chapter thirty four

16 0 0
                                    

Three months later...

"Sigurado ka bang ayos ka lang, Katkat?" Nag-aalalang tanong ni manang Tasing. Kahit na nahihilo pa rin ay nagawa kong tumango bilang sagot.

"Ilang araw ka na bang nagsusuka? Aba, baka naman may sakit ka na niyan. Mabuti pa ay magpatingin ka na sa doctor."

"Hindi na po, maayos naman ang pakiramdam ko paggising ko. Ngayon lang dahil sa amoy ng bawang." Hinawakan ko ang ulo ko and shake it a bit. Naghilamos na rin ako para umaliwalas ang pakiramdam ko. "Hindi ko nga po maintindihan, manang, kanina paggising ko gustong-gusto kong kumain ng sinangag tapos nong maamoy ko naman ang bawang bigla na lang akong nasuka pero maayos naman po ang pakiramdam ko, alam ko sa sarili kong wala akong sakit." Tumingin ako kay manang at nginitian siya, kumunot ang noo ko ng makitang namumtla si manang habang tulalang nakatingin sa akin. Inalog ko siya ng marahan, "ayos lang po ako manang, wala po akong sakit." Ulit ko saka ngumiti ng maliit.

"Ikaw ba ay—"

"Princess?" hindi natapos ni manang ang kaniyang sasabihin ng marinig namin ang kaniyang boses. Noong mga panahon na akala ko wala na akong makakapitan, bigla siyang bumalik. Sinamahan niya akong hanapin ang ilan ko pang mga ala-ala. Hindi siya nagsawang alagaan ako at paulit-ulit na sabihing mahal niya ako. Noong mga panahong malungkot ako ay siya ang nagpapasaya sa akin, nagpapangiti at nagpapatawa. Akala ko wala ng pag-asa, akala ko mabubuhay na akong mag-isa pero hindi siya pumayag, lumaban siya at pinilit mabuhay para lang makasama ako.

"Daddy!" Masayang sigaw ko na parang bata at mabilis na tumakbo para mayakap siya.

"Diyos ko, Katkat, huwag kang tumakbo ng ganiyan!" Rinig kong sigaw ni manang pero nasa harapan na ako ni daddy.

"Pinasakit mo na naman ang ulo ni manang," umiiling ma sabi ni daddy.

"Hindi po, akala lang po niya may sakit ako." Niyakap ko siya ng mahigpit, "miss you, daddy. Asan ang pasalubong ko?" Nakangiti kong tanong. Galing siya sa business trip sa Davao at naisipan ko magpabili ng Durian. Hindi ko alam pero naiisip ko pa lang ang durian ay naglalaway na ako.

"Pwede ko ba namang kalimutan 'yon? Nasa kotse ang pasalubong ni daddy." Inakbayan ako ni daddy at naglakad papunta sa kusina. Naabutan namin si manang Tasing na nanatiling nakatulala.

"Ayos lang po kayo, manang?" Tanong ko na parang gumising sa kaniya. Dalawang beses siyang nagmulat-pikit ng mga mata.

"Good morning, Sir,"

"Magandang umaga rin po, manang," naghila si daddy ng upuan para sa akin.

"Kape po, sir?" alok ni manang.

"Sige po, katulad ng dati 'yong walang asukal."

Naglakad si manang papalapit sa coffee blender namin. "Ako na po ang gagawa ng kape ni daddy!" I volunteer.

"Oh, siya sige, pakitawag na lang kung may kailangan pa kayo. Kakausapin ko lang ang bagong kasambahay na pumalit kay Feliz."

Ginawa ko ang kape ni daddy na walang asukal. Naalala ko noong nasa probinsiya pa ako, ako ang nagtitimpla ng kape ni papa tuwing naabutan ko siyang papunta sa palayan tuwing umaga. Ako rin ang nagluluto sa amin sa tuwing may sakit si mama. Ang simpleng buhay na naranasan ko noon pero sobrang saya. Masasayang mga ala-ala sa probinsiya. Kamusta na kaya sila kuya Ruiz at ate Rowena, ang anak nilang si baby Roz? Bumuntong hininga ako ng maalala ang lahat ng iyon. Masaya rin naman ako ngayon, nagkausap kami ulit no daddy, nawala ang pader sa pagitan namin at nagsimula ulit ng bago.

"Ito na po ang kape," nilapag ko sa tasa ang lamesa.

"Kain na tayo," sinandukan ako ni daddy ng sinangag sa pinggan. Mabilis kong tinabunan ng kamay ang ilong dahil sa hindi ko gusto ang amoy ng bawang. Maluha-luha kong sinabi kay daddy na ayoko ng sinangag. Mabilis niya rin 'yong inalis kahit na alam kong naguguluhan siya. Kahit ako rin naman ay naguguluhan sa mga kakaibang nangyayari sa akin ngayon.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now