chapter six

29 2 10
                                    

"Good morning, Cathy! Sasama ka ba mamaya?" Bungad sa akin ni Jella nang pumasok ako sa coffee shop. May hawak siyang mop, kami rin kase ang naglilinis at nag-aayos ng mga bangko bago at pagkatapos ng trabaho namin.

"Saglit lang ba tayo roon?" Tanong ko. Hindi ako pwedeng magpagabi ng husto dahil hindi rin ako nakapagpaalam kina mama, maaga silang umalis kanina at hindi ko na sila naabutan pa.

"Oo, saglit lang tayo doon, ang habol lang naman kase namin e 'yong gwapong lalaki na magaling kumanta at maggitara," ngiting-ngiti si Jella habang sinasabi iyon.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya sa akin at nilampasan na siya para makapagbihis na rin ako ng uniform namin. Bago pa man ako makapasok sa isang pinto kung nasaan ang locker namin ay narinig ko ang matinis na boses ni Jella. Tumitili at nagpapadyak siya, hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan nila pero nakita ko ang isang lalaki na kinukuyog nila, hindi ko kita ang mukha dahil nakayuko ito at pinalilibutan siya ng mga kasamahan ko sa trabaho. Nagkibit- balikat ako at dumiretso na sa loob.

Wearing a green shirt with color black collar, grey apron, and a ribbon net, lumabas ako at pumunta na sa counter.

Nakita ko si Sandra sa labas  na may kausap na dalawang lalaki o mas tamang sabihin na kausap ang isa sa dalawang lalaki. Ang lalaking nakasuot ng kulay puting damit ay nakikipagtawanan kay Sandra habang ang isang lalaki naman na nakasuot ng kulay itim na damit at kulay grey na sweatpants ay nakatingin lang sa malayo. Maganda ang tindig nito at pamilyar ito na  para bang matagal ko na siyang nakita. Naunang naglakad paalis ang lalaking may suot ng itim  na damit, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero tila ba tinawag ng lalaking nakaputi ang kasamahan niya pero lumingon lang ito at nagpatuloy sa paglalakad kaya humarap ulit ang lalaking nakaputi kay Sandra at nginitian siya tsaka tumakbo paalis- sinusundan ang lalaking unang umalis.

"Anong pinag-usapan niyo, Sandra?" Tanong ni Jella. Nasa kabilang gilid ng counter si Sandra habang si Jella naman ay nasa cashier kaya rinig na rinig ko sila.

Hinawi ni Sandra-gon ang buhok niya patalikod at humarap sa akin before she spoke. "Adrianne asked me a dinner date after niyang kumanta mamaya sa plaza."

Oh, bakit sa akin ka nakatingin? mukha ba akong maiinggit kung may ka dinner date ka? Hindi ko nga kilala kung sino 'yang Adrianne na 'yan. Gusto kong sabihin  sa kaniya but I remained silent.

"Pero si Von ang kausap mo kanina 'di ba?" Naguguluhang sambit ni Jella.

"Nahihiya kase si Adrianne na kausapin ako kaya si Von ang nagsilbing messenger namin," pabebeng sagot ni Sandra-gon.

Mabilis na umusad ang maghapon naming trabaho. Dumating ang gabi at naghanda na kami para pumunta sa plaza kung saan kumakanta ang lalaking pinapanood nila na Adrianne raw ang pangalan. Nilinaw sa akin ni Jella na si Adrianne raw 'yong naka black na damit kanina at siya rin 'yong palagi nilang pinapanood sa plaza na kumakanta, si Von naman ay 'yong lalakeng kausap ni Sandra kanina na naka kulay puting damit.

"Tara na, guysss! Alas otso y media na, mamaya lang ay magsisimula na kumanta si Adrianne!" Aligaga si Jella habang minamadali kami, gaano ba talaga kaganda ang boses ng lalaking 'yon para umasta ng ganito si Jella? para siyang mamamatay kung hindi mapapanood nang isang beses si Adrianne.

Suot ang handkerchief style skirt, yellow shirt, at white sneakers ay naghihintay ako sa kanila sa labas. Tinatapos lang ni Celine, barista namin, ang pagsasarado ng coffee shop, siya kase ang may hawak ng susi dahil palagi siyang maaga. Minsan lang din naman bumisita ang may-ari ng coffee shop kaya nakakabuwelo si Sandra na hindi magsuot ng uniform namin.

"Kapag talaga narinig mo ang boses ni Adrianne baka sumama ka na rin sa amin gabi-gabi sa plaza para lang panoorin siya," nakakapit si Jella sa mga  braso ko habang naglalakad kami papunta sa plaza.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now