chapter nine

21 2 7
                                    

Parang huminto ang pagtakbo ng oras sa pagkakataong ito, tila napako ang mga paa ko kung saan ako nakatayo. Bitbit ang aking mga pinamili ay hindi alintana ang malamig na simoy ng hanging dala ng pintong nakabukas. Tanging tunog lang ng malakas na patak ng malalaking butil ng ulan at kasabay na malakas at mabilis ng pagtibok ng puso ko ang tangi ko lang naririnig.

Hindi ko maipaliwanag ang emosyong aking nararamdaman. Kaba, pagkasabik, at takot ng makita ko siya. Naalala ko na naman ang magaganda niyang mata ngunit may bahid na kalungkutan, mararamdaman mo iyon kapag tinititigan mo siya gaya ng nangyayari ngayon.

Nakaupo si Adrianne  sa aming upuan, nakatingin sa akin  at tila nakakita ng multo. Nakaawang ang kaniyang likas na mamula-mulang labi at may mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata na tila ano mang oras ay babagsak iyon. Basa ang kaniyang damit at mayroong tuwalyang nakapatong sa kaniyang balikat, mayroon siyang hawak na tasa na hula ko'y kape ang laman niyon. Hindi kalakihan ang aming tahanan kaya kapansin pansin ang isang duffel bag na kulay itim na siguro'y pag-aari ni Adrianne pero… Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?

'Cathy' Bigkas niya, sobrang hina niyon ngunit nabasa ko dahil sa pagbuka ng kaniyang mga labi.

Kumunot ang noo ko, bakit niya ako kilala? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman kami nagkikita at naipagpapakilala sa isa't-isa. Baka nabanggit  ni Jella, pero paano? Nagkakausap ba sila ni Jella tuwing gabi sa plaza? Pero sa pagkakatanda ko, si Sandra itong laging nakakausap ni Adrianne. Imposible naman na banggitin ni Sandra ang pangalan ko dito at sa anong dahilan?

Naputol ang pagtititigan namin nang lumabas si mama galing sa kusina. Tumatawa siya dahil may ibinulong si papa dito ngunit agaran ding nawala ng mapatingin siya sa pwesto ko.

"Katkat, Pumasok ka dito at isarado mo iyang pinto! Umuulan!" Lumapit sa akin si mama gamit ang malalaking hakbang. Kinuha niya ang mga pinamili ko at inutusan si papa na kumuha ng tuwalya. Ibinalot nila iyon sa akin, napatingin ako sa gawi ni Adrianne at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nakatitig pa rin siya sa akin, mababakas ang takot at pangungulila sa kaniyang mga mata. Nagtataka ako kung bakit ganon siya kung makatingin, nawala ang atensiyon ko sa kaniya ng marinig ko ang boses ni mama.

"Pumasok ka muna sa kwarto mo at magbihis ka, pagdali at baka magkasakit ka pa! Dapat hindi ka nagpapaulan, alam mo namang bawal, Katkat!" Sapo ni mama ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Tumingin ako kay papa at nanghihingi ng tulong, Lumapit sa akin si papa at mas hinigpitan ang pagkakabalot sa akin ng tuwalya. Hinalikan niya ako sa noo.

"Pumasok ka na sa loob ng kwarto mo at magbihis ka, Katkat, baka magkasakit ikaw anak. Lumabas ka rin agad para makakain ka ng lugaw." Mas malumanay na pagkakasabi ni papa. Ngumiti ako at tumango bago pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay saktong pagbahing ko, mabigat ang aking ulo at para akong magkakasakit. Hindi na ako naligo at nagbihis lang ng isang pajamas at isang jacket dahil nilalamig ako.

"Saan ba ang iyong tungo, hijo?" 'Yon ang narinig kong tanong ni papa pagkalabas ko sa kwarto.

Humigop muna ng kape si Adrianne bago sumagot kay papa. "Pauwi na po sana ako sa Manila," magalang nitong sagot.

Ibig sabihin ay dayo lang pala siya dito. Hindi na siya kakanta sa plaza kung ganoon?  Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ang bulto ng katawan niya. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakikita.

"Pumunta na kayo rito at kakain na tayo!" Sigaw ni mama na nagpaahon kina Papa at Adrianne sa pagkakaupo. Nakita ako ni papa kaya tinawag niya ako.
"Halika na, Katkat. Kain na tayo, anak."

Napalingon din sa akin si Adrianne. Andiyan na naman ang mga titig niya, naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Para bang ano mang oras ay mawawala ako sa paningin niya.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now