If You Could See Me Now (Comp...

Galing kay picea_glauca

1.3K 82 112

Cathy's life is quite simple. She works at a coffee shop in their townhouse. She would rather stay at their h... Higit pa

WARNING❗❗❗
Prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chaptrer fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
Epilogue (part I)
Epilogue (part II)
Epilogue (part III)
a/n

chapter thirty five

30 0 0
Galing kay picea_glauca

Last Chapter! Malapit na pala ako mag-goodbye sa first babies ko!😭😭

——

"Shh, maghahanap tayo ng..." pumikit ng mariin si daddy na parang may iniindang sakit. "...mabangong durian."

"Papatayin ko ang lalaking 'yon." Bulong ni daddy na hindi ko naintindihan. Sumakay kami sa kotse para pumunta sa mall, hindi na ako nagpalit ng damit dahil maayos naman ang suot ko.

"Pero Sir, wala naman po yatang mabangong durian," namomroblemang sabi ng nagtitinda ng mga prutas. Pang-ilang mall na ba namin 'tong pinuntahan? Namamaga na rin ang mga mata ko dahil umiiyak ako sa tuwing sinasabi nila na wala daw silang mahanap na mabangong durian.

"Huwag na lang po daddy, uwi na po tayo, inaantok na ako." Humihikbi kong sabi, nilingon ako ni daddy at kita ko na nag-aalala siya.

"Buntis po ang anak niyo, Sir?" Nakangiti na ang ale na tinanungan namin ng durian. Nagulat ako sa sinabi niya.

Buntis? Ako? Naalala ko ang nangyari sa amin ni Aaron. Pati ang delayed kong monthly period. Napapikit ako ng mariin at natakot na baka magalit si daddy. Posible na parang imposible! Isang beses lang nangyari 'yon!

Nilingon ko si daddy na nakatingin sa akin gamit ang namumungay na mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero alam kong kinakabahan ako. Paano kung totoo? Naalala ko ang mga kinuwento sa akin ni ate Rowena noong kinwento niya sa akin ang naging karanasan niya habang ipinaglilihi niya si baby Roz.

"Let's go," marahan ang boses ni daddy ang narinig ko bago niya ako inakay palabas ng mall. Tahimik lang ako habang sumasabay sa kaniyang mga hakbang. Nakarating kami sa sasakyan, pinagbuksan niya ako ng pinto bago umupo sa tabi ko. Noong una tahimik lang kami hanggang sa narinig ko ang pagtikhim no daddy. Dali-dali akong yumakap sa kaniya habang umiiyak.

"Daddy, sorry po. Hindi ko po alam," umiiyak na sabi ko habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni daddy. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pagbabara ng sipon ko, kanina pa rin ako iyak ng iyak.

"Shh, pupunta tayo sa ospital, aalamin natin, okay? Hindi galit si daddy," pag-aalo niya. Niyakap niya ako pabalik at hinaplos ng marahan ang bubok ko.

"Sa malapit na ospital, Karding," dali-daling tumango si mang Karding at pinaandar ang makina ng kotse. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa isang ospital, inalalayan ako ni daddy sa paglabas. Sabay kaming naglakad papasok.

"Senator Altayde?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Isang babaeng doctor  na nasa  mid fifties na ang edad.

"Doctor Manabat," ngumiti si daddy at nakipagkamay sa babae. "Ang tagal nating hindi nagkita, nalipat ka na pala sa Manila?"

"Oo." Sagot ng babae at lumipat ang tingin sa akin, "ito na ba ang anak niyo? Kamukhang-kamukha ni Aurora!" Nakangiti nitong sabi. Tumango ako at ngumiti ng maliit bago nag-iwas ng tingin.

"Oo. Kamukhang-kamukha ng mama niya..." May bahid na kalungkutan sa boses ni daddy.

Tumikhim ang babaeng doktor bago magsalita, "magpapa check up ba kayo?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Hmm," hinawakan ni daddy ang balikat ko. "Baka magiging lolo na ako," nakangiti nitong sabi. Hindi siya galit? Nangilid ang mga luha ko.

"Talaga?" Kita ko ang gulat sa mata ni doctor Manabat pero ngumiti rin kaagad. "Sumunod kayo para malaman natin," nauna itong maglakad sa amin kaya sumunod kami.

"Twelve weeks na ang baby mo, malakas naman ang kapit niya pero kailangan mo ring lumayo sa stress. Uminom ka rin ng gatas at  vitamins na irereseta ko sa'yo para mas lalong maging healthy si baby bago siya lumabas. Congratulations! " Nakangiti ito sa amin, si daddy lang ang nagsasalita dahil hindi pa maprocess ng utak ko ang mga naririnig ko ngayon. May baby na sa loob ng tummy ko?

Nang makauwi kami ay pinagpahinga muna ako ni daddy sa kwarto. He has a business to do pa raw kaya pupunta siya ng company. He was a former senator at five years na simula noong bumaba siya sa pagka senador. I don't know paano nangyari 'yon at ano ang dahilan but I don't have the guts to ask him. There's something saying me to keep quite.

Hinahaplos ko ang tiyan na hindi pa masiyadong halata habang naglalakad sa mall. Wala naman akong balak na bilhin pero gusto kong tumingin ng mga gamit ng baby ko. Thirteenth weeks pa lang  siya bukas.

"Hello?"

"Good morning, babe, nasaan ka? Wala ka dito sa bahay niyo." Si Edgar sa kabilang linya.

"Nasa labas lang ako, babalik din ako before lunch." Sagot ko habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng mall. May nakita akong stall na ang lahat ng binebenta ay mga gamit para sa baby, napangiti ako at naglakad papalapit doon.

"Hmm, gonna wait for you. May good news ako."

Napangiti ako sa narinig, "anong good news 'yan? Bawal ba sabihin over the phone?" Asar ko sa kaniya.

I heard him chuckled. "Much better if I tell you in person."

"Sus, gusto mo lang ako makita e, miss mo na agad ako?"

"Hmm, Sandra is on her way."

"Okay, maghintay pa kayo ng ilang oras. Bye!"  Natawa ako sa sariling kalokohan. Tiningnan ko ang baby crib na kulay pink, cute na cute ako at gusto ng bilhin pero hindi ko pa alam kung anong gender ng baby ko. Nilibot ko ang kabuuan ng stall, mga cute na damit pangbaby, gwantes, at may ilan din na mga laruan. Pinagsawa ko ang mga mata bago napagpasiyahang lumabas. I can't wait to back here and finally buy for my babies.

"Ouch! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Malakas na boses ng babaeng nakabanggaan ko. Pareho kaming naupo sa sahig dahil sa lakas ng impact, agad kong pinakiramdaman ang sarili. Kinakabahan ako na baka may mangyaring masama sa baby ko. Nang maramdaman na ayos lang ay tumayo na ako, kailangan ko pa ring pumunta sa doctor para malaman kung safe lang ba ang baby ko.

"Sorry, kailangan ko ng pumunta sa ospital," nagmamadalo kong sabi habang pinupulot ang laman ng bag ko na nagkalat sa sahig. Bigla rin natahimik ang nakabungguan ko, hindi ko na pinagtuusan ng pansin ang kaniyang mukha.

"C-Cathy?" Nagtaas ako ng tingin nang marinig ang pangalan ko. Natigilan ako ng makita ang mukha ng babaeng nakabanggaan ko. Lalo siyang gumanda, ang mahaba niyang buhok noon ay hanggang balikat na lang ngayon.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. "How are you? Are you okay? Bakit mo pa need na pumunta sa hospital?" Sunod-sunod na tanong niya. Wala pa akong nasasagot sa tanong niya ay nasundan na naman ito, "kamusta na kayo ni Aron? I have a tampo sa'yo, hindi mo na ako kinontak simula nong sinabi mong may date kayo ni Aron. Kinalimutan mo na ako?"

"K-Keilah?"

"What? Hindi mo pa sure ang name ko? Do I need to give my ID pa ba? Gusto mo lang yata tumakas sa mga questions ko," nakaismid niyang sabi.

Napangiti ako dahil sa inakto niya, hindi ko man naaalala ang iba pero siyang siya pa rin ngayon ang Keilah sa kaunti kong naalala noon. "N-No. Mahaba kasing kwento,"

"Edi i-kuwento mo. Hindi mo ba ako namimiss? Ako, hindi rin kita miss." Umirap siya sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Miss kita, gusto kong ikwento sa'yo ngayon pero kailangan kong pumunta sa ospital. Baka kasi napasama ang bagsak ko,"

"Oa ka, ang hina lang ng pagkakabagsak mo 'no, di ka naman maano e."

"No, hindi ako..." hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos 'yon.

Nagtagal ang tingin ni Keilah sa tiyan ko bago siya nakapag-reak. "Preggy ka? Magkaka-anak na kayo ni Aron? Bakit hindi kaagad sinabi?! Pang-ilang anak niyo na?"

Hindi ba siya nauubusan ng tanong? Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong pag-usapan. Ang huling pag-uusap namin ay doon sa ospital at pagkatapos no'n ay wala na. Wala na akong narinig tungkol sa kaniya.

"Ahm—let's go sa malapit na ospital. May alam ako, samahan na kita."

"Salamat," ngumiti ako sa kaniya.

Pumara kami ng taxi para makarating sa pinakamalapit na ospital.

"Yes baby, uuwi na rin ako," humalakhak si Keilah. Narinig ko na naman ang parang anghel niyang mga tawa, "miss mo na agad ako? Miss you too. Yep, love you! Bye!"

Gusto ko rin siyang tanungin kong sino ang kausap niya pero naunahan ako ng hiya. Matagal na rin kaming hindi nagkita kaya parang nakakahiya na bigla ko na lang tanungin kong sino ang katawagan niya e hindi ko nga sinagot ang mga tanong niya kanina.

"So far, malakas ang kapit ng baby mo. Huwag na lang sana maulit ang nangyari kanina, doble ingat sana at kung kaya ng triple ay gawin mo para sa baby." Maikli lang ang payo ng doctor na kilala ni Keilah. Nang matapos ay lumabas na kami, nasa lobby na kami ng tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag.

"Hoy, bruha! Isang oras na akong naghihintay dito ah? Tinotoo mo talaga ang sinabi mo kay Edgar? Pag ako gumanti sa'yo baka sampung oras kitang paghintayin!" Nagtataray na namang boses ni Sandra ang bumungad sa kabilang linya.

"Hala, sorry! Nakalimutan ko, nandito kasi ako sa ospita—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin ako ni Sandra gamit ang nag-aalalang boses."Ha? Bakit? Ayos ka lang? Ang baby mo?" sunod-sunod na tanong niya. Napangiti ako dahil sa inasal niya, parehong-pareho sila ni Keilah.

"Ayos lang ako, pakisabi kay Edgar na sorry. Itetext ko rin siya after nito."

"Sige, sige, hindi na ako makakahintay ng isang oras pa dito, 'no?! May gagawin pa ako, nauna na si Edgar na umalis e! Tagal-tagal kasi!" Bumalik na naman siya sa pagiging Sandra-gon.

"Oo sige, sorry ulit. Babawi ako next time."

"Aba dapat lang, ano?! Bye, ingat ka pag-uwi, may utang ka pa sa akin!" Binabaan niya ako ng tawag. Nailing na lang ako sa katarayan ni Sandra.

"Edgar? Owemgi, don't tell me siya ang daddy ng baby sa tummy mo? Akala ko ba hiwalay na kayo? Akala ko ba si Aaron ang mahal mo? Umiyak ka pa nga nang malaman mo na hindi naman pala niya balak maghiganti sa family mo. What happened?!" Ang bilis ng pagkakasabi ni Keilah na hindi ko na nasundan pa. Ang naintindihan ko lang ay maghiganti sa family.

"Wala akong naintindihan,"

"Mag-usap nga tayo, five years mo akong hindi kinontak tapos akala ko kayo na ni Aaron dahil pipiliin mo na siya diba?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Mahabang kwento kasi," napabuntong-hininga  ako.

"Kaya nga ikwento mo, may nakita akong malapit na café diyan oh! Tara do'n!" Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Nilakad lang namin ang café dahil walking distance naman siya.

"Ako na ang oorder sa atin, ihanda mo na 'yang sinasabi mong mahabang kwento." Tumayo si Keilah at pumunta sa counter. Naalala ko ang trabaho ko bilang server sa isang coffee shop doon sa probinsiyang tinirhan ko.

"Thanks," sabi ko ng iabot sa akin ni Keilah ang isang kape.

"May bayad 'yan. Isang mahabang kwento sa limang taon na nakalipas." Umiling ako bago sumipsip sa kapeng binigay niya. Masarap sana 'to isawsaw sa bananacue, siguro magtake-out na lang ako para makain ko sa bahay. Kinwento ko ang lahat kay Keilah, sa pagkawala ko ng ala-ala, sa pagtira ko sa probinsiya at pagkupkop sa akin ng mag-asawang tinuring kong mga magulang sa loob ng limang taon at sa muling pagkikita namin ni Aaron.

"Grabe naman pala ang nangyari sa'yo, pwede na iteleserye ah?" Natahimik kami ng ilang segundo bago siya ulit magsalita. "Kung...wala kayong relasyon ni Edgar, sino ang daddy ng baby mo?" Tumingin siya sa akin na nakapatong ang mga kamay sa baba. Nag-iwas ako ng tingin, walang balak sagutin ang tanong niya pero masiyadong bulgar ang boses niya kaya nabalik ang tingin ko sa kaniya  na nanlalaki ang mga mata.

"Don't tell me nagsarili ka tapos bigla kang napreggy?"

"Keilah!" Sigaw ko sa kausap. Ang pisngi ko ay nag-iinit at alam kong namumula na ito. Inilibot ko ang paningin sa loob ng café at napabuga ng hangin ng makitang wala masiyadong tao.

"Sino kasi ang daddy?" Naiinip na tanong niya.

"Si..." Pumikit ako ng mariin, "Aaron," sa wakas ay nasabi ko rin. Simula ng malaman kong buntis ako ay ngayon ko lang nabigkas na may boses ang pangalan ni Aaron. "We had a relationship, pero..."

"Naghiwalay kayo? Bakit? Dahil sa sinabi mong paghihiganti niya sa pamilya niyo? Sapakin kaya kita ngayon para naman maalala mo 'yong panahon na umiiyak ka sa akin dahil nalaman mong hindi totoo 'yong hinala mo? Sino nga ang pupunta sana sa batangas para sa date nila ni Aaron noong araw ng mga puso pero hindi natuloy dahil naaksidente?"








——

POV na ni Aaron ang next! see yah!💚

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
1.8M 116K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.7M 105K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...