chapter twenty nine

19 3 0
                                    

"Good morning," si Aaron ang bumungad sa akin ng magmulat ako ng mata. Para bang kanina pa niya ako tinititigan. Yumuko siya at hinalikan ako sa labi.

"Kakagising ko lang!" Protesta ko at tinabunan ang bibig.

"Ano naman? Mabango ka pa rin naman and it doesn't matter because I want to kiss you."

Hay, ito na naman po tayo, ke-aga aga e pinapakilig agad ako.

"Niloloko mo lang naman ako, anong mabango? Amoy laway kamo!" Nakanguso kong sabi, nagpipigil ng ngiti.

"Mabango talaga," muli ay humiga si Aaron at sumiksik ulit sa akin. Niyakap niya ako ng buong higpit at pinaghahalikan ang hubad kong balikat. Hinampas ko siya para patigilin. Halakhak namin ang namayani sa loob ng kwarto.

Kung pwede lang sana na pahintuin ang oras,

"Pakakasalan kita," madamdamin niyang usal ng mahinto kaming dalawa.

Nanubig ang mga mata ko. Akala ko ay nasabi niya lang iyon kagabi dala ng damdamin. "Pakakasal ako sa'yo," bulong ko at niyakap siya.

Bumuntong hininga si Aaron. "Kung pwede ko lang pahintuin ang oras, siguro ay kanina ko pa ginawa."

Ganiyan din ang naisip ko, Aaron.

Bakit kaya tila kay dali lang ng oras kapag kasama mo ang isang taong mahalaga sa'yo?

"Magpapakasal tayo pero kailangan muna nating bumangon sa ngayon. Tumawag  ako sa ospital at sinabing papunta na tayo."

Dahil sa sinabi niya ay napabangon ako kaagad. Dali-dali akong dumiretso sa banyo para makapaglinis ng katawan. Lumabas akong tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. May nakita akong damit na nakatiklop na nakapatong sa kama.

May nabasa rin akong isang note na alam kong galing kay Aaron.

Binilhan kita ng damit na maisusuot. Hihintayin kita dito sa kusina, I love you.
                                                   —Aaron,

Napailing ako sa nabasa habang may munting ngiti sa mga labi.

"Good morning," bati ko kay Aaron ng pumasok ako sa kusina. Nakatalikod siya sa akin habang nagluluto ng pancake.

"Good morning!" Mas masigla niyang bati pabalik. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi bago ako pinaupo. "Patapos na 'tong ginagawa ko. Saglit na lang," nilagay niya sa pinggan ang naluto ng pancake at pinatong sa lamesa. Pinatay niya ang pinaglulutuan at lumapit sa pwesto ko. "Anong kape ang gusto mo?" Tanong niya.

"Black coffee please," malambing kong sagot.

"Wait a minute, ma'am," aniya na para bang isang waiter sa isang restaurant. Yumukod siya at tumalikod sa gawi ko. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Parang dati lang ay nangarap din ako ng ganitong klaseng scene sa buhay ko at hindi ako makapaniwalang nangyayari na nga.

Kumuha ako ng pancake at nilagyan iyon ng butter. Napansin ko rin ang mga tupper ware na magkakapatong.

"Ano ang mga ito?" Tanong ko sa kasama ng bumalik siya dala ang hiningi kong kape.

"Pagkain natin sa ospital. Alam kong gusto mong kasalo ang mga magulang mo." Sagot niya at hinila ang isa pang bangko para maging magkatabi kami.

Humiwa ako ng pancake na nasa pinggan at isinubo iyon kay Aaron na agad naman niyang tinanggap.

"I've been dreaming this scene  and I can't believe that this is actually happening."

"Ako rin," sagot ko habang nakangiti.

If You Could See Me Now (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon