The One That Set Them Free

6.9K 250 102
                                    


CHAPTER 47

Walang nagsasalita.

Puro tinginan, pakiramdaman at kaba lang ang nasa paligid. 

Ilang kasambahay na rin ang nagising at nakatayo lang na nanood. Nasa isang gilid lang sila na may sapat na layo sa nagaganap na gulo. Parang sanay na sila sa ganitong mga episodes kung saan hihintayin na lang nilang matapos ang nagaganap para makapagligpit.

Nanatiling nakaharang si Jessie sa pagitan ni Tito Raul at namin ni Gabriel. Iika-ika ang binti niyang humarang sa sipa ng kanyang tatay.

Napansin ko ang takot kay Jessie, sa likod ng kanyang pagtatapang-tapangan. Unti-unti siyang napapaatras habang papalapit sa amin ang tatay niya.

Kahit naman ako ay matatakot. Galit na galit si Tito Raul. papalit-palit ng tingin. kay Jessie, tapos, sa amin ni Gabriel. May kalituhan siya, parang hindi alam kung sino ang uunahing bugbugin, kung kami o ang anak niya. 

Mas pinili niya si Jessie. Lumapit si Tito Raul kay Jessie at hinawakan sa kwelyo, iniangat.

"Ipapahiya mo na naman ako," bulong ni Tito Raul.

Ibinalibag niya si Jessie pabalik sa sahig.

Pero hindi pa tumigil si Tito. Sinundan niya kung saan bumagsak si Jessie. Naglakad siya patungo sa anak. Muling iniangat at inihagis.

Nakita kong takot na takot si Jessie. nasaktan siya sa paghahagis-hagis sa kanya ng tatay. Napapaatras muna siya para makaiwas sa sakit ng katawan. Paatras siyang gumagapang hanggang sa makarating sa gilid ng sofa.

Nakita kong nanliliit si Jessie. Ang liit-liit niya. Dikit na dikit siya sa sofa. Nakabaluktot ang tuhod papalapit sa kanyang katawan. Nakakipkip ang mga balikat at ang mga kamay ay tumutulak pa rin para lalong makalayo sa tatay niya. Ngayon ko lang nakita si Jessie na ganito.

Tinulungan ko si Gabriel na tumayo para makalayo kami sa magtatay. Kumapit sa akin si Gabriel. At hinawakan ang aking kamay. Mahigpit. Nakaramdam ako nang kaunting security sa kanyang hawak, Dama ko rin ang takot niya. Hindi sanay si Gabriel sa mga ganitong gulo, hindi niya alam ang gagawin, pero alam niyang hindi tama ang nangyayari.

"Tama na po," mahinang ni Gabriel.

Napalingon si Tito Raul. Napalingon din si Mama. Nanlaki ang mga mata ni Mama. doon sa mga titig na iyun, umiwas si Tito Raul. Bumalik siya sa kanyang anak.

Nangingiyak si Jessie sa takot. Malalim ang kanyang paghinga. Bawat yabag ng paa ng tatay niya ay naglalagay sa kanyang nang mas malakas na kaba. At ang kaba ay nagkaroon ng tunog. May hikbi na ang iyak ni Jessie. Hindi noon napigilan ang paglapit ng ama. 

"Raul tama na yan!" sigaw ni Mama.

Kumilos na si Mama para umawat. Nakuha niya sa tingin si Tito, sinubukan naman niya ang umaksyon. Pero napatigil si Mama nang huminto si Tito at tumingin sa kanya.

"Veron, huwag kang lalapit at baka masaktan ka," mahinahong sabi ni Tito Raul. "Anak ko to, pinatitino ko lang."

HIndi na nakahakbang pa si Mama.

"Pero Raul..." hindi na natapos ni Mama ang sinasabi.

"Veron, hindi kita kayang saktan, alam mo yan," sabi ni Tito. "Pero kapag lumapit ka at pumigil, kapag nasagi kita, hindi ko iyon sinasadya."

"Bakit mo ako sasagiin?" sabi ni Mama na nagmamatapang.

"Dahil hindi ako magpapagil hangga't hindi tumutuwid ang ugali ng batang ito," napatingin na si Tito Raul kay Jessie.

Oh Boy! I Love You!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz