabi ni Mama. "Hindi ko na muna pinaalam sa iyo, dahil baka mag-alala ka na naman. Baka mamroblema ka na naman sa lovelife ko. Malaki ka na, mayroon ka nang sarili mong issues na for sure, wit mo rin inispluk sa akin kasi ayaw mo akong mag-isip pa."

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Tito Raul. "Hindi ako tulad ng mga nagpaiyak sa Mama mo."

"Ang sweet di'ba," sabi ni Mama sabay yakap na naman at halik sa bagong boyfriend na parang wala nang planong mag-agahan; kay Tito Raul pa lang, mabubusog na siya.

Ngumiti na lang ako. Aprubado ko na sila. Naglakad na lang ako papunta kay Kuya para sabihing sandali lang. Pero ang in-inhale ko kanina ay nakulong sa baga ko for a while.

"Anak, pakikabit ang panga," biro ni mama nang mapansing nakanganga ako.

"Good morning," bati ni Gabriel.

"Good Morning Tito Gab..." What? Anung nasabi ko? At ano itong suot ko sa harap ni Gabriel. Towel. "Bibihis lang ako."

"Bilisan mo, late na tayo."

Minadali ko na lahat ng ritual ko sa umaga. Ligo. Buhos, shampoo, sabon, facial wash, buhos. Punas. Deo. Brief. Pants. Socks. Shoes. Tshirt. Toothbrush. Pabango. Bag. Baba. Ngiti.

"Let's go!" Yaya ko kay Gabriel.

Ayokong makita ang mga lampungan nina mama at Tito Raul kaya't mabilis kong hinila si Gabriel. Pasok agad kami sa kotse. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Ako iniisip kung ano ba ang nangyayari. Lalo pa nang hinawakan ni Gabriel ang hita ko. Kumalma naman ako, pero may ibang bigat ang pisil niya sa akin.

"I've been keeping you up so late for more than a month now," paliwanag niya. "To make it up to you, hatid na kita sa class mo."

Totoo naman. Mula nang maging FB friends kami, lagi na siyang nagcha-chat sa gabi, at kapag may napagtalunan kami, tatawag na siya para ayusin ang pagtatalo. At pagsolve na, chat ulit. 

Hanggang sa 

Goodnight.

Sweet dreams.

See you tomorrow.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now