Epilogue (part I)

24 0 0
                                    

Good day, everyone! Epilogue na! It's Aaron POV. This epilogue will have  part one, two, and  three. 💚

Aaron Pov:

"Dahil naglalaan tayo ng segundo, minuto, at oras sa bawat araw para maghintay ng isang taong mahalaga sa atin kahit na hindi tayo sigurado kung kailan sila darating." Hinaplos ni mommy ang pisngi ko. Palagi niya akong binabasahan ng mga pabulang kwento bago ako matulog.

"Kaya po ba naghintay pa rin si kuneho na darating ulit si pagong kahit na alam niyang hindi na ito babalik dahil sa mga sinabi niya?"

"Mahalaga si pagong kay kuneho kahit pa masasakit 'yong mga sinabi niya dito. Tama po ba?" Inaantok na ang boses ko, humikab ako at kinusot ang mga mata para pigilan ang antok. Gusto ko pang makinig ng mga kwento ni mommy, after nitong weekend, isang linggo ulit ang bibilangin ko bago ko sila makasama. Pareho silang attorney ni daddy at meron daw silang inaayos na case kaya naiiwan ako sa bahay nila Val—ang matalik kong kaibigan.

"Tama. Ang galing naman mag analyze ng mga bagay-bagay ng baby namin. Kiss nga si mommy," hinalikan niya ng ilang beses ang pisngi ko. "Manang-mana ka talaga sa amin ni daddy, bagay na bagay sa'yo maging attorney."

"I want to be an engineer." Pagtutol ko sa sinasabi ni mommy.

"Oh you can be an engineer too after studying law. Come on, sleep," I yawned and slowly close my eyes. I heard mommy whisper I love you to me.

I woke up because someone is jumping on my bed. "Aron, wake up! It's already 8 in the morning. Sabi ni mommy, dapat daw maaga bumangon ang mga bata." Hindi na ako nagtanong sa sarili kung sino ang may lakas loob na pumasok dito sa kwarto ko. Iisa lang naman ang kaibigan ko.

"Stop it, Val. Nahihilo ako sa ginagawa mo and please, I'm not a kid." Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata. Nandito na sila Val it means nakaalis na naman sila mommy, hindi man lang ako hinintay magising but I understand them. I have to understand them.

"Seven years old ka pa lang," humiga si Val sa kabilang espasyo ng kama. Nakadekwatro ang mga paa habang nakataas ang mga kamay.

I sighed. "Do you want to be an engineer just like your dad?" I asked him.

"Ayoko," umiling ito at ngumuso sa harap ko. "I want to be a doctor. Gusto ko mag-alaga ng mga taong may sakit lalo na sa mga bata." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Maloko si Val pero alam kong mas matured na siya mag-isip sa ibang batang kaedaran namin. Were just seven but acting like adults.

"You want to be a pediatrician, I see..." Tumatango-tango kong sabi.

"Ganon ba ang tawag don?" He asked and I nod. I saw him smiling a bit, "then I will be a pediatrician someday. I will take care of them and ease their pain." There's a hint of determination in his eyes.

Bumaba na kami nang tawagin kami ng mommy ni Val. Just like what we always do every weekdays. Kakain ng almusal para sa pagpasok. Hindi nagbago ang gawain na 'yon hanggang ngayong grade ten na ako. Minsan ko na lang din nakikita sila mommy, once a month? I don't know, hindi ko na napapansin ang araw na wala sila. I will just woke up na nasa bahay sila and the other day they will leave again. Hindi nawawala ang suporta nila sa akin but their presence that I needed the most were absent. They're always busy with their works and the lawfirm. Sa tuwing nagkikita kami kapag may mahalagang okasyon palagi nilang ino-open up ang pagsunod ko sa yapak nila. They want me to be an attorney just like them but I don't want to! Katulad ngayon, galit na nakatingin sa akin si daddy. Napangiti ako ng mapakla at napailing ang ulo.

"Mag aabogado ka, Adrianne Aron! Sa ayaw at sa gusto mo! Nag-iisa ka lang na anak namin at walang ibang hahawak ng lawfirm kapag hindi na namin kayang magtrabaho kundi ikaw!" Sigaw niya. Ngayon lang sila umuwi dahil new year tapos ganito pa ang mangyayari.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now