The One With the Camping

8.4K 262 12
                                    

CHAPTER 29

H'wag ka nang mag-alala, 'Nak," sabi ni Mama. "Naayos ko na ang Tito mo bago tayo umalis. If you know what I mean. Naayos."

Idiniin niya ang salitan naayos na kasamang quote-unquote mula sa kanyang mga daliri.

Dumeretso kami ni Mama sa kusina at iniligay ang mga pagkain sa ref. Pinagluto na rin niya si Mama ng hapunan. Hindi niya ako kinausap. Ang huli kong narinig kay Tito Raul ay ang utos niya kay Jessie na sila na ang magbuhat ng mga gamit dahil sila ang lalaki, sila ang malalakas. Syempre marami pa siyang nasabi, pero yun lang ang tumatak sa akin.

Wala naman talaga akong dapat intindihin sa mga kinikilos ni Tito Raul. Hindi pa naman talaga kami nagkakasama nang matagal, kahit si Mama, alam ko, marami pang malalaman sa kanya. Pero ang pagbabago ay laging nag-iiwan ng tanong sa mga nakakaranas. Bakit? At sunud sunod pang bakit.

"May lahing militar ba sina Tito Raul?" tanong ko.

"Ay, stereotype?!" sagot ni Mama. "Basta militar, galit sa beks?"

Natawa kami ni Mama. Pero tahimik lang. Tapos nang mamatay ang tawanan, nagsalita ulit siya.

"Bawal lang sa kanila talaga," sabi niya. "Hindi nila naiintindihan kung bakit may kakaiba, so pinili nilang ayawin na lang. Thus, alamat ng homophobia."

"Hindi ba yung mga may homophobia, sa totoong buhay, homo din?"

"Akala ko din dati. Pero dahil kay Raul. Nabago ang isip ko." napakagat ng labi si Mama. At sa mukha niyang iyun, parang mas naayos siya ni Tito Raul.

Natawa ulit ako pero hindi iyun nagtagal. Narinig ko na ang mga yabag ng paa nina Tito Raul. Lumapit si Mama at pinunasan ang pawis ni Tito.

"Last na ito," sabi ni Tito. "Tumulong ka na Jessie sa paglalagay ng mga yan sa ref."

Mga alak ng mag-ama ang laman ng huling cooler. Iniisa-isa ko nang ilagay ang mga beer sa ref. Binilisan ko na para hindi na kailanganin pa ni Jessie na tumulong. Pero hindi ako ganung kabilis.

Lumapit si Jessie sa akin, sa kabilang bahagi ng cooler. Hindi tumitingin si Jessie sa akin. Kaya't hindi niya namalayan na ang hawak ko na ang huling lata ng beer. Nahawakan niya ang kamay ko.

Hindi pa rin tumingin si Jessie. Pero hindi niya inalis agad ang kamay niya sa kamay ko. Malamig ang beer sa cooler, pero mainit ang hawak ni Jessie. Napatitig ako sa aming mga kamay. Hindi gumagalaw si Jessie. Naramdaman ko ang parang kuryenteng gumapang mula sa kamay niya patungo sa kamy ko, sa braso, hanggang sa kaloob-looban ko.

Mula sa kamay niya, umangat ang paningin ko sa mukha ni Jessie. Hindi naaalis ang pagtingin niya sa loob ng ref. Napabuntong hininga siya, na sa tingin ko ay dahil naramdaman din niya ang kung anong bagay na dumaloy sa katawan ko.

Sa mahabang pagkakataon, ngayon lang ulit niya ako nadikitan. Sa mahabang panahon, ngayon ko lang naramdaman ang kanyang hawak. At hindi ito masakit tulad nang mga una kong ala-ala.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Mahigpit ngunit hindi marahas. At unti-unti. Inalis niya ang kamay. Tumayo. Na siya.

"Punta lang ako sa tass," paalam ni Jessie sa tatay niya.

Adobo ang niluto ni Mama. At iyun ang pinagsaluhan namin. Kahit na nalinis na namin ang dining area, hindi pa rin namin mapigilan ang paminsan-minsang mabahing dahil sa alikabok. Kaya't pagkatapos kumain ay lumabas agad kami.

"Dad, mag camp out na lang kami ni Alex," paalam ni Jessie. "Masyadong maalikabok. Baka bumalik ang hika ko. You wouldn't want that."

Binanggit ni Jessie ang pangalan ko. May kakaiba. Hindi ako sanay. Hindi pasigaw. Malumanay. Parang bago ang pangalan ko sa kanyang bibig. Parang bago rin sa aking pandinig. Pero may kasamang kami sa pangungusap na iyun. Hindi yun maaaring manggaling sa bibig ni Jessie. 'kami ni Alex?' mula sa bibig ni Jessie. Nasa ibang mundo ba ako? Nasa probindya lang kami. Hindi ito ibang mundo.

"Mabuti pa nga, para naman..." sabi ni Tito Raul pero natigilan siya nang taasan siya ng kilay ni Mama. "Para naman masolo ko ang Mama ninyo."

Tumango ang mga kilay ni Tito Raul. Napakagat na naman ng labi si Mama.

"Bilis na ninyo," sabi ni Mama. "Magcamping na kayo at may camping din kami dito ng Daddy ninyo."

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang mga ganitong usapan sa pagitan namin ni Mama. Awkward, oo, pero siguro alam naman niyang maiintindihan ko naman.

Pero hindi iyun ang una kong napansin. Camp out kami ni Jessie. Samantalang nitong mga huling araw ay hindi niya ako mapansin.

Tumayo si Tito Raul. Sasamahan ko na muna itong dalawa sa garahe.

"Okay na Dad," sabi ni Jessie. "Kami na lang."

"Iche-check ko lang din yung motor ko," sabi ni Tito Raul.

"Hayaan mo na ang mga bagets, dad," unrag ni Mama.

"Mabilis lang kami," sabi ni Tito Raul na may kindat pa.

Hindi normal ang kinikilos ni Tito Raul. Uunahin pa niya ang motor kesa sa mama kong kanina pa nagpapahiwatig. Kung tunay na lalaking homophobic si Tito Raul, uunahin na niya si Mama at hahayaan na kaming umalis. Parang may pinaplano ang mag ama. Pero parang si Tito Raul lang din. Gusto din ako masolo ni Jessie. Wala naman sana silang planong saktan ako. Kinabahan ako.

"Basta bilisan mo," sabi ni Mama kay Tito. "Alam mo namang maiinipin ako at times."

"Mabilis na mabilis lang 'to," sabi ni Tito Raul.

-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon