chapter thirty three

20 1 0
                                    

Ilang segundo pa ang tinagal ng titigan namin bago sila nag-iwas ng tingin. Tumayo sa pagkakaupo si mama at marahang naglakad papalapit sa akin. Gusto niya akong hawakan pero iniwas ko ang braso ko. Nakita kong marahan niyang binaba ang kaniyang mga kamay bago ako nginitian ng maliit habang ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata ay nangingilid. Umiwas ako ng tingin, hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan sa tuwing nakikita siyang umiiyak kahit na masama ang loob ko sa kanila.

Sa loob ng limang taon kong paninirahan kasama sila ay naramdaman ko na totoo ang pagmamahal na ipinakita at pinaramdam nila sa akin, tinuring nila akong isang tunay na anak.

"P-Pareho ang bus na sinasakyan natin noon. Pauwi kami noon sa probinsiya d-dahil anibersaryo ng nawala naming anak na si Katalina." Natigilan ako sa narinig.

K-Katalina? Ganiyang pangalan ang tinawag sa akin dati ni papa. Akala ko namali lang ako ng pandinig pero hindi pala, totoo si Katalina.

"Magkatapat lang ang upuan natin noon sa bus kaya kita ko ang ginagawa mo. Kausap mo si browny, ang alaga mong aso ngayon. Kalong mo siya habang kinakausap, masaya ka noon dahil umaawit ka pa at kung minsan ay ngingiti at tatawa kahit na ang kausap mo ay ang hawak mong aso. Napangiti ako habang nakatingin sa iyo, bigla ay naalala ko noon si Katalina na katulad mong mahilig sa mga hayop." Huminga ng malalim si mama saka pinahiran ang luhang kumakawala sa kaniyang mga mata.

"Nang nasa bandang Tayabas na tayo ay biglang umulan ng malakas, dumulas ang kalsada, nakaidlip ang driver ng bus na uminom pala muna bago bumiyahe. Nagising siya ng isang malakas na busina ang narinig namin, pinilit ng bus driver na iiwas ang sinasakyan natin sa papasalubong na dump truck  pero huli na. Masiyado ring madulas ang kalsada noon dahil sa lakas ng ulan. Nagkabangga ang gilid ng truck at sinasakyan natin kaya tumama tayo sa isang malaking punp at dumiretso ang sinasakyan natin sa bangin. Sigawan at tilihan ang narinig ko sa loob ng bus. Ramdam ko ang kanilang takot pero para sa akin—sa amin noon, handa na kami. Ito na ang pagkakataon na masusundan namin ang nag-iisa naming anak na si Katalina na hindi kami magkakasala sa Diyos sa pagkuha ng sariling buhay. Nagyakap kami at ngumiti na sa isa't-isa ng papa mo dahil tanggap na namin. Makakasama na namin ang aming anak pero hindi nangyari 'yon. Himala at nakaligtas kami, himala at tanging pagkahilo at kaunting sugat lang ang nakuha namin. Noong una ay napatanong ako; bakit hindi niyo pa kinukuha ang buhay namin? Maraming tao na gusto pang mabuhay pero bakit iyon ang kinukuha niyo? Alam kong kalabisan na tanungin ng ganon ang Diyos. Na kwestiyunin lahat ng kaniyang nais. Tumayo kami ng papa mo para lumabas sa sinasakyan na bus kasama ng ilang pasahero na nakaligtas pero may narinig kaming tahol ng isang aso, naalala ko kayo—ang katapat namin noon ng upuan. Napunta kayo sa likurang bahagi ng bus, ang alaga mong aso ay nadaganan ng mabigat na bag kaya nag-iingay, kahit na papilay-pilay ay pinilit naming makarating sa pwesto niyo para matulungan ko kayo. Wala kang malay kaya binuhat ka ng asawa ko. May nagrescue sa atin at dinala tayo sa pinakamalapit na ospital. Dineretso ka sa emergency room, kahit na hindi kita kilala ng mga panahong iyon, nanalangin ako na sana iligtas ka sa kapahamakan. Nanginginig ang mga tuhod at labi ko dahil naalala ko noon ang nag-iisa naming anak na hindi namin naligtas. Wala kaming kilala sa lugar na 'yon, mabuti na lang at mabait ang taong tumulong sa atin. Binigyan niya kami ng trabaho bilang caretaker ng kanilang bahay kapalit ng pagbabayad nila ng bill sa hospital kung saan ka naka incharge. Bigla naming narealize na kaya hindi kami kasama sa mga nasawi sa aksidente ay dahil may aalagaan pa kami. Na mararamdaman ulit namin maging isang magulang na maagang binawi sa amin." Niyakap ni papa si mama na ngayon ay pinapatahan na kahit na may luha ring tumutulo sa kaniyang mga mata.

"S-Sinabi ko sa sarili na kapag walang naghanap sa'yo—ako na ang kukuha sa'yo. Ako na ang magiging mama mo at magiging anak na kita. Isang linggo pa ang lumipas bago ka nagising. Wala kang maalala kaya kinuha ko na ang pagakataon na sabihing anak kita. Alam kong makasarili ako pero sa mga panahong iyon ay bigla ulit akong nagkaroon ng dahilan para mabuhay pa dahil nakita kita na nag-papaalala sa anak namin. Umalis kami sa pinagtatrabahuan at sinabing uuwi na tayo sa probinsiya natin. Hindi sila umangal at binigyan pa tayo ng pera para sa gastusin. Doon tayo pumunta sa tinitirhan natin ngayon. Binigay namin sa'yo ang pangalan ng anak namin. Hindi naman alam ng mga nakatira sa amin na wala na ang anak namin kaya hindi naging mahirap na sabihing ikaw na si Katalina Cathy—ang anak namin. Sa mga araw na tulala ka at gabing hindi makatulog ay gusto ko na lang na ihatid ka sa totoo mong magulang pero kanino? Isa pa, napamahal ka na sa amin. Palagi naming hinihiling na sana ay gumaling ka na. Pagkalipas ng dalawang taon ay bumuti ang pakiramdam mo, naging masiyahin ka na rin at nagkaroon ng trabaho kaya hindi ko na hinanap pa ang totoo mong pamilya. Binigyan mo ng kulay ang mundo namin, binuhay mo ang tahimik naming bahay. Ang mga ngiti at tawa mo sa tuwing nagkekwentuhan tayo ng papa mo. Wala na akong mahihiling pa na kahit ano. Nakalimutan ko rin na wala palang sekreto na hindi nabubunyag, hindi ko 'to inaasahan, hindi ko napaghandaan na darating ang panahon, gaano man katagal ang lumipas ay makakaala ka ulit. At ito na nga, nangyayari na." Umiiyak niyang tugon.

Gusto kong lumapit at  yakapin sila ng mahigpit. Wala akong mahanap na salita. Dapat ay magpasalamat pa ako sa ginawa nilang pagmamalasakit at pagaalaga sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kanila.

"Patawarin mo kami, anak. Totoo ang pagmamahal na pinakita namin sa'yo. Hindi ka namin sisisihin kung magagalit ka sa amin dahil may karapatan ka. Nagsinungaling kami sa'yo." Dugsong ni mama.

"M-Magkano lahat ng babayaran ko sa mga sakripisyo at gastos niyo?" Tanong ko.

"Hindi kami magpapabayad dahil kusang loob naman iyon. Wala kang babayaran, anak." Napapapikit na lang ako sa tuwing tinatawag nila akong anak. Ang sarap sa pandinig na matawag nila ng anak pero may kirot din sa puso ko dahil nagsinungaling sila sa akin. "Hindi ka namin pipigilan sa pag-alis mo at paghahanap ng totoong pamilya mo. Palagi mo ring tatandaan na mahal na mahal ka namin. Tinuring ka naming isang tunay na anak. Kung mapatawad mo kami, bukas ang tahanan namin para sa'yo na naging tahanan mo na rin sa nakalipas na limang taon." Binigyan ako ni papa ng marahang ngiti. Bago pa tumulo ang luha sa mga mata ko ay tumalikod na kaagad ako sa kanila. Sinarado ko ang pinto pagkalabas ko sa kanilang kwarto at sumandal doon. Pilit pinipigilan ang mga hikbi na gustong kumawala pero ang  luha sa mga mata ay hindi na nagpaawat pa.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto at tumayo ng tuwid. May isa pa akong haharapin, please, kayanin niyo po, daddy. Lumaban ka dahil hindi ko na kakayanin ang sakit kung aalis ka na kaagad na hindi pa tayo nag-uusap.

Naglakad ako sa pasilyo ng ospital na may tumutulong luha sa aking mga mata. Malapit na ako sa kwarto ni daddy, sa kwarto kung saan ko siya iniwan nang biglang mag flat line any machine na kumukonekta sa kaniyang buhay. Naiintindihan ko ang nangyayari pero pilit kong hindi iniintindi. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na ayos lang ang lahat, gigising si daddy at magkakasama pa kami. Natanaw ko si Mang Karding na nakatingin sa bintana ng pintuan habang yakap si manang Nelia na umiiyak. Biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.

Ito na ba:  Iiwan mo na ba talaga ako daddy? Sasama ka na kay mommy?

Tuluyan na ba talagang mawawala si Princess? Iniwan na siya ng reyna at ngayon naman ay ng... hari?

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now