chapter one

96 10 41
                                    

"Happiness can be found even in the darkest times if only one remembers to turn on the light." Binasa kong muli  ang isang qoute  na nakadikit  sa bulletin board dito sa pinagtatrabahuan ko.

Agree ako sa nabasa ko. Happiness is a choice. You can't be happy if you don't want to. Kahit na ikaw pa ang may pinakamaraming pera sa buong mundo kung hindi mo gusto ang sumaya hindi mo iyon mararamdaman.

Empty. Kahit na pinalilibutan ka ng masasayang tao kung hindi mo tinitibag ang pader na nakaharang upang sumaya ka ay pakirmdam mo pa ring mayro'ng kulang.

But on the other hand. Happiness is that feeling that comes over you when you know life is a good  and you can't help but smile. It's the opposite of sadness.

Happiness is a sense of well-being, joy or contentment. When people are successful, or safe, or happy. They feel happiness. The "pursuit of happiness" is something this country is based on, and different people feel happiness for different reasons.

In psychology, a happiness is a state of emotional of human being. It's  our nature.

"Cathy, table seven!" sabi sa'kin ng kasamahan ko sa trabaho.

Nandito ako sa bayan ng lugar namin, nagtatrabaho sa maliit na coffee shop para makatulong sa magulang ko.

Mahirap  ang buhay namin. Isang maliit na bahay na mayroong apat na sulok ang aming tinitirahan. Maliit na sala na kadugtong ng kusina at (palikuran). Mayroong dalawang kwarto, ang isa ay kina mama at ang isa ay ginagamit ko.

Pagsasaka ang kinukuhanan ng hanapbuhay nila papa. Minsan kapag wala akong trabaho dito sa coffee shop ay sumasama ako kay mama para maghatid ng pagkain kay papa.

Si mama naman ay nagluluto ng mga meryenda at nilalako sa mga bahay-bahay. Siya rin ang nagdadala ng meryenda sa mga nagtatrabaho sa munisipyo. Tumutulong din ako sa kan'ya maglako.

Lunes, Miyerkules, at Sabado lang ang pasok ko dito sa coffee shop. Apat lang kami na nagtatrabaho dito. Maliit lang ito at hindi kaya ng may-ari ang magpasweldo nang marami.

Isa ang nasa cashier, isa ang gumagawa ng kape at dalawa kaming nagseserve sa mga kustomer.
Ganon din sa mga nakatoka sa Martes, Huwebes, at Biyernes. Wala kaming pasok kapag Linggo dahil nakasarado ito.

Twelve hours ang pagtatrabaho namin dito. Alas otso ng umaga ang pasok namin at alas otso rin ng gabi ang out.

Dinaig pa ang convenient store.

I'm curious: Why?  people do loves coffee? Magsasabi ng naiinitan sila pero maya-maya ay nagkakape na. Hindi ba nila alam na drinking too much coffee might cause a headache and anxiety? Drinking coffee containing caffeine can cause insomnia, nervousness,  and restlessness.

One time, I asked papa kung bakit niya gustong-gusto ang kape kahit na mainit ang panahon. I even tell him na nagca-cause ng  irregular heartbeat and chest pain and coffee pero tinawanan niya lang ako. Sabi niya nakasanayan na daw ng mga Pilipino ang uminom ng kape kahit mainit ang panahon kaya wala na akong sinabi.

Natapos ang trabaho namin at naglalakad kami papunta sa mga sasakyan ng motor para makauwi na dahil malayo ang bahay namin dito sa Bayan.

Mahigit bente  minuto ang biyahe kapag nakasakay ka sa motor at mahigit dalawang oras naman kung lalakarin mo. Pero kung ang paglalakad mo ay katulad ng paglalakad sa Miss Universe. Tanghali ka na makakarating sa Bayan kahit pa  umaga ka nagsimula maglakad.

"Grabe, 'no? Ang swerte talaga ng mahaharana niya. Complete package na, mga  bhe!" Sabi ni Jella, kasama ko sa trabaho. Nagdedeliryo na siya dahil nanghahampas na ng braso habang nagkekwento.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now